Album

Buti Na Lang (feat. Mcoy Fundales)


Talumpati
Gloc-9
2011

Chorus:

Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon

Iisa-isahin ko sayo mga mali mong baon

Malalaman ng iba na puro angas ka lang

Buti na lang hindi ako mayabang

Buti na lang hindi ako mayabang

 

Verse 1:

Kasi sabi ng aking itay anak wag kang magyayabang

Wag mong buhatin ang bangko kahit medyo magaang

Di pa napipisa ang itlog ay wag kang magbilang

Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang

Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling

Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling

Kasi halata naman at napapag-aalaman

Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman

At mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna

Sa huling mong ginawa wala pang nakakabura

Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot

Na mahirap dukutin kasi medyo malapot

Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat

Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat

Kailangang bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat

Kahit magulang mo lang ang nagbigay sayo ng lahat lahat

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Sabi ng aking inay wag mong tawanan ang pilay

Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay

Sa mga namamalimos, mga naghihikahos

Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos

Teka mali hilamos para maiayos

Wala kang tsinelas pano magkakasapatos

Wag mong ipagmalaki na ika'y pinangaralan

Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang

Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang

Ibaba mo ang yong kamay bakit laging nakaharang (representing south side)

Masurpresa mga bato sabay bati

Sa kapitbahay niya doon sa Monumento

Malabo pa sa TV-ing sira ang antena'y nakagiba

Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila

Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayad sa lupa

Para di ka madulas bago ang alikabok ay humupa

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Madami akong pera magaling ako na rapper

Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster

Nakapila mga chicks pero hindi yung manok

Yung tipong mga sexy at mahahaba ang buhok

Ang dami ko nang award dala ng aking bodyguard

Hindi umiinom ng beer yun lang mamahalin na hard

Kita mo tong mga bling bling pero maningning

Mga plakerang album nakasabit sa dingding

Magara aking auto bumabayo ang sounds ko

Hindi ito commercial homie underground to

Madami akong pera magaling ako na rapper

Yan aking mga fans tignan mo dito sa Friendster



OTHER LYRICS

The Life

The Life
Jid Durano
2014 Single

Say My Name

Say My Name
Kate
2023 Single

Curfew

8:01 EP
Because
2017 Album

Practice

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Pikit (feat. Flow G)

Meron Na
Loonie
2023 Album

FEATURED ARTICLES