Album

Mangangaso (feat. Konflick)


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Hook:
Kumaripas na sa lungga niyo, nandito na mangangasong palaban,
Bawat kilos iskwalado. Sa pagtugis, bantog na haragan
Humaharang ay mapapano, delikado kapag nakalagan
Puntiryado mga walang klaro sigurado huling hirit mo na yan!

Verse 1:
Oras nang lagariin ang kota, wakasan mahihinang boka
Buwagin nagsulputang tolda, ito na ang malawakang reporma
Ano bang sinasabi mong obra? Hinusayan mo lang ang pag-kopya
'Di kinaya pulido na bara, inasa mo sa kalansing ng lata
Baguhan, datihan.. tama na yan! Basta ba sa banat di mabibingi
Tumuon na lamang sa bumibili, kesa makipag sagutan sa mga walang silbi
Pagka-abalahan, pano galingan nang sa delusyon ay di na kumubli
Tanggapin nang tama ang pagka-gapi, ang tunay na hinirang ay marunong bumangon muli. 
Akala niyo tuluyang nakalimot, memoryado ko ang bawat sulok ng pasikot
Kung pano minata nung malabo't masalimuot
Ang aking paningin sa kinabukasang hinihilot
Tinuloy ko to maski na walang pahintulot
Ang pangit niyong hangarin maganda ang idinulot
Kaya't sige manalangin lang na ako ay madurog, hindi niyo na matatakot ang katulad kong banta ang minumumog

Repeat hook

Verse 2:
Konflick's verse to follow

Repeat hook

Verse 3:
Abala sa pag-prepara ng palaso pag-initsa dapat ay mapalayo nang milya-milya, 
Puntiryadong mas madami ang madagit, naka maskara kaya hindi patok sa takilya
Di mahalagang mata lamang ang kita, hampaslupa, hindi ko binabalak makilala ka
Ang pakikipagkamay ay pagkakataon sa aking hablutin ka at gripuhan sa ngala-ngala
Mga taktikang pinapamalas ay isa-isang napulot habang lumalaboy dun sa camarin, 
Samu't-saring ahas at makamandag na hayop, sinagupa ko't pinag-aralan pano paslangin, 
Kung akala mo may takas ka, mali yan
Bumalik ka man sayong pinanggalingan, 
Bumubulusok ang suntok ng kamao, kasama ang mangangatay ng banta ng kamatayan!

Repeat hook



OTHER LYRICS

Boredom

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

Intro

Ating Panahon
727 Clique
2018 Album

Memorya

Hi Haters EP
Hero of Nopetsallowed
2017 Album

Akala Mo Ata

Akala Mo Ata
Nateman x Realest Cram x CK YG
2022 Single

Doobs at Movs

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES