Single

Salamin


Salamin
420 Soldierz
2015

Intro:

Naaalala ko pa mga panahong kasa kasama ka pa

Hindi maalis sa isip ko

Bawat araw may gumugulo

Nakikita ka pa rin sa harap ng salamin

Ano bang dapat gawin upang malimot ka

Kailangan ng tanggapin ang bukas ay harapin

Magising nalang na dina ikaw ang kasama

Di ko rin inaasahang mangyayari to

Bumitaw ka sa higpit ng pagka kapit ko

Imumulat ang sarili sa katotohanang wala ka na

Pipilitin kong pigilin ang damdamin ko

Mag isa nalang sigurong tatahakin to

Ang mga pangarap kong san ay kasama ka

Sa salamin ko nalang ba makikita

 

Chorus:

Sa tuwing ako'y titingin sa harap ng salamin

Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin

Yung dati na tayo ba'y tinapon mo na

Wala na bang pag asa na maayos pa

Ang dati mong pagtingin ba'y nagbago na rin

Dahil bitbit ko pa rin

Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin

Nakikita ka pa rin sa tuwing ako'y titingin

Sa tuwing nasa harap na ng salamin

 

Verse 1:

Sa tuwing titingin ako sa salamin

Nakikita ka pa rin dinadalaw ako ng ating nakaraan

Binabalak tanawin masakit man tanggapin

Ang mga kahapon di na mababalikan

Matagal tagal na rin ang tinahak natin na daan

Ang dulo ay magkasalungat

Padala dala pa rin ang ala ala nating di ko mabitawan kahit mabigat

Ganun na lang ba itapon ko na ba lilimutin ko na ba ang lahat lahat sayo

Gusto kong isalba di na maresolba tangi kong magagawa ay titigan ka palayo

Kasabay ng pagpatak ng luha ay paghawi sating mga nagdaan

Hanggang ngayon di pa rin tiyak ang mga nangyari satin paano ko lalagpasan

Dinaan mo pa sa biglaan ang yong pagkawala

At yung tayong dalawa para sayo ay balewala

Sadya nga ba talaga ako ay walang halaga

Kaya pag ibig mo sa akin ay binaling sa iba

Pinipilit maging tama ang bawat pagkakamali

Pagbitaw mo sakin para sayo ay madali

Pait ang bumabalot sa peke kong mga ngiti

Matamis na tawa na sa likod nito ay hikbi

Na hindi mo napuna hindi mo na makuhang tumitig saking mata

Hinayaan mo na lamang na walang pag alinlangan na masayang

Lahat lahat sa ating dalawa at

Sa muli kong pagharap sa salaminkasama ka pa rin ng aking matanaw

Pano pa makakausad palayo kung sa ating nakaraan hindi ako makabitaw

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Naaalala ko pa rin ngiti mo at paglalambing

Ano bang dapat na gawin para lang alisin ka na

Sa aking isipan di ko maiwasan

Lumalarawan pa rin sa 'kin ang nakaraan nating dalawa

Landas na tinatahak natin na magkaiba

Bakit ba tayo humantong sa ganito

Pareho tayong bumitaw kahit hindi naman natin ginustong mangyare

Pero di na bale alam ko namang masaya ka na sa kanya

Pipilitin ko na lang ipikit ang mata

Upang di makita na wala na talagang pag asa

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Kamusta ka na limot mo na ba yung minsan na satinay may nagdaan

Ako kumukurot pa rin sa akin ang tamis ng ating mga nagdaan

Di malaktawan ang nakaraan hindi ko makita ang hinaharap

Aminado akong ako ay nakakulong pa rin sa alaala nating kay sarap

Ang mga hirap sa isang iglap agad napapawi ng iyong ngiti

Ngayon ay hirap na hirap na akong ibalik ang mga masayang sandali

Pinaglayo man ng landas ang mga hakbang man natin ay nag iba

Ramdam ko pa rin na kahit papano dyan sa puso mo ay may natitirang

Pag asa pa na maibalik alam mo namang ako ay sabik

Nadadaya ang isip subalit ang puso ay lumalaban upang ika'y mapabalik

Sa aking piling makapiling ka lang mahagkan kang muli sa twina

Ako na lang pala ang nangangarap noon kase ikaw ay hindi na

Babalik sa dahilan na ikaw ay masaya na sa piling niya

Masakit man yon di na ininda dahil ligtas kang kapiling niya

Ngunit tangan ko pa rin ang lahat ng mga alaalang nagdaan sa atin

Sa tuwing titingin sa salamin habang pinaplano ang buhay natin

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Lyrical Toast

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

Sibuyas

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Hiwagang Nakatago Sa Mata

Hiwagang Nakatago Sa Mata
Space Impakto
2016 Single

Alak Usok Pera

Alak Usok Pera
Kris Delano
2017 Single

DIWATA

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

FEATURED ARTICLES