Rap Battle Verses

Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D


FlipTop presents: Tournament Semis
Various Emcees
2013

Round 1 (Crazymix / Basilyo):

Yo

Ikakahon namin kayo habang sinusuntok, boxing

Pagsasalitaan lang namin ang mga itlog na bugok, briefing

Ibibisto at ililibro kalaswaan niyo, booking

Straight-in namin mga mga mukha at buhok niyo, rebonding

Mukha nang kambal ang mga tuko na to, kaba-bonding

Style niyo yan diba? Yun ang akala ng iba, pero sa Grind Time at kay Troublesome ginaya

Kaya pala mukhang maganda, binabago niyo lang ng konti yung pinaghirapan ng iba

Abakadaz pa pangalan ng grupo nila at teacher pa man din siya

Tapos ang pangalan niyang ginamit Third D Bobo, sa alphabet ang third, C

Third D, Third D

Astig parang 3rd Battalion Infantry, impakto ka Third D

Di yan impakto, ano yan? impak-three

Corny? Talagang corny, ganun ka mag comedy

Palitan nalang natin yung Third D, gawin nating Teryo, o kaya turtle, o kaya Turkey, o kaya Thermos

Pero parang thermometer ang terminong terno sa teterminahing plaka mong ite-turn

Pag ginamitan kita ng teribleng line at triple time, sunog ka sa'min, Third Degree Burn

At ikaw naman din, yang pangalan mong 'Tipsy' meron pang mas exactly

Tutal mahilig kang mag-copy imbis na Tipsy, dapat control C

Oo matanda na ako, nagcontrol H pa ako kaya alam ko ang history mga boss

Pag kinontrol namin ang Double D, delete kayo sa Dos Por Dos

Yo

At ang iyong memory kasing baba ng diskette na pinartition pa kaya sobrang makakalimutin

Ihahagis kita sa Windows tapos ishu-shoot sa Recycle Bin

Kaya yung mga Word niyo sa amin never mag e-Excel kasi Micro at Soft

Mga punto namin may pwersa parang Powerpoint Doc

Kami ang virus na Trojan na magpapa-collapse sa CPU mo

Para manalo kayo sa laban na to, reformat ang kailangan niyo

Wala nang refo-reformat, kayo ang kalaban naming pinakamamahal ko

Technician ka man, di mo na kayang solusyonan, I Love You virus na dala ko

Yo

Lahat ng istilo niyo kaya naming gawin, pagandahin, patigasin

Pero istilo namin kailanman di niyo kayang gayahin, di niyo kayang gagawin

At masyado kang nagmamagaling, nagpumilit ka pang magdouble-time kay Abra kaya yung panalo niyo nawala

Pero ako di lang double-time pinakitaan ko pa ng triple-time si Abra, kaya anong nangyari kay Abra? Tulala

At diba nag-Energy Ball sila? Alam niyo bang galawang desperado yan, nangangahulugan ng kahinaan

Isa lang ibig sabihin niyan, hindi mo kayang mag-isa ang kalaban

At ano lang ba ang kaharap niyo nun?

Isang mansanas at puke lang na walang bulbol, ang sarap kainin ng mga yun

Oo, ang Dos Por Dos kampihan pero bakit sa crowd humingi ng tulong yan?

Eh kasi nga sa mismong kakampi mo wala kang maasahan

At diba galit na galit yan sa mga unggoy sa net?

Eh ba't ginagaya mo si Goku? Gago, nagiging unggoy din si Goku pag galit na galit

At bakit galit na galit ka sa mga Bisaya? Eh tatay mo si Amay

Sus gi atay ka bay pag nalaman to ng papa mo, papalagbo ka sa barangay

Demonyo ka, deputa ka wala ka kwenta

At wag niyong i-deny na manggagaya ka at magnanakaw ng line

Gusto niyo ng ebidensiya? O siya, sa lahat ng online paki-check niyo yung battle ni Ill-Mac at Conceited sa Grind Time

At ang estimated time, 7 minutes and 25 seconds hanggang 7 minutes and 35 seconds

Diyan niyo masasaksihan ang binanat niya kay Mac-T at G Spot na Cheesy Mac reference

Kita niyo yan, kaya kung siya tutula, suriin niyo muna yung mga linya niyang binibitaw

Bago kayo humanga, isipin niyo muna kung kanino niya ninakaw

Pinapaalalahanan lang kita, yan ang ginagawa mo pag wala kang pambili ng Fundador

