Album

3310


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Hook:
Nandito lang ako, wag kang mag-alala,
Magsisilbi sayo hangga't ako'y mahalaga
Mula puno at sa pagkasimot ng baterya
Handang damayan ka lagi hangga't wala pa siya

Verse 1:
Unang araw sa pangarap mong trabaho
Hawak ko ang pangunahing dokumento 
Taga hatid nitong masasaya mong kwento
Hindi ko man masabi ay hanga ako sayo
Saksi ako kung pano mo lahat nilampasan
Maski baha umabot lamang sa eskwelahan
Babad ka man, basta't ako ay maprotektahan
Balewala pinagdaanang bagyo at ulan
Ako ang panauhin mo kapag may hinaing 
Sa mga oras na 'di ka kayang intindihin
Sa akin mo nilalahad mga saloobin 
Lubos akong natutuwa sa iyong narating

Repeat hook

Verse 2:
Hindi ka na mapakali sa silya, mula nang magkaron ng sariling pamilya
Lagi mong inaalala ang kapakanan, datirati ang kakampi mo ay ako lang
Ako ay talagang nagagalak alam mo yan
Di ka binigyan ng sakit ng ulo kailanman
Tuwing nalulumbay ikaw ay kinakantahan, 
Kapag gipit ay pansamantalang lilisan
Ngunit alam ko rin hindi na to magtatagal
Sa pagsulpot ng mga kakambal kong mas mahal
Sa pagsara, huling awit bilang paalam
Salamat sa solido na pinagsamahan 

Repeat hook

Verse 3:
Paspasang pagbabago, laslas ang subi sa bangko
Inimbentong instrumento, tutukoy sa hindi makuntento
Sasabay ka ba sa uso? O pipigilang maging tuso?
Pampalubag ba ng puso? O binabalibag ka ng luho?
Lalo kung gustong maging angat, para kang isda na nalambat
Yun nga lang ang pain na nakasabit ay ang sarili mong balat
Mga tuksong naglipana, ngayon ay hindi lang ang hubad
Ngunit walang kaiba, pagkat kung anong meron ka ay di pa rin sapat

Repeat hook



OTHER LYRICS

LATINA

LATINA
Al James
2019 Single

is it real?

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

Nilamon Ng Sistema

Meron Akong Ano!
Francis M.
1993 Album

Mayor de Edad (feat. Ron Henley and Smugglaz)

Ala Una
Apekz
2017 Album

Love Melody

Love Melody
CK YG
2022 Single

FEATURED ARTICLES