Payag


Sukli
Gloc-9
2016

Laging tanong sa akin ng iba

Bakit ka ba naniniwala sa kanya?

Di ko alam, ganun lang talaga

Kung bakit, bakit pumapayag ako

 

Matatamis na mga salita

Parang latik na di niluto sa gata

Kilala mo pero ibang mukha

Bakit? Bakit pumapayag ako?

 

Halina sa lugar na kung saan

Masaya ang lahat ng mga kawatan

At kahit di totoo ang kanyang sinasabi

Lagi siyang pinakikinggan

 

Walang pakialam sa salitang ilan

Kahit gaano kamahal ang pinagbilhan

At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye

Lagi siyang napagbibigyan

 

Yan ang tanong sa akin ng iba

Bakit ka ba naniniwala sa kanya?

Di ko alam, ganun lang talaga

Bakit? Bakit pumapayag ako?

 

Matatamis na mga salita

Parang latik na di niluto sa gata

Kilala mo pero ibang mukha

Bakit? Bakit pumapayag ako?

 

Sa mga kasinungalingan mo

Kahit sinabi mong ika'y magbabago

Yan lang ang pinanghahawakan ko

Bakit? Bakit pumapayag ako?

 

Nasan na ang mga pangako mo?

Parang bula, bigla na lang naglalaho

Minsa'y parang kasalanan ko

Dahil, dahil pumapayag ako

Dahil pumapayag ako

 

Oras na para gumising ka

Bat di mo subukang buksan ang iyong mga mata?

Kung ayaw nilang tumalon, bat di ka mauna?

Sige, subukan mo lang na walang kakaba-kaba

 

Kung ito ang simula ng wakas

Isa-isa mong burahin ang mga bakas

Bago pa matuyo ang lahat ng katas

At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas)

 

Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?

Kapit lang, kapatid, wag kang bibitaw

Hanggang sa apat-naput-apat na beses lumitaw

Ang katotohanan, wag labanan, tinabunan, ipaglaban

Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa

 

Laging tanong sa akin ng iba

Bakit ka ba naniniwala sa kanya?

Di ko alam, ganun lang talaga

Kung bakit, bakit pumapayag ako

 

Matatamis na mga salita

Parang latik na di niluto sa gata

Kilala mo pero ibang mukha

Bakit? Bakit pumapayag ako?

Bakit pumapayag ako?

Bakit pumapayag ako?



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Event Highlights

Promo

FlipTop Box Logo Shirt

Promo

FlipTop Represent Collabs

OTHER LYRICS

Sirang Plaka
Single
Because, FTD, LarkMester
2018
Cypherpunk
Expansion Pack
Shadow Moses
2016
You Don’t Know Me
Wholesome
Andrew E.
1999
Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D
FlipTop: Tournament Semis (Dos Por Dos 2013 Semis)
Crazymix/Bassilyo and Tipsy D/Third D
2013
Anak Ni Luningning
Blind Rhyme
Denmark
2004

FEATURED ARTICLES