Baka sa susunod hindi lang linya ang nakawin mo, pati kuntador

Hindi yan rumor, hindi yan chismis, hindi yan paninira kasi nga totoo

Sabihin na nating personalan na to pero hindi ito tungkol sa mga baho ng buhay niyo

Hindi na usapin dito ang mga istura niyo kahit kalait-lait kayo, at mas gwapo kami sa inyo

Hindi na dapat madamay sa ganito mga nanay niyo o mga jowa niyo

Dahil paniniwala namin dito na dapat lang ungkatin ang mga kasiraan niyo

Yung kasiraan niyo na may kinalaman lamang sa pagiging makata niyo

Oo Tipsy, lalasingin namin kayo

Kami ang Matador na kakatay sa inyo kahit walang basbas ni San Miguel

Kami ang Emperador na nakasakay sa Red Horse na tumakas sa White Castle

Kami ang nagpaka-Black, Label na mas tatatak pa kay papa Jack at Daniel

At sisibak sa naglasing lasingan na mga puta kami ang Shoktong, laglag kayo samin

 

Round 1 (Tipsy D / Third D):

Yo

Yung banat niyo parang edad mo hindi nag-eevolve

Third ka ng Third, tignan mo yung t-shirt niya Third World

Yo

Sa kabila ng nangyari, yan ang gusto ko sa inyo eh lumalaban

Tang ina, sa computer references niyo di ako natuwa

Di ako bumilib dun, araw-araw ko yun ginagawa

Tapos ako, hindi man original yung style ko, at least sariling gawa ko at kayo ay nasasapawan

Kayo homework kayo gumawa kaya kayo nananakawan

Dos Por Dos 2 Semis, ito na ba yung mga magiging hadlang?

Yung mga aminadong kinumpara yung sarili sa baboy at tandang

Masyado niyo silang inalagaan, binusog sa sigawan at tawanan

Pero pansin niyo ba kung paano kayo tratuhin?

Parang hayop, matapos alagaan, palamunin, ang totoo kayo ay alipin

Dahil hinanda lang kayo sa araw na kayo naman ang kakainin

Kaya kayo ay tapos na, sa una pa lang

Tatadtadin na ang baboy at ang gamit palang

Shoot sa balde ang talunan na tandang

Pulutan namin bukas pag-uwi ng Bataan

Itong chicken at pork adobo na medyo maanghang

Sa sobrang gulang mo Basilyo puwede ka nang tawaging daddy ng aming itay

Nung pinagbubuntis ka Mico, nagmamantika ang panty ng yong inay

Maraming galit sa mataba pero ako hindi, promise Tipsy ain't gonna lie

Matagal ko nang gustong sabihin to Crazymix, "You're so fluffy, I'm gonna die"

Pero hindi mo yun kasalanan, masyado ka lang mahilig sa bacon at yogurt

Kaya walang magkasya sa'yo na brief, kahit na bacon o no gart

Ngayon nararamdaman mo na ang sakit ng pang-didiss ko

Bukod sa pagsulat ng bars, kailangan mong maging alisto

Oo, mabilis ka ngang mag-rap parang si Pollisco

Kaso nuknukan din ng bilis sa pag-kain kaya mabagal ang metabolismo

Kaya naman real talk, walang magkasya sayo na beach walk

Nabawasan ang isla ng Pilipinas nung sinubukan mong mag-crip walk

Nahihirapan sa'yo yung mga photographer kasi di nila malaman kung pa'no nga ba?

Para lang makunan ka ng 2x2 kailangan pang i-set sa panorama

At galit din sayo yung mga classmates mo,

Galit sayo yung mga classmates mo kasi sinasapawan mo sila

Nung pinadevelop yung class picture niyo, yung nakuha ikaw lang mag-isa

Tang ina ka

At real talk, lugi na yung karinderya nila dahil sa kanyang kaka-foodtrip

Sa sobrang taba mo, triple ang binabayad mo sa jeep

At may kasama pang tip

Tang ina ka pag nakaligtas ka ngayon meron nakong balak na maitim

Sa isang taon, sa Isabuhay kay Sinio kita ipapa-massacre sa gym

At pagmasdan niyo nagpapawis na yung kili-kili ng mama

Gusto ko nang bumaba kasi hindi na kawili-wili yung tama

Ganito ang kalalabasan pag nasobrahan sa tiki-tiki nung bata

Kaya naman pag nag-rarap tignan niyo, nag-gigigimmie gimmie yung baba

At tol pag tinimbang kita, dun ka lang bibilang

Pero ang totoo wala kang kwentang kaibigan

Nung unang mga laban mo, pinagtatanggol mo pa si Denmark na wari'y pangalawa mong magulang

Halos napagkamalan na nga kayong mag-ama dahil sa inyong katawan na puro katabaan

Pero yung taong nagpalamon, nag-tiyaga at nagpabigat sayong pangalan bakit bigla mong tinalikuran?

