 
													Hook:
Gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
Gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
Pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
Kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba
Chorus:
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Ang maging iba ay tunay na kapangyarihan
Verse 1:
Ako'y adik sa pagsulat ng awit
Alam lahat ng fanatic na kaledad ko ay matik
Walang antics pero pumapatay nang walang malasakit
Ng mga artist sa pagamit lang ng lapis mala-John Wick (raaah!)
Boombap o trap beat. Kayang sumabay na walang sabit
Loob ng kabaong daw sobrang classic. Di maluluma ang bawat topic
Battle tactics ay mapanganib. Suntok at anggulo na mala-Manny
Sa sobrang graphic lahat nag-panic parang na-bad trip nang naka-acid
Pero laughtrip. Ang trato sakin ang parang blacksheep
Tanong niyo bakit wala kong top hits. At bakit laging ika’y malalim
Ugh! Simpleng sagot yo. Ako ay dagat, kayo ay batis
Kaya hanggang ngayon di niyo ako makita na para bang atlantis
Hook:
Gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
Gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
Pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
Kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba
Chorus:
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Ang maging iba ay tunay na kapangyarihan
Verse 2:
Ang bars mo ‘Poc Unorthodox - ganyan ang binabansag
Hindi trendy mga medley kaya ekis ka sa masa at
Di mo trip to kasi weirdo aking stilo at nilalahad
Eh di inamin mo rin di pangkaraniwan aking pagrarap
Pano tatatak o aangat ang antas kung mga tracks ay palasak
Ang magadjust sa mga nagaganap ay talagang sagad sa wack at
Ba't aabang sa paandar ng lahat na para bang caravan
Wala namang alamat na ‘di namumukodtangi ang ambag
Hanggang diyan ka lang. Tagasampa ka lang
Ng agos ng iba habang ako tagasisid na ng karagatan
Kasi malamang madaling sumampa sa kalsada ng ibang nilalalang
Pero di mo kaya magsemento ng sarili mong daan
Hook:
Gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
Gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
Pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
Kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba
Chorus:
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Eksekskomunikado
Ang maging iba ay tunay na kapangyarihan
Verse 3:
Sa mga abnormal ang utak, sa mga weirdo itsura
Mga tinapon sa gubat, binansagan na basura
Bago pumatak ang ‘yong luha, dapat isipin mo muna
Mga henyo sa kasaysayan ay mga tinakwil din sa una
Mga idea ni Einstein at Tesla ay minsan sinuka
Picasso at Plato sa umpisa walang naka sikmura
Kaya naman walang duda. Ganito talaga ang ruta
Nang mahulma ang mga pastol na susundan ng maraming mga tupa
Lahat ng tagalabas ay malawak ang kamalayan
Pagkat di kami nakakahon sa palutuntunan ng mamamayan
Habang ang mga tagaloob ay may mga pader na natatanaw yan
At lahat ng tagalabas ay walang balakid sa namamatahan
Nahatulang Ekskomunikado - nagkamali ka sakin ng pagsukat
Nagkasugat man sa pagtulak mo sakin sa burak, don ako namulat
At don ko nasulyap, nabuklat ang potensyal na tatagos sa mga ulap
Kaya ba't ako tutulad kung pwersa ang walang katulad
Hook:
Gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
Gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
Pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
Kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																														 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													