 
													Verse 1:
Anong nangyayari? Anong intensyon?
Bakit may problema na wala ng solusyon?
Di marunong magtiwala may sariling proteksyon
Na buhay para mamatay pwes anong aking misyon
Mga pangakong nasa pwesto 'di na maintay
Sa hirap magkapera tatarget maghihimay
Palaboy na bata 'di nakaranas ng gabay
Bumawi ng buhay 'wag lang matawag na hinay
Imbes na tulungan kukuhanan ng larawan
Basura na tinapon 'pag hindi ka na kailangan
Sarado ang bibig 'pag madaming nalalaman
Nagkalat ang bangkay pero walang mga pangalan, ugh
Pre-chorus:
Sino ba'ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba'y totoong may pake sa'yo?
Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo
Chorus:
Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na magbabago
Verse 2:
Daming may sobra pero daming may kailangan
Asan ang pag-asa kung wala kang aasahan
May nakapatay kasi kailangan niyang lumaban
May nakukulong kahit hindi niya kasalanan
Nakatakip ang tenga, pa'no pa pakikinggan
Nagbubulag-bulagan at may kita lang sa kitaan
Puno mga bulsa pero utak ay walang laman
Wala ding matuwid kahit sino pa'ng dumaan
Para sa'n pa bang pinaglalaban?
Binenta ang bansa nang 'di mo nalalaman
Kapwa mo Pinoy, 'yan ang katotohanan
Ngayon sabihin mong ikaw ay makabayan
Pre-chorus:
Sino ba'ng nagsasabi ng totoo?
Sila ba'y totoong may pake sa'yo?
Sa baba, mga tao nagkagulo
Ang yumayaman ay tutok ang triangulo
Chorus:
Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na magbabago
Outro:
Sa mundo lahat ay nagbabago
Walang permanente, lahat ay nagbabago
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Tanong ko lang sa'yo, kailan ang pagbabago?
Sistema't sitwasyon hindi na nagbabago
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																									 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																							 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																										