Ang kapal talaga ng mukha mo tapos tumitira ka pa?

Kung sabagay iniwan mo yung mga blind, kasi kumikita ka na

Kumapal lang yong bulsa, nawalan ka na ng bilib sa dati mong pinag-utangan

Kumapal lang yong taba, nawalan ka ng leeg di ka na makalingon sa pinanggalingan

Kaya Crazypig, sabi nila isa ka sa pinakamabibilis, pinaka-matutulin

Tarantado bakit di mo ko subukan na habulin?

Kahit na dalawa pa kayo na sumabay sakin

Baka sa jogging ko palang ay parehas na kayong hingalin

Ang ibig kong sabihin, baka maging pabigat ka lang sa kanya

Parang pagiging pabigat mo sa nanay mong Vilmanian

Kasi nung pinanganak ka, sobrang laki, mula dibdib siya si-nesarean

Di na uubra yang bilis mo, bumenta na yang ganyang klaseng trickery

Marami ka lang sinasabi pero di makita yung punch line parang mystery

Pinipilit mong mag double-time kahit dulot nun sayo ay misery

Caesarian ka daw sabi ni Third, how ironic since birth di na normal ang yong delivery

Kaya lugi lahat ng eat-all-you-can sa food terminator

Sa sobrang taba mo pinagbabawalan kang sumakay ng elevator

At napapa-atras mo lahat ng escalator

At sa tuwing titingin ka sa mga paa mo, parang may nakaharang na equator

At ikaw din ang dahilan kung bakit bumabagal ang ikot ng mundo

Ikaw, kakabuhat mo kay Crazymix malapit ka nang malumpo

Huwag ka nang masyadong pasaway Dave, mahiya naman sa edad mo

Bawal na nga yung pork, bawal na yung beans, kumampi ka pa rin sa baboy na utak na ga-munggo

Kaya walang kwenta yung mga Knock Knock niyo samin

Lyrics namin magpapa-blackout kaya knock out kayo samin

Kami ang mag i-step up, kaya shoutout sa inyong mga shinoutout niyo at kumampi na kayo samin

Pasensya na Basilyo, pero hindi kami si Lord kaya hindi ka naman patatawarin

Pansin niyo ba? si Crazymix yung taga-setup, si Basilyo yung taga-punchline

Naturingang ikaw yung mukhang salbabida pero siya yung malutang

Naturingang ikaw yung mukhang matakaw pero siya yung madupang

Hindi dapat kayo tawaging Team CB, kasi tignan niyo may kulang

Dapat MTRCB, kasi lagi kang may patnubay ng magulang

At sa sobrang tanda mo, ikaw ang sumusulat ng kasaysayan ng Pilipinas

Huwag ka sanang maging bias, itong nagaganap na pahina huwag na huwag mapipilas

Kasi hindi mo maitatanggi sa mga saksi ang inuukit naming history

Kasi sa FlipTop Dos Por Dos 2, September 27, dito sa B-side, pinabagsak kayo ng Double D

 

Round 2 (Crazymix / Basilyo):

Huli naming nakalaban, si J-Skull at Target na macho dancer

Ngayon naman, Double D, what? D? Another dancers?

Pero hindi kayo macho at di kayo pogi

Diba ikaw ang guro? Bat sa kanya ka nagpapaturo? Ika nga ng bano Tipsy How to Dougie

O napansin niyo yung tira nila, puro baboy at matanda nanaman

Nakakasawa na, pag binaboy kita, magtatanda ka

Wag ka na, pati kami yayabangan mo pa?

Ako kahit pano, ang standing ko solo 1-1

Eh ikaw, ano ang standing mo sa solo? Wa-1

Anong wa-1? walang panalo maski 1

Consistent ka rin eh no?

