Single

Gusto (feat. Al James)


Gusto
Zack Tabudlo
Producer: Zack Tabudlo
2023

Verse 1:
Ako'y natutulala
Araw-araw nakikita
Hindi alam ako'y nakamasid
Hindi mo lang ako napapansin
Hanggang tingin nalang ba sa'yo?
Di makalapit sa ganda mo
Gusto lang na makilala pa
Kaso medyo nahihiya

Pre-chorus:
Hindi ko masabi ang gusto aminin
Ang hirap sabihin na

Chorus:
Gusto lang kita makasama
Hanggang sa pagbaba ng araw
Pag tayo nalang dalawa
Hindi lang masabi pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo
Ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba, wag nang pahirapan pa
Andito na

Verse 2:
Totoo na nga ba 'to?
Medyo hindi napagtanto
Matagal na kitang kilala
Simula palang nung una, andito na
Ang hirap din patagalin
Kasi maraming nakakapansin
Lahat nabibighani
Hindi ko naman masisi

Repeat pre-chorus and chorus

Bridge:
Hindi rin makaimik kahit pa makatabi
Nawawala aking tapang
Pag malapit ka na bigla akong naduduwag
Mangangarap nalang ba
Na ikaw ang kasama?
Ayoko nang mag-isa
Al James, let's go (Yeah, yeah, yeah)

Verse 3:
Kabado pa nung una, plano makausap
Lakad pa kalmado pero parang nalulula
Daming nakausap, 'kaw ang napusuan
Binibini, gagawan ng paraan makuha ka
Ikaw na nga yon at walang iba
Okay lang yan mundo man natin ay magkaiba
Mapagod man ako, ikaw ang aking pahinga
Sabay sasalubungin ang umaga nang nakahiga
Sa t'wing kasama ka para 'kong lumulutang (Wow)
Kung ga'no kasaya, yun ang di ko masukat (No)
Lakas ng amat, 'i kaya ko ginayuma (Let's go)
Hanggang ngayon kapit pa rin sa aking halimuyak niya
Gumagaan lahat ng pabigat (Gumagaan lahat)
Patuloy lang tayo sa pagliyab (Patuloy lang tayo)
Kung lahat 'to panaginip lang
Paggising ko, pangako 'yan, agad ko sasabihin na

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Pusong Dragon

Pusong Dragon
Abra
2019 Single

Might Go Psycho

Might Go Psycho
Bambu
2018 Single

Sana Di Na Lang (feat. Jeazell)

Sana Di Na Lang
Dello
2011 Single

HI-808

OOF! EP
Blue Scholars
2009 Album

Butter & Gun$ (Loyalty II)

Butter & Gun$
Blue Scholars
2008 Album

FEATURED ARTICLES