 
													Intro:
Di nila kaya 'tong tanggapin, pero
Alam ko sa sarili na hindi nila inaasahan 'to (Hahaha)
Aye yo Mark (Mark Beats, Mark Beats)
Verse 1:
Yeah, bawat obra ko ay Mona Lisa
Kaya madaming nabaliw 'kala mo si Sisa
Ako'y naiiba, oo, tawag do'n partida
Gangsta rap pero platinum ang kontrabida
Madaming sumampa at sumamba ako'y anito
Ako'y ginto pag nilibing hari ng Ehipto
Minahal ng mga Bloods at mga Crips 'to
Galing sa baba, tumaas na parang crypto
Sa sulat ay obese 'to, minukbang lirisismo
Sa hip-hop ay obispo, Calvin, oo beast 'to
Ozone parang disco, sunog ang mga ritmo
Bomba bawat linya parang coke, ugh mismo
Taas na ng karera parang nagda-drive sa skyway
Chillin' like a villain sa'king story at my day
Ako naging bangungot niyo 13th ng Friday
Pinatay ko sa kanta, 'cause I did it my way
Pre-chorus:
Simula pa lang nung una eto na'ng aking hiling
Alam ko sa sarili na wala 'tong kahambing
Nagtanim nang nagtanim kahit saan makarating
Kinain ko ang mga palay dahil ako ay kambing
Chorus:
Di niyo pwedeng ihambing
Dahil ako ay kambing
Di niyo pwedeng ihambing
Dahil ako ay kambing
Verse 2:
Ooh, ako ay pambihira (Pambihira, pambihira)
Balagtas ang aking dila (Aking dila, aking dila)
Pababa ako sumipa (Ako sumipa, ako sumipa)
Sa'king mga nanghihinala
Godbless sa'king gang, payaman ang aking crew
Kulay namin ay brown at ang style namin true
Daming rapper nag-skrrt-skrrt, I don't have a clue
Ako nagpull-up skrrt, skrrt, BMW (Hahaha)
Pero di nila alam kung ga'no 'to kahirap
Inutakan ang mayaman, namigay sa mahihirap
Naglalakad sa kalye na parang di sumikat
Sa dami kong pasan naka-flex aking balikat
Daming nag-ingay pero di nabasag aking mantra
Lalim ko ibang mundo, tagos 'to sa Agartha
Julius Ceasar 'to at walang Cleopatra
Ako ang bagong hari, album ko ang Magna Carta
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		