Tipsy D vs Sayadd (Tipsy D's Rounds)


FlipTop: Aspakan 3
Tipsy D
2015

Round 1:

Yo Sayadd

Anlaki ng pisngi mo

Tang ina ang sarap sa pakiramdam

Nung tinext ko sayo yun all caps tas puno ng tandang padamdam

Nilalait nila yung ngipin mo dahil sa sungki

Kaya kung lalaitin mo yung sakin, yung ideya pundido

Siguro yung pangalan ng ngipin mo “Shehyee”, tas yung apelyido sungki ko

Yo, tangina

Pisngi at ngipin, ironic diba? Pero kung gusto niyo alamin

Ginawa ko yung intro ko sa harap ng salamin

Kaya naman marami pa sana kong pisngi at ngipin jokes

Pero dun muna sa bakla ka, ang gusto kong approach

Siguro magaling kang bumulow job in two different strokes

Kasi wala kang ginawa kundi mag-spit and choke

So mahilig ka pala sa Angry Bird, kaya sure win na sakin ang pusta

Kasi ang match-up na to, Flappy Bird, talo ka kung sasayad ka 

Ako’y makatang panay toma kaya pangalan ko Tipsy

Laban sa Sayadd o topak, Bisayang Makaveli

Panglan palang alam na, sayang lang kung ipapaliwanag nang mahaba

Pano uubra ang Sayadd lang sa tulad kong parating may tama

Oo magaling akong magpatama parang si Bassilyo kina Elbiz at Frooz

Sobrang galing ko magpatama, mga linya ko ay tila SS ni Zeus

Oo magaling akong magpatama, ako’y isang asintador o pwedeng

Sobrang galing ko magpatama, daig ko pa maswerteng kubrador ng Jueteng

Anak ng teteng, ano na Barry? Yo Life?

Kung ganun din I’m gonna bury you alive

Masasaksihan sa Youtube kung pano kita tabunan ng anim na talampakan

Mamamatay ka sa web, tila ako’y tinubuan ng anim na talampakan

Hihilingin mong sana di ka na nabuhay kung mamamatay ka sa Aspakan

Ansarap mong ibalik sa sinapupunan, parang nagpa-abort na naliwanagan

May problema ka sa pagkakabisa kaya hindi mo maisip yung mga sinasabi mo

Ako mabigat na problema ko ang mga salita kaya lagi kong iniisip ang mga sinasabi ko

Pag nagchoke

Kahit mukha'y makapal tanggal ang yong dangal, pag di mo naibigay ang mga titik

Kasi bukod nasakal daig mo pa nagpakasal, sa paglagay mo sa tahimik

Oo, masyado kang tahimik, ano ba nirerep mo? Libraries?

Ako ang tunay na sibilisadong kanibal, ang nireref ko arteries

Mga lamanloob sa freezer, dugo naman sa chiller

Mga emcees na kinatay mula pa nung ako’y beginner

Sunod si Sayadd, di na kasya kailangan ko nang mag-alis

Pero teka di na siguro, tutal matagal ka nang panis

Mag-ingat daw ako sayo tanong ko bakit?

Eh mga linya ko humihiwa, bat ako aatras

Eh ang kaya lang naman ibigay ng Sayadd ay mga linyang gasgas

Hindi ako Hardcore Rap hater, sadyang ayaw ko sa Sayadd

Tila ako’y maingat na driver, sadyang ayaw ko sa sayad

Sakin galing ang mga tirang swak, ringless, hindi sasayad

Ikaw stuntman manapak, mintis, hindi sasayad

Gusto nila kong matalo, what the hell, mga gago ba kayo ako’y hindi papayag

Dahil mga linya ko parallel, matatalo nga ako pero hindi sa Sayadd

 

Round 2:

Let’s backtrack a little bit

Una kong na-meet si Sayadd sa Gapo De Gulat

Dun pa lang halata mo nang malilimutin sa sinulat

Sa likod ng entablado, sa parteng walang tao

Nandun si tarantado, nakayuko pa yung gago

Akala mo may trangkaso, namumutla pa kamo

Tas nagsasalita mag-isa, yun pala nagkakabisado

Sabi ko “Sayadd”

