Album

Inday (feat. Cathy Go)


MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012

Intro:

Oh inday! Oh inday!

Oh inday! Inday ng buhay ko…

Oh inday! Oh inday!

Inday ng buhay ko…

 

Chorus (Cathy Go):

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya

Kapos lang sa kaunlaran kaya’t walang makita

Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko?

Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya

Gusto ko sanang maging doktor ng medisina

Ngunit si itay ay magsasaka lang, ang kapatid ko ay pito

Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…

 

Verse (Gloc-9):

Pantalon na maong, labhan mo nang pakamay

Ang aking tira-tira’y takpan mo

Pagtapos kanang kumain ang sahig punasan mo

Mula baba hanggang taas lampasuhin hagdanan ko

Dapat walang alikabok ni katiting sa mga muebles

Ayokong inuulit nang higit sa isang beses

Sa lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod

Pagkausap mo ako, kulang nalang ay lumuhod

Bilisan mo maglakad, sige buhatin mo lahat

Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat

Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka nang dilat

At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat

Kahit gaano kadumi, ang mabaho’y amuyin

Sa tuwing ako’y malalasing lahat ng gusto ko’y sundin

Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama

“Oo” ang isasagot sa gusto kong ipagawa

O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita

Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita

Makakaalis ka na, di na kita kailangan

Bago tumawag ng pulis dahil ako’y ‘yong ninakawan

 

Repeat chorus

 

Outro (Cathy Go):

Inday! Oh inday!

Oh inday! Inday ng buhay ko…

Oh inday! Oh inday!

On inday ng buhay ko…



OTHER LYRICS

Sinungaling (feat. Ron Henley & Tuff)

The Ones Who Never Made It
Loonie
2010 Album

Bayani

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Fin

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Ganun Lang (Interlude)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Here

CIRCA91
Ruby Ibarra
2017 Album

FEATURED ARTICLES