Album

Eroplanong Papel (feat. Smugglaz)


Meron Na
Loonie
Producer: 5
2023

Chorus:
Tulala sa matayog na pader
Nangarap 'singtaas ng torre ng Babel
Nung walang pambili ng laruang baril
Nagtyatyaga sa eroplanong papel

Verse 1:
Naaalala ko pa 'yung bahay sa Vito Cruz
Kung sa'n ang battle rap sakin unang na-introduce
Nung mga panahong wala pang gigs at interviews
Wala ring makain kasi wala pang million views
Daming gustong patunayan, dami rin gustong pasinungalingan
Daming gustong paghusayan, kaso pamilya ay 'di ko malisan
Daming gustong pag-usapan, kaso takot sa mali kong katwiran
Dami nang pinagdusahan sa dami ng nagawang kamalian

Verse 2:
Ayy, yo
Naaalala ko sa Delpan do'n sa kanto
Hablot, tutok 'pag mahina bote, dyaryo
Wala pang Batang Quiapo no'n o Probinsyano
'Sang batang pasaway na habulin na 'to ni Cardo
Dami ko gusto subukan, gamit ang perang makapangyarihan
Dami rin gustong tulungan, mabiyayaan at mabahagian
Dami mang gustong tutolan, mga tunay na kaaway, pekeng kaibigan
Dami nang pinaghugutan nung mga panahon na ako ay kalimitang

Chorus:
Tulala sa matayog na pader (Tulala)
Nangarap 'singtaas ng torre ng Babel (Uh)
Nung walang pambili ng laruang baril (Walang-wala)
Nagtyatyaga sa eroplanong papel (Nagtyatyaga)
Ngayon tila ako'y nagdilang anghel (Tila bigla)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (Limpak-limpak)
Mapa-dolyar man o piso, mga sir (Kahit Euro)
Ginagawa ko lang eroplanong papel

Verse 3:
Naaalala ko pa 'yung mga gabi sa tuwina
Uwian ay kalsada at pamilya ang barkada
Nagigising sa mga usok at busina
Sa walang kurtina kong kubeta, sala't kama
Buhay ba ng gangsta? Gusto mo sumama?
Muntik na 'kong mabaliw at maging taong grasa
Kahiya i-flex 'yung iba nga fine-fake
'Yung isoryang pine-peg, paangasin na may drama (Drama, drama, drama)
Pero kung 'kala mo na 'yun lamang (Yeah)
Tapos madapa, gumulong, at gumapang
Alam kong bumangon ay obligasyon kong 'atang
Nung una akala hanggang do'n na lamang
Tapos ngayon parang ako pa yumabang, huh?
'Sang repleksyon ng aking mga mata
Nakikita ko pa rin 'yung batang (Batang, batang)

Chorus:
Tulala sa matayog na pader (Tulala)
Nangarap 'singtaas ng torre ng Babel (Uh)
Nung walang pambili ng laruang baril (Walang-wala)
Nagtyatyaga sa eroplanong papel (Nagtyatyaga)
Ngayon tila ako'y nagdilang anghel (Tila bigla)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (Limpak-limpak)
Mapa-dolyar man o piso, mga sir (Kahit euro)
Ginagawa ko lang eroplanong papel

Verse 4:
'Di na kailangan magbayad ng upa, meron nang bahay at lupa
Malaya sa utang, sarap na ng buhay, 'di gaya ng una
'Di na kailangan pa magkanda-kuba para sa pangarap na nakakakalula
Bawal sa mga batang mababaw luha, maraming sugapa makakasagupa
Gumapang sa lupa hanggang sa makuha
Kaya mag-flex nang pilit, 'di na kailangan, ako'y haligi na ng tahanan
Magpapasimple pakumbaba lang para hindi rin ako utangan
Mananahimik na lang sa gilid (Shh)
Kahit sabihin pa na yumabang
Sa'n man mawili sa'king sarili, mananatili pa rin 'yung batang

Chorus:
Tulala sa matayog na pader (Tulala)
Nangarap 'singtaas ng torre ng Babel (Uh)
Nung walang pambili ng laruang baril (Walang-wala)
Nagtyatyaga sa eroplanong papel (Nagtyatyaga)
Ngayon tila ako'y nagdilang anghel (Tila bigla)
Limpak-limpak na milyones sa mantel (Limpak-limpak)
Mapa-dolyar man o piso, mga sir (Kahit euro)
Ginagawa ko lang eroplanong papel



OTHER LYRICS

Boy Bitch (feat. Rjay Ty)

Burnt Cookie
DZ SVG
2018 Album

Kawayan (feat. 8-bitfiction and Illustrado)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Ayos

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

Morning Of America

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Hindi Susuko (feat. Kean Cipriano)

Hindi Susuko
KJah
2019 Single

FEATURED ARTICLES