Album

Amen (feat. Pricetagg)


Basic EP
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2022

Chorus:
Sayo, kanya, pati ang nasa kanila (amen)
Dito, dun, at diyan kahit hanggang dun sa may kabila (amen)
Hala tingin sa baba (amen)
Kanan, gitna, kaliwa (amen)
Pwede kang tumingalang may dumi sa mata
Basta lamang ay sambitin ang katagang (amen)
Sayo, kanya, pati ang nasa kanila (amen)
Dito, dun, at diyan kahit hanggang dun sa may kabila (amen)
Hala tingin sa baba, kanan, gitna, kaliwa (amen)
Pwede kang tumingalang may dumi sa mata
Basta lamang ay sambiting ang katagang (amen)

Verse 1 (Shanti Dope):
Alam ko namang gusto nila makuha yung...
Pero sasabay ako palagi
Kaya nung dumami dami katunog ko
Alam na nila pano ko nagkalat ng lahi
Kinapitang patalim ko dati ang nagpamanhid sa dalawang palad
Sampalin silang natitigang na digmain ang batang panginoon
Na ang binibilang arep laban sa kanilang alipin lang
Sa taas ng gustong marating nakakalula
Medyo nakakaaning pang makisama muna
Binabato bato para mahulog at makuha
Yung bunga ko sana mabusog sila at lumago pa
Kasabay ng pera ko ay dumadami ang problema ko 
Pati naghahanap ng ebidensya
O oregano lang damo sa sistema ko
Tsaa sabay dura may plema ka sayong mukha
Lagay mo sa tenga mo

Repeat chorus

Verse 2 (Pricetagg):
Gusto ko lang ay umasenso nagtiwala sa proseso
Kaso may mga hudas na gusto sakin na bumeso
Dibdib walang daga basta makuha lang ang keso
Mataas ang halaga parang dolyar to kontra peso
Dating walang bilang na nagbibilang ngayon 
Ng mga inaning tinanim nung ako ay tag-gutom
Sinilang hampaslupa ngayon ang buhay ay don
Pangalan ko ay nasa cheke pag usapan ay milyon
Inulan na ng respeto kaya bumabaha na
Di to pang masa kaya di nyo trip ang lasa
Gusto nila sapawan pero sablay mga baraha
Ipako na sa krus mga mahilig magpakara
Isang kahig isang tuka basta ikaw ay papalarin
Maling sistem sa sarili di ako kinain
Sobrang init ng apoy nung ako na nagsaing
Binayo nang binayo kaya bigas ay naging kanin

Repeat chorus

Outro:
Amen
Amen
Amen
Amen



OTHER LYRICS

Pasaway / Holic

Ikugan
Calix
2018 Album

Lamig

Rowena
Because
2019 Album

YAKA

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

On The Run (Intro)

Carpe Diem
Skarm
2018 Album

Executive Order

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

FEATURED ARTICLES