Bago Lang


Single
EJac
2015

Verse:

Ako'y papasok! Parang usok ng damo

Sino daw ako? Mga tanungan sa laro

Matagal ng tagahanga pero bago lang ako

Yung ibang bago lang, beterano daw,nako..

Mga puro patawa

Mga di nahihiya, basta lang makadada

Boka nyo palagi'y puro pekeng katapangan

Sabay sigaw sigaw ang putapete niyong pangalan

Tema nyo palagi'y puro gera sa kalaban

Sakin, kapayapaan sa pag gamit ng halaman.

Subalit walang daya kada bara sa kanta,

Pulido talaga kahit 'di na kumarga

Bumabayo ang beat sa tahimik na kubo

natural na usok sa paligid ng puno

Payapa sa lahat, mga patama ko ay swabe lang

Dedma sa papuri't kahit 'di mo na 'ko partehan..

Uh, kahit di nyo nako partehan

Senyo na lahat, para sakin ay mga korni yan

Taob silang lahat kung seryosong makinig.

Takot sila sakin pagkat nerbyosong bumilib..

Takot silang humanga..

Uh, Yeah..

Ayaw nilang humanga kasi bago lang ako

Uh, oo bago lang ako

Nagmasid bago sumalta, ngayon ako'y Problema..

Lahat sila'y sabik na malapatan ko sa tenga

Tamad ako o abala? tanong ng mga repa

Batak sa kahirapan, lulong magkapera

Ikaw ay pambihira kung may pera ka sa Rap

Kung wala wag ka ng magpabida sa lahat

Kay sarap pagaanin bawat hangin niyo na kay bigat

Usisain ang laman ng awit ko at pamagat

Purong lirisismo, kwento't Palaisipan

Magaan ang salita kasi nga musika 'to man

Libre ang mangarap, may bayad pag sinatupad

Iba't ibang mukha man isa lang yan pag pinaghubad

Nasaan ang hari? Magtatanong ako

Sila na lang ba lagi? Pa'no naman ako?

Larong laro na'ko, sawa na'kong maging bangko

Magbigay daan kayo sa may talentong patago

Siksikan na't may plaka pang "Bawal na sumingit"

Sa sakayan ng pangarap "iisang jeep" lang ang limit

"Bakit ka astig?" Kasi freestyle ko pang sulat na

may beat man o wala bawat tono magugulat ka

Maloko man o siga ay nagugulangan din

Pinera na ang kota sa pasabing malambing

Di bale yan ang buhay, matira matibay

Bago ka magkasungay ay may gagabay na husay

Di pinapansin, kasi preso ng paghahambing

Tila arestado ang galing ko sayong salamin

May mata ang tenga ng masang haharapin

Kaya't ako'y palaging replika sa bawat magaling

Niyakap ko ang lait nyong parang papuri sakin

Tulak ng bibig ko na kinabig ng damdamin

Akala mo kung sino, pero bago lang ako

Parang bago lang ako

Tahimik, walang pasikut-sikot na galawan

Si BuddahBeads lang ang kasindihang matagalan

Nagpapaka normal kami, sila baliw baliwan

Sulat ko sa bawat pagkatao'y naiiwan

Mabigat ang liriko, magaan sa tenga

Malikot ang isip kong maraming kapareha

Binalot ng misteryo,hiwaga at pagtataka

Sinakop ng sikreto,imbento at pangangapa

Malalim mag isip pero mababaw mag sulat

Laging tago sa puno ang malalim na ugat

Maraming mga bagong nakatago sa sikat

Ngunit isa lang ako sa bagong alamat!

 

Outro:

Kung nayayabangan ka.. kasi bago lang ako..

Pasensya.. kung bago man ako..

Pasensya na bago lang ako..

Bago lang ako..

Para sa inyo.. ay bago lang ako..

Parang bago lang ako...

SEE ALSO

Latest Article

Zoning 14 Experience (Mula Sa Isang Fan)

  • By Alfred David
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

FlipSides


OTHER LYRICS

Payag
Sukli
Gloc-9
2016
Skwaterhawz
The Resumé Mixtape
Santo (feat. Skwaterhawz)
2009
Kaleidoscope World
FreeMan
Francis M.
1995
Broken Mirrors
CIRCA91
Ruby Ibarra
2017
Sometimes
Heavy Eyes
June Marieezy (feat. RBTO)
2011