Pag nag-battle kayo ni Red Blott? Wala akong pakialam sa inyo

Mico, baka mali ka ng info? Sigurado ka bang Teacher to o Maestro? Oo

Eh bat ambobo? O sya, maestro na kung maestro

Yang pagtuturo mo, magandang hanap-buhay at pakikinabangan mo yan habang buhay

Bigyan mo naman ng kahihiyan ang profession mo, hindi ka na dapat sumasali sa mga ganito

Aminin natin na hindi to magandang ehemplo lalo na sa mga kabataan at mga estudyante mo

Ilan sa mga yan ikaw ang iniidolo, ano gusto mong matutunan nila sayo?

Yang kabobohan mo? Yang kabastusan mo? Yang kababawan mo? Yang pagchochoke mo?

Yang kabaklaan mo? O yang kasupotan mo? O yang pagmumura mo?

Guys, diba masama magmura?

Narinig mo? Masamang magmura, tang ina mo

Ay nadulas ako, ayoko talagang magmura promise

Ayoko talagang magmura

Pero gagayahin ko yung punto ng probinsiya niyo,  pano?

Kaputa-putahan ka ng ina mo

Huwag ka nang mag-rap bobo, mag-tinda ka nalang ng Tocino

Pag hindi bumili mga estudyante mo, igaya mo sa Bataan, ibagsak mo

Hoy kuneho, mahiya ka kay Einstein, gago

Dahil ang sinisimbolo ni Einstein, kata-li-nu-han

Eh bat hinaluan mo ng kuneho?

Alam mo ba sinisimbolo ng kuneho yan? Ka-li-bu-gan

Ano yan, mag-iimbento ka ng robot na iiyot sa parrot?

Magpapakapanot? O pangkakantot mo yung carrot?

Isa kang supot na kunehong manyakis, walang mang-gagayang scientist

Di mo kayang umangat sa Tagalog, di mo kayang umangat English, kaya ka nagta-taglish

At bakit ka nga ba laging nagta-taglish?

Hindi mo ba kayang mag-English ng diretso? kaya mo? Edi sa English Conference ka sumali, gago

Taga-Bataan ka pa kuno, pero salitang banyaga ang pinapauso mo

Ano gagawin mo sa wikang Filipino? ibuburo?

Kung talagang matalino tong kuneho na to dapat marunong kang magtugma ng puro

Purohan kita diyan eh

Yo

Wala kayong sariling gimik, ikaw wala kang ambag

Hindi sa inyo galing ang wordplay, reference, o hashtag

Dati pa namin ginagawa yan, mga kumag

Magkaiba nga lang ng tawag

Gusto niyo sampulan namin ng hashtag si Third D?

O ito, kunyari ako si Third D, ito yung hashtag para sa kanya eh

Bakit ba ako ang lagi niyong pinag-iinitan? Takure

Isa pa, yung mas matindi

Shet, ako na natapakan siya pa galit, tae

O yung medyo bago naman

Mapagpatol ka kasi eh kahit walang kakwenta-kwenta, patola

Nagcocomedy ka, pero waley diba? Bayola

Para sumikat ka, kailangan mo pa ng partner at eskandalo, kailangan mo pa ng Jose para Manalo

Kahit napakamakasarili mo, hindi mo kayang magsolo

O yung reference naman Basilyo

Luma o Bago? Kahit ano

Kay Baguio Baguio pa lang ng BATAAN na to, puros kana Caloocan Novaliches ka

eh kung dina-Dagupan kita diyan, edi ma-Ilo-Ilo ka

Magsumbong ka pa sa Taytay mo

Huwag kang magulo gago, baka mawala tayo sa tugmaan

Nasan na tayo? Nasa B-Side tayo

Kung san kami nakatayo yun ang aming teritoryo

Kayo, sa Bataan lang kayo puwedeng magpasabog

Nandun ang nuclear, matuto kayong lumingon, matuto kayong lumugar

At nasaan ang patunay ng dorobong Roborat, kami ang Dororat, na di mo kayang makagat

Sumusukat, sumusulat, sumusugat at lahat ng tumapat nagkakalat pag tumapat sa alamat

Kaya't, kaya't, kaya't, nasan ang Complete Package Tipsy D?

