Album

Hindi Mo Nadinig (feat. Jay Durias)


MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012

Chorus:

Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan

Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan

Nagkamali ako

Sa mga pangako mo

Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

 

Verse 1:

Minahal na kita

Nang makita kita

Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba

Kinapalan ang mukha, niligawan kita

Kahit ako ay alangan sa mata ng iba

Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw

Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw

Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw

Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw

Kaya’t ganun na lamang ang aking saya nung ako ay

Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay

At sinabi sakin sa hangin parang tinangay

Nang minahal mo ako, pwede na kong mamatay

Ako’y nagsikap upang maibigay sayo ang langit

Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit

Kahit minsa’y nagtatalo, sayo’y di kayang magalit

Bawat hakbang palayo, ako’y patakbong lumalapit

Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat

Ang lahat kinasabwat, handa kong gawin ang lahat

Nang ang pag-ibig natin sa isa’t-isa’y hindi lumabo

Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi

Madalas na magising wala ka saking tabi

Pero di naman siguro, baka guni-guni

Ko lamang to, wala lang to, siya’y may pinapabili

Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw

Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw

Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw

Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw

Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman

Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman

Ngunit nag-aalangan, di ko mapag-alaman

Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan

Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isumpa mo

Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano

Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa ko

Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko

Umuwi nang maaga, ingay na tagos sa dingding

Huling-huli sa akto, sakin binaling ang tingin

Hindi na kita mahal, sabay hubad ng yong singsing

Ako’y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Ako’y bumunot ng baril, na dinala kaya pala

Kahit walang dahilan magagamit ko pala

Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara

Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga

Piniringan ang mata, tinalian ang kamay

Minartilyo sa paa, sige tumakbo kang pilay

Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay

Di na rin naman pwedeng maging testigo si inday

Inunahan ko na siya bago pa mangyari to

Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to

Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi to

Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido

Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon

Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon

Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong

Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon

Lumamig na ang luhang galing sayo at tuminig

Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib

Daliri ko’y nasa gatilyo sabay subo sa bibig

Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig? (hindi mo nadinig)



OTHER LYRICS

is it real?

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

Sige Simula

Sige Simula
Tatz Maven
2020 Album

Boy (feat. Kartell'em & BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Kalmado (Part One) (feat. Loonie & Rhyne)

Kalmado (Part One)
Omar Baliw
2020 Single

In My City

In My City
aero.
2010 Single

FEATURED ARTICLES