Album

Kontrabida (feat. CLR)


Barcode
Pricetagg
Producer: Mark Beats
2019

Intro:

Sobrang totoo tingin nyo sakin

Kontrabida kasi ang dami na nilang pabida

Mali lang ang napapansin mga

Purista pagkatao ay tinago kala mo artista

Di ako nakinig yeah, di ako naniwala

Sa mga utak talangkang mabababa

Hindi nabahala sa sarili may tiwala

Hindi to praning tama ang hinala

Hanggat may araw na sisikat kikislap ako na parang tala

Kung anong mali yung lagi ang napupuna

Basa ko nang lahat kaya ako'y natuto na

Ako ay nagmarka di niyo na mabubura

Ang aso'y kakahol pag di ka nila kilala

Classic to magnifico ako ang pipiliin mo kahit mag meenie miney mo

Kakampi ko lang sarili ko, walang pake sa kritiko

Kakampi ko lang sarili ko

 

Sa mga pabida ay mailap hanapin ay mahirap

Wag mo nang tangkain na hamakin

Dahil di na mo to mahahagilap

Sa ibaba hindi 'bat sa itaas na rin

Ako kumikislap at kumukutitap

Pagpag ng konti sa balikat

It's just for bida bawal dito ang pabida

Dahil ang tunay na bida rito ay ang kontrabida

 

Pricetagg:

Tumingin sa salamin nakita ko sarili ko

Walang pinag iba sa sulat at imahe ko

Kailangan bang pekein to upang magustuhan ninyo

Di baleng maging mura basta may magmahal sayo

Masyadong presko kahit di ako perpekto

Eto ba epekto 'pag pangalan ko may presyo pagkatao binalutan ko ng peso

Pero di ako bumibili ng respeto

Puro nalang masamang komento kala mo mga henyo pag sila nag imbento

Gupitin mga ulo puro kwentong barbero

Pag ako'y umapoy masusunog ang bumbero

Mawalan ng pag-asa kayo ay umaasa

Di ako panadero di ko trip magmasa

Baraha ng kapalaran ako ang bumalasa

Hinusgahan niyo ang libro ng di niyo pa binabasa

Kakampi ko lang sarili ko, walang pake sa kritiko

Kakampi ko lang sarili ko, walang pake sa kritiko

 

Chorus:

Sa mga pabida ay mailap hanapin ay mahirap

Wag mo nang tangkain na hamakin

Dahil di na mo to mahahagilap

Sa ibaba hindi 'bat sa itaas na rin

Ako kumikislap at kumukutitap

Pagpag ng konti sa balikat

It's just for bida bawal dito ang pabida

Dahil ang tunay na bida rito ay ang kontrabida

 

We out here killin', chillin', fussin' like a motherfuckin' villain

We out here killin', chillin', fussin' like a motherfuckin' villain

We out here killin', chillin', fussin' like a motherfuckin' villain

 

It's just for bida bawal dito ang pabida

Dahil ang tunay na bida rito ay ang kontrabida

 

CLR:

Maraming na akong nakilala na 'sang tulad mo

Sandamakmak na din sa akin ang sumambulat bro

Nakaengkwentro, nakakakwento, nakasentro

Lahat ng atensyon sayo kaso puro imbento

Mga sinasabi tungkol sa akin tol alam mo bang mali ka dyan

Mag ingat ka baka bukas tamaan ka nalang sa

Iyong sentido di mo naman din ginagamit 'yan

Wag magpakahibang 'wag mag asta na guro

Wala kang magogoyo dito peke ang iyong turo

Kahit na magpakatiwakal ka pa 'di mo ako masusuyo

Akong Paquito sa mundong Fernando Poe mamamatay ka lang sa

Kakaisip mo maangatan ako sa pag arte sa harapan ng entablado

Walang multong manunulat na lumalapat dito sa akin kwaderno

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ginto

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

Paper Thin (feat. Chace Infinite)

…paper cuts…
Bambu
2010 Album

Kusina Breaktime

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

Sinio vs Sak Maestro

FlipTop presents: Ahon 5
Various Emcees
2014 Rap Battle Verses

27 Bodies

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

FEATURED ARTICLES