Album

Sungay


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: UMPH
2021

Chorus:

Sa mga umaastang santo, nagbabait-baitan

Mga nagpapanggap na sila'y hindi makasalanan

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

Mga mahilig manernom, mga naghahanap ng butas

Mga nagbabalat kayo na para bang wala nang bukas

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

 

Verse 1:

Masyado daw bayolente ang laman ng aking mga mensahe

Pero wala namang paki pag may pinapatay sa kalye

Panay kutsya sa mga linya ko, masama daw sa kabataan 

Pero sa mga taong ayaw nila hiling nila ay kamatayan

Huwag na daw ako gumamit ng mga bastos na lengguahe

Pero nagpapalakpakan kapag nagmumura yung presidente

At marami rin nagsasabi na ako'y kampon ng demonyo

Sila yung nag-sisimba pero mga tsismosa't tsimoso

Yung mga taong memoryado ang bawat berso sa bibliya

Pero puro panlalait ang lumalabas sa bibig nila

Ako daw ay pangit na halimbawa, sigurado ba kayo dyan?

Alagaan niyo muna mga anak niyo bago ako husgahan

Ang daming hinihirit kahit kulang ang prueba

Pero pag idolo nila ang may sala ito ay dinedeadma

At pag may ginahasa, yung biktima pa ang sisisihin

May sungay din kayo, bakit hindi niyo nalang aminin

 

Chorus:

Sa mga umaastang santo, nagbabait-baitan

Mga nagpapanggap na sila'y hindi makasalanan

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

Mga mahilig manernom, mga naghahanap ng butas

Mga nagbabalat kayo na para bang wala nang bukas

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

 

Verse 2:

Subukan ko daw mag-sulat ng mga positibo na tema

Yan ang laging hinihirit sakin ng mga nasa eksena

Gusto nila ng pagkakaisa, isulong daw ang kapayapaan

Pero mas masaya sila pag may mga grupong nag-aalitan

Ako daw ay purista at walang respeto sa baguhan

Kayo nga tong kulong sa nakaraan at puro tropa-tropa lang 

Pakinggan niyo yung una kong obra kung hindi niyo pa alam

Yung mga kasama ko dun puro mga nagsisimula palang

Kaya itigil na ang gaguhan at huwag nang mag bida-bidahan

Ginagamit niyo lang ang kultura para bumango ang pangalan

At bakit daw parati nalang kumukulo ang aking dugo?

Palibhasa mga ignorante sa nangyayari sa mundo

Ako'y galit dahil ang kawalan ng hustisya'y nananatili

Habang kayo... iniisip lang ang inyong sarili

Kaya bago ako punahin, pag-isipan muna ang sasabihin

Demonyo din kayo bakit hindi niyo nalang aminin?

 

Chorus:

Sa mga umaastang santo, nagbabait-baitan

Mga nagpapanggap na sila'y hindi makasalanan

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

Mga mahilig manernom, mga naghahanap ng butas

Mga nagbabalat kayo na para bang wala nang bukas

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

 

Verse 3:

Kapag merong bagong skandalo dun kayo nagsusulputan

Sinuman ang nadawit ay agad ninyong pangangaralan

Nagmumukha lang kayong mga gago sa inyong mga komento

Parang patalastas ng pelikula di niyo alam buong kwento

Kung mang husga akala niyo kung sinong tuwid ang landas

Pero hindi na ako magugulat kung kayo ang mas marahas

Baka kayo pa yung unang umiinit ang ulo sa daan

Tapos magmumura o mananakit pag bumababa ng sasakyan

O baka kayo pa yung unang titiklop sa ngalan ng pera

Handang ilaglag ang katropa para lamang kumita

O baka kayo yung unang maglalaway sa mahalay na imahe

At sa inuman kahit may kasinatahan, magpapadale

Hindi ko naman sinasabi na perpekto ang aking pagkatao

Ang pinagkaiba lang natin, ito'y hindi ko tinatago

Kontrahin niyo man ang mga sinabi ko wala na 'kong paki

Lahat tayo'y nasa impyerno aminin niyo na kasi

 

Chorus:

Sa mga umaastang santo, nagbabait-baitan

Mga nagpapanggap na sila'y hindi makasalanan

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

Mga mahilig manernom, mga naghahanap ng butas

Mga nagbabalat kayo na para bang wala nang bukas

Mga nagmamalinis, kasinungalingan yang buhay niyo

Lagot kayo sakin ako ang maglalabas ng sungay niyo

Hipokrito!



OTHER LYRICS

Sala

Sala
Bert A.M feat. R!S and Esseca
2018 Single

Love Song

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

Roulette

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

Gastador (feat. DJ Supreme Fist)

Gatilyo
BLKD x UMPH
2015 Album

50 Thousand Deep

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

FEATURED ARTICLES