Materyal


Materyal
Shanti Dope
Producer: Universal Records Philippines
2017

Chorus:

Ibibigay sayo lahat ng gusto mo

Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan

Dito sa ibabaw ng mundo

Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala

Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal

Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal

 

Verse 1:

Dati nasa panaginip lang ang binibini na

Naging rason ng kada gising ko sa umaga

Kung magmahal kakalangita'y nagiging kama

Parang gabi-gabi kung makasiping ko si Darna

Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman

Ang ibig sabihin ng kayamanan

Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan

Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan

Bagong telepono, magara na sapatusan

Ayun ay ‘di ko maibibigay ang iyong layaw

Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo

Na laging ikalabing apat ng Pebrero kada araw

Halik mo ay hindi kayang tuldukan

Ng tamis na daig pananim sa tubuhan

Di ka man mahandugan kahit maski pandesal

Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin

Madalas lang talaga kong kailanganin dun sa amin

Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin

Makasibat na nga nanlalamig ka na ba sakin

Nako sana wag naman gustuhin ko mang agaran

Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa

Wag kang mag-alala sa aking kalagayan

Sa ngayon ay kaya ko ng ibigay sayo ang kalawakan

Habang nakahiga't magkahawak ang kamay

Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay

Tawanan hanggang sa mag-umaga

Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray

Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong

Mga bagay na sana nagawa pa natin noon

Kung di ako nakatulog na nagmamaneho't gisingin

Ang dalawang higanteng ilaw na sakin pasalubong…

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang

Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin

Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan

Nang ako lang ang may alam

Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang

Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin

Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan

Ng ako lang ang may alam

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

Crew's In: Kartell'em

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

Alyas


OTHER LYRICS

#WeGetHigh
Single
Ankthen Brown
2015
Hiwaga
Illustrado
Illustrado (feat. Supreme Fist)
2017
Tao Lang
Ultrasound
Loonie (feat. Quest)
2013
Camera Trick
Single
5th Wave Theory
2010
Ito Ang Kanta
Single
3 Thug Jewels
2015