BLKD vs Flict-G (BLKD's Rounds)


FlipTop: Tournament Semis (Isabuhay 2013 Semis)
BLKD
2013

Round 1:

Puro scandal reference, isa nanamang lulubog na bapor

Bobo ka na bastos pa, dapat pangalan mo Mangmang Kanor

Tapos, yun nanamang choke ko kay Loonie ang binabanggit

Paulit ulit ang sound mo

Mas pinagusapan at mas sikat pa ang pagchochoke ko kesa sa best rounds mo

Eto si Raymond Rivera, pero sa rap game Flict G to

F na F ang pagka G kung makaastang deadly to

Sakto, kargada ko Long Neck, pero hindi Empi to

Hinding hindi ka tatantanan hanggat di nag-eempty to

Kaya di mo ako maiisihan kahit dala mo ang best three mo

Malulunod ka sa Alaska, parang pinulikat na Eskimo

Teka lang, teka lang, teka lang, teka lang

Nabobola kayo nito kasi madalas sa bars ang petty niyo

Nalunod na agad? Eh paano kung sa basketball pinulikat yung Eskimo?

Wala nanamang nakukuha, siyempre

Pero para lang yung encylopedia sa mukha, Facebook

Granada sa Trabaho, blowjob

Eh mas lazy writing pa yun sa verse nung kumalas na Bone Thug

Kaya wag magpabola, sa bilis ng battle madaling akalaing intense

Ang pagcoconnect ng mga salita kahit na lacking in sense

Kumpleto ka man sa sangkap, kung mali naman ang recipe

Sunog ka pa rin sa aktibistang to parang effigy

Kaya Flict-G, hindi ka G, hindi ka gifted

Alam niyo yung mga batang kakatuto lang magmura?

Biglang dadalas pang magmura sa matatandang palamura

Ganun lang rin tong si MondRay

Kaya sabik mag-Demonstrate

Nang napaghahalataang kakatuto niya lang ng pag-wowordplay

Pwes, ngayong wordsmith ang kaharap mo, hindi na yan pwepwede men

Para ka lang ngongong sumusubok turuang mag-rhyme si Eminem

Magmumukha lang tong formal debate tungkol sa crime at sedition

Miriam Defensor versus Ryzza Mae Dizon

Look up, look up

Alam kong you look up to me

Sakin ka natutung magmalaman

Kaso tumigil ka nang humakbang, nasa step 1 ka pa lang

Magpaulan ng references, yan ang kiliti niya

Halatang 2013 niya lang natuklasan ang Wikipedia

Pupunta siya don tas maglilista ng mga kulay blue-ng na termino, hyperlink

Mas tunog matalino, mas preferred ito

Tas iisipan nang wordplay, na kung hindi basic, pilit

Tapos word associations na basic si-net

Ako’y utak Gilette, sa sharpness ika’y kulang

Kaya yang big words mo

Ay pang small talk ko lang

Di ko kailangan ng college vocab

Para matalinong mag-angas

Kahit gradeschool bars gamitin ko

Thesis ang lalabas

Sample? Sample?

Bawat bara ko ay kawayan sa alamat na matanda

Bawat bara ko may laman, Malakas at Maganda

Kalkuladong double meaning, bawat pares, sukat

Sayo pare-parehong linya, pare-parehong anggulo, parisukat

Flow Mo, flow Mo, anyong Tubig, Content, matabang

Parang water cycle lang, paikot-ikot ang laman

Kaya ako ang complete thought ng death sentence mo ngayon

Bawat anggulo ko perpektong pasabog parang Mount Mayon

Kaya Raymond Rivera, ang maka 3-0 ka, malabo sa labang to,

Magkaka 3 W’s ka lang, kung si Harlem ang bibigkas ng Pangalan mo

Board Game

B-side mag-ingay

 

Round 2:

Sige, yung paghawak sa mikropono, yun na ang talentong sayo

Di ko kailangang humawak, may taga-hawak ako

Kasi Flict-G, hindi ka G, hindi ka genius

Puro ka lang complex terms parang code ng Intel

80% naman ng terms na yun, di mo alam

At ni hindi mo kaya i-spell

Panggap na matalino, pseudo intellectual

At kung di iyon totoo, spell mo nga ang pseudo intellectual

Eh sa spelling pa nga lang ng Repablikan, hirap na hirap na ito

Ansarap tanggalin nung AK sa Repablikan para iratrat lang sayo

Ba’t ba kasi Repablikan ang napiling name niyo?

May alam man lang ba kayo sa Republicanism o sa The Republic ni Plato?

And please Ray, don’t play smart

Ang alam mo lang sa Plato, pinggan

Dati kang dishwasher ni Denmark

Ako, ako ang pilosopong naghahari sa Republikang to

Pneumonia, Ronald Reagan, ako ang papatay sa Republicang to

Na hindi pa nakunento, nilagyan pa nang syndicate ang pangalan ng set nila

Ang Republican Syndicate lang sakin

Yung may pakana ng crack epidemic sa America

At ano? Alam mo yon? Hindi?

