Album

Usok


Black Katipunero
D-Coy
Producer: D-Coy and Artstrong
2011

Intro:

Gusto kong itaas niyo ang inyong mga kamay

Sabay sabay natin aabutin ang ating mga pangarap

Walang imposible sa mundong ito

Basta ang nakaraan ay tanggapin at ang ngayon ay harapin

 

Chorus:

Tinangay na ng hangin ang masamang panaginip

Kaya't bigyan mo ng puwang ang puso mong nalulumbay

Isip mo'y unti-unting nawawala nalilito

Ang tulad mo'y parang usok

Unti-unting naglalaho

 

Verse 1:

Para kong hangin na papasok sa inyong tenga

Ang aking mga letra ang magsisilbi kong pananga lang at sandata

Sa masasamang naglipana panganib ay alintana

Pero hindi ako nawalan ng pagasa upang harapin ang aking tadhana

Harapin ang tinakda na panibagong yugto

Wala nang dahilan upang ang iyong mga mata'y mamugto

Kahit ang mundo'y lumundo kasi hindi mag kasundo

Hindi ko tiniis lang ng hirap para lang mabigo

Sa pag abot sa mga pangarap ko lahat ay tatahakin ko

Lahat ay handa kong tiisin para lang maka takas sa kahirapang to!

At hindi ako titigil hangang sa huling patak ng dugo

Hanggat ako'y humihinga di ako hihinto

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Maglalaho na parang bula babalik san nagmula

At sana'y mag silbing punla ang  mga nilikhang tula

Para pag sinadula ang buhay ng isang maralita

Malalaman na kaya rin abutin ang pangarap kahit isang dukha

Kahit may dalawang mukha ang mundo at hindi magkatugma

Hindi dahilan para mag luksa dapat wakasan na ang sumpa

Kailangan lang ay maging handa sa mga nagawang mali ay magtanda

Wag pansinin ang mga taong tinapk tapakan at niyurakan ka

Bumangon ka! Oras na para lumaban ka!

Pakita mo sa lahat na kaya higitan kung ano ginawa nila

At kahit anu pa sabihin nila balang araw makikita nila

Ang dati nilang pinagtatawanan ngayun ay nahigitan sila

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Sa isipan tayo ay maglalakbay

Sa panaginip tayo ay maglalakbay

Sa pangarap tayo ay maglalakbay

Sa buhay ikaw at ako'y maglalakbay

 

Verse 3:

Eto na ang katuparan ng aking mga pangarap

Walang sinuman sa inyo ang pwede mang umawat

At sana ang aking buhay ay magsilbi sa inyomg salamin

Hindi ko hinayaan ang mga pangarap ko na tangayin, liparin

 

Repeat chorus (2x)



D-Coy - Black Katipunero (2011):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Love Story Ko

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Militant Greetings, Bobby (feat. Snayk Eyez)

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Basta

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

Philo(watts)

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Hanggang Sa Huli

Hanggang Sa Huli
Alisson Shore
2018 Single

FEATURED ARTICLES