Nagulat yung gago, minura niya pa ’ko, nakaamba yung suntok

Yung tingin delikado kaya lumayo na muna ‘ko

Yung itsura niya parang demonyong tinubuan ng horns

Tanginang to an-init ng ulo, masyadong seryoso

Tas malalaman ko kalaban si Jhapormz

Sobrang wack mo homie

Si Jhapormz nalang yung kalaban umabot pa ng OT

Samantalang talo ka all three rounds, nakatsamba ka lang nung OT kaya di na ’ko kumontra

Nakakatawang baduy daw yung Jhapormz galing pa sa taong di naman nakaporma

Bitch please

Samantalang nag-freestyle lang si Jhapormz tas ikaw over yung practice

Kung ako yun, di magtatagal ang japorms parang finast forward ko ang 90’s

Pero stop, diba ikaw yung nagpe-play ng oras?

Eh bat di mo kontrolado yung power

Let’s rewind nung panahong sinubukan mong kalabanin yung Hour

Pinigilan niya si Zero magka-intro pero hindi iyon naganap

Ikaw ay natalo sa Maestro kahit galing ka sa hinaharap

Dalawang beses mo nilaro ang orasan, anyare?

Badtrip, ansaklap

Pinagsisihan mo pagbalik sa nakaraan parang Project Almanac

Anong feeling mo? Masyado kang tuso kasi galing ka sa hinaharap

Hindi, feeling mo may tatlo kang suso kasi ibang klase ang yong hinaharap

Nung nalaman kong madalas kang mag-choke, shit I have to complain

Tinawagan ko si Anygma, “Sir, you need to explain

Bat mo ako tinapat sa emcee na pang-kalyeserye, are you fucking insane?”

Di naman niya masabi yung mga sinulat niya parang sila Alden at Maine

Damn

Yung mga linya mo kasing parang pekeng kaibigan, walang mapapala

Paano ko nasabi?

Kasi kung kalian mo kailangan, dun nawawala

Ayon sa mga fans magaling ka naman kaso bitin eh at lugi

Ano ba naman aasahan niyo? Kaya nga Sayad eh, may konti

Yung galing mo kasi Mayweather, choke ka mostly

Sayang ang cash pati ang time pre, ang bano nito

Sa inidoro sarap mong i-flush mala-Donaire

Kung gusto mo ng patunay na ako’y super ,man, well, sa dibdib ko naka mark "S"

Bawal ang may konti sa ganitong bagsakan dahil ito’y pakyawan ng punches

“Buka, higa, sara” Tang ina mo, mukha ka nang tanga

Ganito ang tunay na pagpatay, pugot ng ulo

Angat, dukot mata

Start ng chainsaw

Putol kamay, paa

Ako’y walang ititira

Higa, dibdib buka

Baga, atay bira

Bituka, apdo hila

Puso, bato itsa

Tang ina

Yun ay salang kriminal na wala akong balak magbayad

Aspakan ginawa kong mental hospital kasi nagkalat ang Sayadd

Ano Loose Turnilyo? Yan ba yung imahe na gusto mong palabasin?

Dapat ka lang maging loose turnilyo kasi puta andali mong kalasin

Wasak

 

Round 3:

Yo

Sa mga di nakakaalam, palayaw niya “Barry”

B-A-R-R-Y, isang Accountancy student

Tutal hirap kang magsalita, kakausapin kita sa terms kung saan ka mas fluent

I’m greater than B-A-R-R-Y

Skills mo below average, mine is too up high

Plus B-A-R, cannot be you should carry THE R-Y

Subtract B-A-R, bagong NICKNAME MO “RY” that’s equals to R-Y

See, kinompyut ko for free bagong nickname mo par oh

Tinawag kitang “RY”, total wala ka namang BAR

Kaya kamusta “RY”?

