Album

Kalye (feat. Yosha)


Sukli
Gloc-9
2016

Chorus:

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng nangyari

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

 

Verse 1:

Iba’t ibang tao, iba’t ibang araw

Ang aking nakikita at siyang nakakaulayaw

Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag

At hanggang sa muli pa niyang pagdalaw

Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan

Kahit na ika’y nakasakay o kapapara lang

Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy

Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy

Usad na di palangoy tawa man o panaghoy

Lahat tayo’y mababasa o mapapaso sa apoy

Dahil ako ang siyang daan kahit buo kong

Pangalan ay kinatatamarang

Sambiting madiin, marating, tawirin, tiisin

Kung ayaw mo sakin sige piliin kung alin

Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

 

Chorus:

Nalimutan mo na ba

Kung ilan ang sumali

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng nangyari

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

 

Verse 2:

Aling Celia ang pangalan

Lumuwas papuntang Quiapo

Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo

Daw na paro paro sa balikat yun ang akala

Inipong pera’y nawala kasama ng pitaka

Siya si Melody pauwi na galing pang Estrella

Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela

Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela

Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga

Madilim kasuluksulukan sa may Boni

Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly

Pero di siya nabusog sa tinapay o pansit

Manhid lamang dahil sumisinghot siya ng pandikit

Napiit kahit na di ito selda sa bilibid

Araw araw napakaraming tao ang naiipit

Yan lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

 

Chorus:

Nalimutan mo na ba

Ang lahat nang nangyari

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

 

Verse 3:

Galit reklamo angal asar

Init pahid pawis dasal

Tila di marating ang tinatanaw na lugar

Napakabagal ng pag usad parang lakad sa kasal

Pero minsan ang daan na ito’y nagsilbing

Kasagutan sa milyong milyong hinihinging hiling

Malakas na narinig bulong na nakakabinging

Hinaing na gumising sa ginigising na gising

Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at

Mas makapangyarihan ang awa’t malasakit sa

Kapwa laban sa baril o kahit na tangke

At tapang na katulad na pinagsama samang kape

Ang kadilima'y napukaw ng bulaklak na sandata

Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala

Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata

At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada

 

Chorus:

Nalimutan mo na ba

Ang lahat ng sinabi

Nalimutan mo na ba

Ang kwento, ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Kung ilan ang sumali

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye

Nalimutan mo na ba

Ang tunay na mensahe

Nalimutan mo na ba

Ang kwento ng kalye



OTHER LYRICS

On Me

On Me
Southeast Cartel
2018 Single

Ahas

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

Viral!

Personality In Disorder
AKT
2019 Album

Atat (feat. Muriel)

Wala Pang Titulo
Ron Henley
2013 Album

Dalaga

Dalaga
ALLMO$T
2018 Single

FEATURED ARTICLES