Single

Pakinabang


Pakinabang
Ex Battalion
2019

Chorus:
Sabi ng iba kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
Pag di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (nakinabang)
'katapos makinabang (makinabang)
Wala ka nang pakinabang (pakinabang)

Verse 1:
Ganun talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang
Halos tabunan ka ng masasakit niyang mga salita
(Yeah, yeah, yeah)
Marami na 'kong nakilala saki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na, 'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan, wala namang baryangan
Di ka dapat magtiwala, yun lang ang kailangan
Napalingat ka, dapat mag-ingat ka
Dapat nakadilat ka kasi dapat di ka niya
Pag nahimas ka lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo nakikita niya
Kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas pero sa huli
Pag ubos na, lilikas na
Hey
Di ka na
Di ka na kailangan nun
Di ba nga, sabi niya, "anong pakinabang nun?" (pakinabang nun)
Di mo na halata, napakautak nun
Gusto nila lagi na bagyo
Ayaw nila sa ambon

Repeat chorus

Verse 2:
Sabi nila
Wala kang pakinabang
Di ka na kailangan
Kailangan daw 'yung bago
Bagong magagatasan
Yung hindi na pumapalag
Laging opo ang sagot
At higit sa lahat ng yun
Yung bobong di magtatanong
Mahabang panahon ang ginugol ko
Para marating ang katayuan ko
Pawis, luha, oras
At patak ng dugo ang puhunan ko
Pumusta nang walang katiyakan
Sa larong nun di ko alam
Hanggang sa guminhawa at ang bulsa ko ay magkalaman
Bigla niyang nakilala
Tumabi na ang kumilala
Kahit na di ko kakilala
Lahat gusto na makasama
Kahit na di ko kapamilya
Lahat sakin ay umaasa
Laging nakasahod
Unahan pa sa pila
Lahat gustong tumamasa
Ganyan sila pero bigay lang kasi meron pa
Ba't ngayon biglang nag laylow porke't bangkosero na
Yung mga dati na linta noon saan na napunta
Yan sila 'pag walang mahita sayo ay tapon ka

Repeat chorus

Verse 3:
Bakit paggising ko ay wala na sila
Yung mga kasama ko nung marangya ang buhay
Mga kasama magsaya na nangako
Kung maghirap ay hindi mawawala
Yan ang mga galawan ng mga gustong sumabay sa agos
Mabait sa harapan mo pero saksak sa likod pagtapos
Tapos pag di mo matulungang makaraos
Bigla na silang mawawala parang nag-snap si Thanos
Nandiyan sila pag meron ka
Pag wala naglalaho na parang bula
Nasan na ba napunta yung akala na kasangga mo
Sa hirap at ginhawa'y aaya 
Yun nandiyan nung puno pa ang bulsa at pitaka
Mga para nang imbisibol nung kita'y di na visible
Yung tropa mo na mawala ay para bang impossible noon
Pero ngayon nasaan sila
Kung umasta ay para bang di ka na kilala

Repeat chorus

Verse 4:
Saan ka pa lulugar sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain sunud-sunuran 
Kahit inaapi nang lubos (boss)
Sa mga gusto nila na mangyari
Iba ang 'yong kutob
Hindi ka pupwedeng umangal 
Kahit pa ba na labag sa 'yong loob
Kasi kahit ikaw pa ay mapaos
O kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod
Wala kang karapatang sumabat
Lalo na at hangga't ika'y mabigat
Nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan 
Para't sa leeg mo na nakakagat
Parang vampi-yeah lahat ng dugo sipsip
Walang humpay hanggang matuyo
Parang sampay tapos ipapaligpit goodbye
Kapag sumuway, palalabasing masama sa tao
Ay wala kang utang na loob
Para bang sumbat ng iyong inay
Wala ka na'y at sa kanilang tanikala
Pumalag ka man di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan
Puro pakabig
Walang itinayang ganyan kagaling maghugas-kamay
Parang mga taong sumampalataya
Palalabasing ika'y masama
Para sasabihing hindi ka dinaya

Repeat chorus

Verse 5:
Yeah, ah
Kala mo'y okay na kasi nakatulong ka
Binigay na'ng lahat ng gusto at ultimo luho niya
Kaso pano pag gumuho ka
Yung wala ka nang madukot sa bulsa
Tablado ka na, may kaso ka pa
San ka pupunta
Talagang ekis kahit sa'n mo pa titigan
Ikaw pa yung huhubaran pagkatapos mong bihisan
Mga dugyot ang pagkatao, walang kalinisan
Pagkatapos magsipaglamon plato biglang iiwan
Mga hugas-kamay lang pero hindi yung pinagkainan
Bawat tanong ang daming rason
Ayaw mapagsabihan
Kaya malamang yari ka lalo na pag nagka-badtripan
Talagang ikaw ang puntirya
Di ka na para pahagingan

Bridge:
Kaya mag-ingat ka lalo na
Pag madali kang makisama
Kasi maiisahan ka nila diba
Kaya ngayon sinasabihan na kita
Pag pumili ka ng kaibigan
Wag tulad nila
Pag may kailangan sayo ay tiyak na bubulagin ka
Pag nakuha na iiwan ka nila
Yan ang sabi ng iba

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Mahiwagang Kamote

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Hiwaga (feat. DJ Supreme Fist)

Illustrado
Illustrado
2017 Album

WELCOME2DTQ

WELCOME2DTQ
Hev Abi
2023 Single

Clean

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

Bagay Tayo

Bagay Tayo
ALLMO$T
2018 Single

FEATURED ARTICLES