Dapat Boy Scout, laging handa baka mapasubo ka ng jumbo, RY

Nahihirapan ka makalikha, kasi wala ka namang factor, RY

Di na daw ako aabot kay BLKD, tigilan mo mga kwento, RY

Malamang score natin di mag-tally, kasi sablay ka mag-inventory

Yo, wag kayong maingay, para malinaw

Kasi papatayin ko na to parang yung ilaw

At kung last round dinivide ko into tiny fraction ‘tong hibang

In addition to that, tuturuan ko naman siya kung pano mag-bilang

First battle ko this year, second time ko sa Aspakan

Third round ko na, kung forever Fgusto niyo, punchline nito walang hangganan

After Ahon ikalima, nagpahinga, ngayon balik na ’ko sa killing spree

Animo'y makatang pandigma na may makabagong artillery

Seven times akong nag-aim, bumulagta lahat sila kay Tipsy D

Ngayon ikaw na ang pang-eight na itinumba parang symbol ng infinity

Yo, accountancy student

Kaya naman sa Math at numbers, dun kita iginapos

At kaya lang naman infinity yung punchline, kasi hindi ka nakatapos

Pagpasok niya sa liga, yung sayad niya tila nadagdagan pa

Di rin siya makatapos ng verses, may konti ka nga kasi kulang-kulang ka

Ako’y nagpahinga, pumreno, di dahil takot na matalo

At least hindi ako “quitter”, undefeated bansag ng mga tao

Oo laging panalo, pero kahit minsan ‘di ko naisip panghawakan ang trono

Kasi kung takot nga ’ko matalo, eh bakit wala pa kong laban na promo?

Dahil para sakin, dalawa lang, Krus o Kara

Maghanda ka o hindi, choose your karma

Ako, pagsumugod walang kakulangan, hustong bara

Kaya madaling magpaluhod ng talunan, luksong baka

Terorista ka ng underground, pwes Operation Red Dawn to men

Wala ka nang takas, Saddam Hussein

Wala ka namang bars, battery drain

Walang linyang tatak, t-shirt ka na plain

Wala kang puso bumanat, it don’t mean a thing

Kasi ako, zombie sumulat, target ko brain

Kaya nganga, mala-batang minagic ni Blaine

Mind blown ka sa bara na parang shotgun ni Cobain

Damn

Lumaki daw siyang Bayola, Wally, kalat sa kalye pagkatao

Ako, taga-ligpit ng basura, Wall-E, tiklop ka sigurado

Ikaw yung Luna na Paulenn, ako yung Luna na Heneral, di tayo magkapareho

Higit pa dun mayroon akong tito na Oortiz, papagulpi ko nalang yung tito mo sa Senado

At yung Sayadd kasi sinasalamin na wala kang tirang nakasentro

Kung yung pangalan mo Jose, pag sinampal kita dun ka lang papalarin, manalo

Bulaga, buhay ka pa pala

Minasaker na kita kanina, bat nabuo ka bigla?

Shit, ill yan ah

Pero di ka dapat matuwa, kasi meron akong katana, sige braso isangga

Saluhin mo mala-frisbee sa ere aking inasinta

Labas mo buhok mala-Keempee, hati ka sa gitna

At kung mabubuhay ka ulit dahil sa milagro, sisiguraduhin ko na wala ka nang kawala

Dudurugin ko ang puso mo, dahil sabi ni Nora nandiyan daw yung himala

Ano loose turnilyo ba yung imahe na gusto mong palabasin?

Dapat ka lang maging loose turnilyo kasi ang dali mong kalasin

Paano ka nanggaling sa hinaharap? Eh ang dali mong kalasin

Paano ka naging tigas sa batle rap? Eh ang dali mong kalasin kalasin

Ang dali mong kalasin, ang dali mong kalasin

Paulit-ulit ba? Ganyan talaga pag nakipagtalo ka sa lasing

Wasak



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Alyas

Promo

Support us on Patreon

Promo

FlipTop Sport Socks (White)

OTHER LYRICS

Chico
DETOUR
Delinquent Society
2018
Liham Sa Pangulo
Critical Condition
Stick Figgas (feat. Francis M)
2006
Pamahiin
Ang Ulan at ang Delubyo
Plazma
2021
Pepper Spray
One Rifle Per Family
Bambu
2012
Kaibigan Ko
Matrikula
Gloc 9 (feat. The Hardware Syndrome with Itoy and Willie of the Spindicate Posse)
2009

FEATURED ARTICLES