Album

All I Need


Black Sheep
Southeast Cartel
Producer: Southeast Cartel
2017

Hook (2x):

More weed, that Old E, that cold beat with that heat

Fuck them phonies my homies the only ones that I need

If you know me, you know we gon' grind til we make it

That dope shit we got it, homie all we want is

 

Verse 1 (RYDN):

Buhay nami'y napaka-simple lang

Kailangan lang ay musika

Ambagan pa kami sa alak at

Buong tropa ay ayos na

Hindi namin kailangan ng kung ano-ano

Sapat na pag kami'y kumpleto sa studio

Pasa pasa ng naka-rolyo

Alam na alam na alam na

Eto na naman tayo diba, balik sa dating gawi

Magkakasama, kung pwede lang itigil ang oras para hindi madali

Kulang ang araw at ang magdamag kapag utak namin ay binuksan

Dito namin nadidiskubre ang hindi namin inaakalang kakayahan

Daig pa namin ang nag-Alaxan, sa pwersang sadyang hindi matibag

Umantabay lang kayo kung gusto niyo na masaksihan ang aming pag-lipad

At gusto ko lang pahayag, na walang katumbas

Sasabay sa agos at di papaltan kung ito nakatakda sa aming landas

Ito aking armas

 

Repeat hook

 

Verse 2 (Pipoy):

Ang bawat araw ay mayroong pagsubok

Bawat bitaw may balik hataw, nag mula sa tuktok

Hanggang ngayon baon sa aking tuktok

karapatan nang bawat puso ang tumibok

Bawat nilalang ay pupwedeng pumutok

Ngunit ang buhay isang pagtutuos

Mahihirapan ka niyan, luha, dugo, pawis, lubos

Pero lumaban ka hanggang buong lakas ay ubos

Huwag kang magalala, pagsubok, di pa tayo tapos

Hindi maiwasang isip ay dumilim

Buhay sa loob ang itim, ito'y naghahasik ng lagim

Ngunit maghahanap ako nang rason

Upang mapalapit sa panginoon

Ang dami tanong na walang tinugon

Ang daming sakit na naiipon

Ano man pong mangyari, ama, salamat

Kailangang kabutihan ninyo ay maikalat

Patawarin ninyo po ako sa aking pagsasala

Sa ngalan ng Ama, nagmula sa inyong anak... na itim na tupa

 

Repeat hook

 

Verse 3 (Franchizze):

Isang katotohanan (totoo)

Isang mikropono, isang bayo, ito'y aking patutunayan (tignan mo!)

Panibagong kasaysayan

Isinalang sa lansangan

Di papayagan na matapaktapakan

Tanging paraan ay makipag bakbakan

Kapalara’y alangan pinagdududahan

Masigabong palakpakan, naglipanang mga linta, nagliparang mga tingga

Ang asinta, abutin ka, lubusin

Tuyuin, lagutin nang mailibing ka

Walang kasing galing angking talim

Dumidiin, wag na wag kantiin

Posibleng, maging kailing iling

titiyakin aking paliliyabin

Prrrrrr prrr

isang katahimikan..

RIP sa lahat ng nag papanggap

Noypi aming diwa ang malalanghap

Pag sindi alam mo na kung anong sangkap

Maraming...

Gulay, pungay, tagay, husay, tunay, musika, sarap buhay, makulay, habang buhay

Di mauumay na ikalat ang mensahe

Padalang walang pamasahe

Ilabas wag mong igarahe..

Sabay kargahan ang boltahe

bawat lirko ditoy narkotiko

Kusang umaagos sa kokote ko

Ako ang kasagutan walang kodigo

Buong mundo’y gagawin kong lote ko

 

Repeat hook (1x)

 

Bridge:

I don't know what you've been told

But this the kind of music that'll make you lose control

You know this shit right here is all I need, is all I need

This shit right here is all I need, is all I need

I don't know what you've been told

But this the kind of music that'll make you lose control



OTHER LYRICS

Polaroid (feat. Kiyo & No$ia)

Polaroid
Alisson Shore
2018 Single

Welcome To The Party

Party Worker
Bambu
2014 Album

Antagonista (feat. Unotheone)

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Hindi Mo Nadinig (feat. Jay Durias)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Wakas (feat. Artstrong)

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

FEATURED ARTICLES