Album

Baon (feat. Gab Chee Kee)


Talumpati
Gloc-9
2011

Intro:

Mula nang makilala ka di na ako nakawala

Saan saan nang dumaan hindi pa rin kita natatakasan

Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita

At kung ako'y mapatingin bigla na lang naglalaho

Na parang hangin

 

Chorus:

Lagi kitang daladala

Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon

Iniisip pa rin kita

Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

 

Verse 1:

Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta

Kahit saan makarating kung nandun ako narun ka

Sa may Quiapo sa Lawton papunta ng Luneta

Naglalakad sa Roxas Boulevard sa may Cuneta

Astro Dome dire-diretso sa may Baclaran

Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran

Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo

Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo

Mama para sa tabi bababa na po kami

Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami

Habang kami nag-aabang sa ilalim ng Alabang

Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang

Dinaanan ang Sucat pagkatapos Bicutan

Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan

Kahit anong gawin niyo basta okay lang ako

Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Nang sumapit ang gabi dumaan sa may Ayala

Gusto mo maghapunan? Sige mayamaya na

Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili

Sa Greenbelt o Glorietta gamitin mo ang yong daliri

Bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin?

May liham ako sayo eto subukan mong basahin

Sa loob ng MRT kasi ang traffic sa EDSA

Makakaupo ka rin pagdating sa Araneta

Bumaba sa Quezon Ave, uy may shooting sa flyover

Paborito mong artista na palaging nasa cover

Wala ka bang makita kasi ang daming tao

Sige halika dito may naisip akong plano

Kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw

Teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw

Kahit anong gawing niyo basta okay lang ako

Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Nakita na nila ako kasalanan mo kasi

Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi

Napaaga ang pagdating at sa butas ng dingding

Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim

Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim

Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim

Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik

Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik

Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay

Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay

Patawarin mo ako kung sinaktan man kita

Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita

Halika sumama ka sakin sabay tayong tatalon

Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon

Di ka sakin mawawala kahit na sinong pumusta

Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya

 

Repeat chorus

 

Outro:

Mula nang makilala ka di na ako nakawala



OTHER LYRICS

7000 Miles (feat. Ann One)

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

Butas

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

Kalaban

Kalaban
Aklas
2018 Single

Imperyo

Imperyo
Nero x Apekz
2022 Single

God Bless

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

FEATURED ARTICLES