Album

Nadarang


Materyal
Shanti Dope
Producer: Klumcee
2017

Chorus:

Andiyan ka na naman

Bat di ko maiwasang tumingin sayong liwanag

Nadarang nanaman sayong apoy

Bakit ba laging hinahayaan

Andiyan ka na naman

Ba't di ko maiwasang tumingin sayong liwanag

Nadarang nanaman sayong apoy

Handang masaktan kung kinakailangan

 

Verse 1:

May lakad ka ba mamaya

Puwede ka ba makasama sa pag gagala

Kung sakaling di ka puwede

Sabagay, meron din akong ginagawa

Siguro nga napapaisip ka

Ba't ako nangangamusta

Ilang araw ka na naroon sa

Panaginip ko, nag-aalala lang ako baka san ka mapunta

Pero mukhang ayos ka naman

Kahit hindi na kita abalahin pa

Ilang ama namin pa ba ang dapat

Para patago kang mag-alala sakin (uh)

Habang pinapantasya lamang nila

Ay maskara mo sa gabi At

Pitaka mo sa umaga

Dun ikaw sa likod ng colorete

Pag 'di na ngangangahulugan

Sa salitang paraiso para sakin

Bakit kaya kayamanan ko padin kinikilala

Ang iyong pagtawa

Kahit na sa puso mo man ay

Hinandusay na natin ang kasya

Dati pa 'ko pinagdamutan ng kapalaran

Kaya 'di na bago sakin mawalan ng pag-asa

Ala una ng umaga na naman

Tawagan mo na lang ulit ako

Kapag hindi na kayo magkasama

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

May lakad ka ba mamaya

Sana madaanan mo ko pagkatapos

Sabihin mo ngayon ako'y makaka-asang

Dito ka dadalhin ng iyong sapatos

Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan

Ay handang handa parin naman ako mamaos

Makakaluwag ka man ay sa mas

Nakakaibang na paraan kita tutulungan makaraos

Bakit ka nagparamdam

Siguro 'di na kayo nilanggam

Bakit kaya 'di niya alam

Ang iyong halaga kung gaano ka kalinamnam

Iwasan ko mang matakam ng di halata

Ang hirap nang magpabaya

Kapag tawag na ng laman ay nagbadya

Makipag langit lupa ng walang taya

Pagkasama ka, bitbit sa bibig

Mga ingay na tayo lang dalawang nakadinig

Nakatawang umidlip sa kama

Pero ba't wala ka na pagsapit ng umaga?

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

BALISA (feat. JMara)

BALISA
Mista
2022 Single

Bago Ang Lahat (feat. Ron Henley & Kat Alano)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

Fire for the People

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Dota Flow

The Resumé Mixtape
Santo
2009 Album

Dreams Of Havana

Lost Colours
NINNO
2018 Album

FEATURED ARTICLES