Album

Gusto Ko (feat. Wonder Twins Sean Daniel and Daniele Shaun)


Talumpati
Gloc-9
2011

Chorus:

Pag ako ay lumaki ako ay bibili

Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat

Gusto kong maging isang sikat na rock star

Gusto kong maging isang sikat na rap star

Pag ako ay lumaki ako ay bibili

Ng mikropono para ako'y maging isang sikat

Gusto kong maging isang sikat na rock star

Gusto kong maging isang sikat na rap star

 

Verse 1:

Isang araw nang ako'y tumawag sa telepono

Gamit landline sabi sakin ng kausap ko

Pumunta ka dito sa Las Pinas ngayon na

May pag-uusapan tayong bagay na mahalaga

Bumiyahe ng tatlong oras umuwing nagtataka

Akala ko kung ano masisisante lang pala

Simula noon ay itinaga ko sa bato

Kahit na anong mangyari ay maririnig mo to

Naaalala ko pa nun pag namumulot ng buto

Nangangarap nang gising na sa isip kaya ko to

Pero di naging madali isa pa wala kang pera

Parang batuta ang dala na sumugod sa giyera

Ganon talaga ang buhay pero handa kong suungin

Kapag hawak ang mikropono dapat laging sunugin

Itago ang pagkakataon lalo na kung mainit

Handa kong habulin kung sino ako sa panaginip

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Parang gutom na aso lahat aking papatulan

Kahit na anong kanta lahat ay aking lalatagan

Sumali sa paligsahan ng pagsulat ng kanta

At ang pangsiyam na kalaban ko ay si Jimmy Antipota

Kahit talo kesihoda ang premyo keso de bola

Sako-sakong mga letra baon ko sa kaserola

Sino yon? Gloc 9, yung nag rap nang mabilis

Mukhang pandak sa TV ang boses ay medyo manipis

At ang buhok ay palinis samin ni Jose Rizal

Di pantay ang ulo ko kaya di pwedeng semikal

Kinabisadong mga bara kaya medyo kritikal

Hindi tumitigil parang may ininom na kemikal

Sumabay ako sa koro ng kulay abo na aso

Binanatan nang bagsakan at masayang sumaludo

Sa mga idolo ng mga idolo

Laging kinakanta kahit di banggitin ang titulo

Pare wag mo kong kulitin alam mo ang aking sagot

Hindi ako ang susunod malapit na kong mayamot

Itanong mo kay sir Ely, sir Raims, sir Chits

Isa lamang ang aking ituturo si sir Kiks

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ayoko (Bosx1ne)

Ayoko
Bosx1ne
2017 Single

Second Chapter

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

ALLONE

WEYAAT?
Waiian
2023 Album

Torpedo (feat. JP Cuison)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

Lupa

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES