Album

Easy Ka Lang


Moderno
M Zhayt
Producer: Blast Beats
2018

Chorus (2x):

Darating din tayo diyan bandang huli

Tumingin sa akin bakit di mapakali

Tara sulitin lang natin bawat sandali

Wag kang magmadali

Wag kang magmadali

 

Verse 1:

Alam kong kanina ka pa nariyan

Nakatayo sa aking harapan

Bawat galaw ko ay minamasdan

Parang ako minamanmanan

Kabisado ko mga ganyang galawan

Kaya wag mo nang itanong kung pano ko nalaman

Mapapaupo ka na sa tabi ko

Buti nalang at nandito ako

Aalamin mo na ang pangalan at numero ng telepono ko

Sa tingin palang alam ko na ang balak

Di mo na pinapansin yong natatapon mo na alak

Pero tuloy tuloy lang sa kwentuhan at tawanan

Hanggang sa unti unti na tayong nagkapalagayan

Bakit ang bilis ng oras di ko man lang namalayan na

Ang hapunan ay inabot ng agahan

Pero kahit ganto, na nahulog ako

Ay hindi ganun kasimpleng mapaibig sayo

Baka tayo'y malito

Kung ano ang totoo

Kung may tamang panahon

Baka hindi pa ito

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Alam kong di mo rin ito inaasahan

Pinana ka ni Kupido hindi mo nailagan

Wag sanang iisipin ako'y nag aalinlangan

Kapalaran natin ay wag nating pangunahan

Hindi naman sa hindi ko gusto

Sino pa bang aayaw sa iyo

Nais ko lang naman talaga

Ay magkakilala pa tayong husto

Madaling sabihin ang hirap mapatunayan

Kung itong nadarama ay tunay na pag mamahalan

Kaya

Easy ka lang

Pwede bang dahan dahan

Dahil sa karanasan ay akin nang iniiwasan

Mga bagay na dumarating nang di inaasahan

Dahil

Mas masakit pag nawala lang nang biglaan

Kaya, kahit ganto, na nahulog ako

Ay hindi ganun kasimpleng mapaibig sayo

Baka tayo'y malito

Kung ano ang totoo

Kung may tamang panahon

Baka hindi pa ito

 

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

Crooks 4 Justice

Crooks 4 Justice
aero.
2011 Single

Live Evil

Aether EP
DB
2018 Album

Nanlalamig (feat. Luci J)

Nanlalamig
Guddhist
2018 Single

Here To Own It

Here To Own It
LDP
2011 Single

Laro lang tayo

Laro lang tayo
Bagsik
2018 Single

FEATURED ARTICLES