Halata tuloy na yung street smarts at books smarts

Pilit ang iyong pagsasalubong

Ika nga ni Loonie  “mas bobo pa sa bobo, ang bobong nagmarunong”

Kaya Flict-G, hindi ka rin G, hindi ka gangster

Kasi kung tutuusin, yang pagiging straight at siga mo, alanganin

Sa isang kantang ika’y tigas, biglang nagiging tiga-saing

Sample, “Bawat bara ay kargadang sandatang pang-agaw buhay

Pero kung iiwan mo ko babe, mundo'y wala nang kulay"

Hindi ko naman sinasabing dapat one dimensional ang imahe

Kaso polar opposites yung pagkatao, ang pagsasanib hindi swabe

Mapagmahal din ako, pero walang pahayag na pathetic

Magiging sweet lang ako pag ang ka-battle diabetic

Pero alam ko kung ba’t ginagawa mo yon, benta moves

Para lang sundan ng madla

Kaya gisado ka sa mantika mo, ako naman ang gagawa

Pag sinabi kong Flip, isigaw Top

Flip (Top)

Flip (Top)

Pag sinabi kong Ba, isigaw Lakid

Ba (Lakid)

Ba (Lakid)

Pagtaas nang kamao, isigaw G

Talo si Flict (G)

Talo si Flict (G)

Medyo delay pa, pero sige ngayon

Pagtulungan nating lahat itong si Flict (G)

Worse than death ang sakit na i-inflict (G)

Aking ener (G)

Ang iller (G)

Pagka't talino at talento ko, may syner (G)

Kaya’t sa words akong mas may command (G)

Hayop kada PLAY mala Juman (G)

Kaya pag-gaya sakin ang iyong Strate (G)

Para bumenta lang sa crowd parang si Andy (G)

Walang mataling bilib sayo, Mythology

Pinag-aralan mo lang ako, Theology

B-Side mag-ingay

 

 Round 3:

Puro simpleng wordplay lang, pero dahil simple, sensational

Yung bara niya daw educative baka educational

Tapos, puro tatak pa ng sabon, isa nanamang basic nanaman

Mabuti pa si Spade, yung sabon may laman

Kaya Flict-G, hindi ka G, hindi ka genuine

At hindi yung sekswalidad ang tinutuligsa ko kundi yung impokritong kamang-mangan

Ba’t ba kayong mga homophobic pa ang puro barang kabaklaan

Nung laban niya kay Asero

Idinetalye niya, ang gagawin niya daw ditong fully body cleaning

Sabi niya “Hihilurin ko yung kili-kilo mo with feelings"

Tapos nag-scheme siya ng mga tatak ng hotdog

Sabay nagsabing “Buong-buo kitang lalamunin, Purefoods ka sakin"

Kakapilit mong magwordplay, kung anu-ano nang nalaro mo

Hindi na kita tinanong kung kaya pa kasi kay Asero ka na napasubo

Ito ay Einsteain versus Frankenstein

Newton verses Neutron

Tesla versus Tesda

Kung may inilamang ka man sa akin Ray, bilis yun

Pero aanhin ko ang bilis kung pekeng talino ang direskyon

Yung chakra nga sa Naruto lang nalaman ng tadong to

Pero sige, sa labang to ikaw na ang chakra ni Naruto

Ako naman ang pwersa ni Goku

Spirit Power ni Eugene

Determinasyon ni Sakuragi

Talino ni Conan

At diskarte ni Lupin

Oo kuma-quadruple time ka, hanggang double time lang hininga ko

Pero hirap ka na sa double meaning, kuma-quadruple meaning ako

Kaya kong magpaka-street, magsalita na pa-slang

Kasi pen game ko PERFECT, sayo Pass lang

Daming galaw, wala namang punto, puro pass lang

Ako puro tirang swak, shooter na pumapaslang

Kaya pangalan pa lang, halata nang sa three naghari to

Wala ka ng dapat ikagulat pa Ray, Allen to

At iyon ang mas magandang LARO dun

Mukha mo, mokong

Kaya yang pedestal niya sa pagsusulat madali lang tibagin

Tecnical words at technical writing, alaming pag-ibahin

Ako’y technical kahit words na gamit ay simple and plain

Tatapakan ko lang mga linya mo, pedestrian lane

Kasi street ka, yakapin mong tunay mong nalalaman

Yang pagpapanggap mong naglalagay ng lansa sa lansangan

Ayos lang magpa-impluwensiya basta sa panggagaya kumalas

Baka pag nagselfie ka ngayon, mutated BLKD ang lumabas

Ano pinagkaiba namin?

Complex concepts pinapasimple ko, simplex

Nag-eenumerate lang to ng mga termino, index

Nagpapanggap matalino to kunwari angat sa madla

Nagpapakamatalino ako para i-angat ang madla

Kaya mabilis man yang pagputok mo, pagsabog ko ang lalong felt

Sinturon ni Judas ka lang, ako Orion's Belt

Five Star laban sa Super Giant, kabog ka

Mapapel ka lang, ako maapoy, asul pa

Gamu-gamo ka lang na nangahas na sa liwanag papunta

Akong gasera ni Simon, sunog ka na, sabog pa

Katawan natusta, agad-agad napuksa

Laman-loob lamog na

Nagkalasog-lasog pa

Alalayan niyo si Aklas, nangangatog na, baka matumba

Kaya Flict-G, hindi ka G, hindi ka grand finalist

Pweh

SEE ALSO

Latest Article

GL – SA/LIRIKO (EP Review)

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Unli
Single
Flow G
2020
HUNGHANG
Single
Palos feat. JMara
2022
Jologs
G9
Gloc-9
2003
Galit
Sige Simula
Tatz Maven
2020
Hayop
Illustrado
Illustrado (feat. Supreme Fist)
2017