Album

Akala Ko


Moderno
M Zhayt
Producer: Blast Beats
2018

Chorus (4x):
Akala ko nung una masaya
Akala ko nung una masaya
Hindi pala 
Diba sabi mo noon hindi mo ko iiwanan
Nasan ka ngayon

Verse 1:
Akala ko nung una
Ang pag-ibig ay mistulang paraiso
Kung saan puro kagandahan lamang ng tanawin
Na ikaw lang at ako ang nandirito
Pakiramdam ko ay magaan
Habang tayo ay nagtatawanan
Naghahabulan sa damuhan
At nasa tabing dagat nakatulala
At tila ba malayo ang tingin sa kawalan
Di ko alam kung bakit
Sa tuwing tinitignan ka nang malapit
Puso ko'y sumisikip
Kahit na nakapikit
Ang ngiti mo ay kasing ganda ng langit
Parang panaginip lang
Kung ang lahat ng ito ay hindi totoo
Ayoko nang isipin
Kung ano man ang rason bakit binigay ka sakin
Sana lang ay wag ka nang bawiin
Pero di ko hawak ang mundo
Pati yang iniisip mo
Hindi ko naman hawak ang mundo
Pati ang pag-ibig mo

Repeat chorus

Verse 2:
Sabi mo nung una
Tayo lamang dalawa hanggang sa dulo
Bakit saking paglingon
Ay hindi ko maaninag kahit lamang ang iyong anino
Hinayaan mo na mag isa
Ngayon sabihin mo sa akin pano mag uumpisa
Kung bawat kalungkutan
Luha't kabiguan 
ko sa aking buhay
Ginawa mong masaya
Para bang hinipan lang ng hangin
Relasyon na iningatang matagal
At sasabihin saking na gumising ka na lamang
Isang araw na hindi mo na pala ako mahal
Hindi ko inakala na iyong magagawa
Na sumuway, hindi ko rin makuha
At ang dating paraiso at kalangitan
Pa pala ang magiging dahilan ng mga luha
Dahil di ko hawak ang mundo
Pati ang iniisip mo
Hindi ko naman hawak ang mundo
Pati ang pag-ibig mo

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Miss Pakipot

Test Da Flow
Urban Flow
1996 Album

Arangkada (feat. Aya)

Ala Una
Apekz
2017 Album

Sakto Lang

Evolution Mixtape
Dello
2009 Album

Malimit (Rambling Man)

Dekoding Rhythm
A.M.P.O.N.
2006 Album

Manilab

Ikugan
Calix
2018 Album

FEATURED ARTICLES