Album

Bakit Hindi (feat. Billy Crawford)


MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012

Chorus (Billy Crawford):

Wag mangarap nang basta simple

At umasa lagi sa libre

Bakit hindi? Bakit hindi?

Yan ang sabihin sa sarili

Pagbutihan mo nang maigi

Kamustahin kung may imposible

Bakit hindi? Bakit hindi?

Yan ang sabihin sa sarili

 

Verse 1 (Gloc-9):

Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang

Sayong daraanang hagdanang

Mataas, madulas kahit na matumba

Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan

Bawat hakbang, tawirin mo man dagat

Sabayan hanging habagat

Baga't apoy

Bawat patak ng dugo'y

Hindi mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy

Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa

Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa

Walang trabaho, walang makain, bubungan na tinangay ng hangin

Humahaba na ang listahan sa tindahan at sakitin pa

Ang anak mo na sanggol, kailangang ipagtanggol

Sa kahirapan na pumupukol, isip mo na buhol-buhol

Ano man ang kahantungan, palagi mong tatandaan

Kapag hindi ka na bumangon, dito ka pa lang magiging talunan

Diinan ang tapak sa lupa, punasan mo ang luha

Kung hindi ka susuko, hinding hindi ka huhupa

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Gloc-9):

(Bakit? Bakit? Bakit?)

Bakit? Bakit gumigising?

Bakit? Bakit dumidilat? (dilat)

Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat (buhat)

Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat

Handa nang sumagupa sa lahat ganon kakunat

Ang balat, namalat sa lakas ng sigaw

Iangat, kumagat, lunukin nang hilaw

Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw

Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw

Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan

Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan

Kahit tuyo na ang halaman sadyagain mong diligan

Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan

Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan

Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan

Kung hindi mo nagawa, wag mo na muling tignan

Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan

 

Repeat chorus

 

Outro (Billy Crawford):

Bakit hindi? Bakit hindi?

Yan ang sabihin sa sarili

Bakit hindi? Bakit hindi?

Yan ang sabihin sa sarili



OTHER LYRICS

Spittin' Bars (feat. Copywrite)

Bawal Sa Tanga
Teknika Brutal
2012 Album

Kawawang Bata

…is out there
NothingElse
2009 Album

Kaakuhan

Kaakuhan
KG x Wrathsol
2018 Single

Fuck Dog The Bounty Hunter

Walk Into a Bar
Prometheus Brown and Bambu (The Bar)
2011 Album

Mano A Mano

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES