Album

Sankaterba (feat. Tatz Maven)


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Hook:
Mawala o madapa 
Ang reserba, sangkaterba
Masadlak, di halata, pagkat plano ko'y sangkaterba
Pumapalag, sumasabay, lamang man nila'y sangkaterba
Dumidikta sa palaruan ko, ang karanasang sangkaterba

Verse 1:
Tumpak! Intindihin di madali
Kapag hindi pa pinipitpit
Utak mo sa ganito na uri
Limbag na sagaran ang pagsuri
Tungkab ng mga lihim na binhi
Laglag mga pakay lang magpatili
Tulak pa ng mga materyal na pilit
Hunghang, tunay lamang ang mananatili!
Umaalsa ulit, ang rebolusyong niluluto ng kusinerong armado ng wika
Inilatag makasaysayang putahe habang mga katapat parang natulog na mantika
Kataka-taka, pano ko ginagawa, kala ng marami ay nagpapaka makata
Yan ang pangunahing pamuna ng mga umiwas sa talim kasi kinulang sa paghasa
Kusang sumusuko sakin ang ligaw, di ginagamitan ng mapanlinlang na pagsakote,
Laging tsempo, bumibigay ang metro, enerhiya na taglay, lampas pa sa poste
Pantawid uhaw to sa kalakaran, 
Habang ika'y parang putik sa kilusan
Punasan mo ang bahid ng kamangmangan, imbis humanap ng katangahan na dahilan.

Repeat hook

Verse 2:
(To follow)

Verse 3 (spoken word):
May kinalaman ang bawat pinapakawalan nating pahayag, sa kung ano ang trato sa atin ng kapwa. Minsan ang kilos at aksyon ay pawang ilusyon sa mga taong sumasamba sa linamnam o talas na dala ng isang pangungusap. Gaya ng rebolusyonaryong manunula, matagal ko nang ibig manahimik, tumikom, upang magapi ang mga bergudong nag lungga sa pinakamapanganib na armas ng isang nilalang. 
Walang iba kundi ang utak. Ngunit patuloy akong nabibigo. Bigong mapanghawakan ang dahas na maaaring i-dulot ng nilipong taludtod. Pagkat ang karamihan ay hindi marunong tumanggap ng katotohanan. 
Mula sa ginapang kong gitna ng prusisyon, ay natagpuan ko ang gantimpala sa pamamagitan ng wika. Hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan, kung ito ba ay matatawag kong kaloob na regalo o habambuhay na pasanin. 
Isa lamang ang aking natitiyak. Bawat butil ng atensyon na inaalay mo, bawat pagkamuhi, pag-aaruga, pagkayamot, galit at pag-ibig ay nakakasalalay sa aking letra.

Repeat hook



OTHER LYRICS

Maleta (feat. Julie Anne San Jose)

TULAy EP
Gloc-9
2019 Album

BLKD vs Flict-G (BLKD's Rounds)

FlipTop presents: Tournament Semis
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

Sandali

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

Butter & Gun$ (Loyalty II)

Butter & Gun$
Blue Scholars
2008 Album

Pista (feat. Crispy Fetus)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

FEATURED ARTICLES