Di mo kayang mag-tongue twist ng matindi, dila niya pasmit lang di nakakarindi

At di rin nakakatuwa ang inyong comedy

Pag ako nagcomedy? Pwidi, pero dipindi

Yo

Di mo kayang magpa-hype ng crowd sa mga kanta mo poser

At di mo kayang magsulat ng original chorus mo puro ka lang cover

Kami ang mga battle rapper na gumagawa ng pinagsisigawan mong flexibility

Double D, di pa kayo puwedeng tumapat sa mga tunay na battle emcee

At kahit maging complete package ka pa Tipsy D,

di makakarating, walang dating, wala kasing delivery

Faggot, kunehong fanot

Round 2 (Tipsy D / Third D):

Tinira nanaman pagiging instructor, susunod make it hard sir

Kung akala niyo kaya niyong burahin mga sulat ko, di kayo eraser

Tandaan niyo, ako yung teacher at kaya ko kayong burahin gamit ang marker

Ano bang iniiyak mo diyan? Ano bang nirereklamo mo?

Hoy baluga, kung ayaw mo nang matira ng matanda magpabata ka muna

Teka, bakit parang anlaki ng iyong tiyan? para kang nakalunok ng pakwan, para kang nakalunok ng sagwan

Para kang nakalunok ng hagdan, para kang nakalunok ng angkan

Putang ina namang tiyan yan, ilang pamilya na ba ang nandiyan?

Pero hindi naman namin sinasabi na mataba ka

Ang amin lang kung karamdaman ang katabaan eh malala ka

Pag pinaakyat lahat ng payat sa langit eh, tol sa baba ka

Pero hindi namin sinasabi na mataba ka, kailangan pa bang sabihin yun eh halata na

Sa sobrang taba nitong si Crazy, yung bloodtype niya gravy

At simula pa nung baby, talagang magugutumin na ang isang to

Nung nasa sinapupunan ka ng inay mo, kinain mo yung kambal mo

At duplex ang bahay-bata mo

At minsan nakisabay to sakin

Yung tarantado may dala dala palang drugs, to make this lolo proud

Akala niyo okay lang yun, yung sasakyan ko muntik nang ma-impound

Kaya hanggang ngayon di ko matubos yung lisensya ko sa NLEX

Dahil sa inyo, ikaw yung kambing at ikaw naman yung baboy na akala nila na kalong-kalong ko sa FX

Sobrang tagal mo nang aktibista Basilyo may nangyari na ba?

Si Emilio pa lang yung pangulo nag-rarally ka na

Tapos ngayon gusto mong i-abolish yung Pork? Isa yong malaking kasinungalingan if you ask me boy

Kasi alam naman namin na malaki pakinabang mo sa baboy, you were crazy as P-Noy

At ayokong magtunog mayabang, pero wala talaga kayong banat matigas

Habang kaya naman magbitaw ng masasakit na may halong patawa, yun ang tinatawag na malakas

At ikaw hindi ka papayat, porket ang pagtapat samin ay parang nagtampo ka sa bigas

At ikaw naman literal ka nang tumatanda ng paurong kasi tuwing kami ang makakaharap, mas pinipiling mong umatras

Totoo yon diba? Sabi mo natatakot kang makalaban kami pero alam kong kaplastikan lang yon Dave

Mabait ako pero di ako tanga, alam mong halimaw ako on stage

Kung sila naniwala sa acting mo, matagal na kitang basa parang pag-backread ng page

Kasi sablay kang umarte, isang patunay don, you can't even act your age

Kapag kausap kita ng personal, isa kang maprinsipyong tao

Pero pagdating sa rap battle, isa kang desperadong payaso, anlabo

Kung ako magpatawa man ako sa battle nandun pa rin yung artform, ikaw basta ka nalang makapang-gago

Ang kaibahan natin, nilalaro ko yung salita, ikaw isip-bata nilalaro mo yung buo mong pagkatao

At sa edad mo na yan nakakapag-rap ka pa? I can't believe it

Bakit ba kasi kinakagat pa ng tao yung mga luma mong jokes from Believe It

Crazy as Pinoy? Matagal ka nang nawalan ng bait

Naalala mo yung isang buwan kang nag-ngingitngit, sa isang sulok nakapikit

Habang tinitira ka sa puwit ng kasama mo sa piit

Ikaw matandang makata na sa itsura pa lang mukha nang mabaho

Yan ang hirap sa mga katulad mo Mr. Lordivino Ignacio

Nakikipagsiksikan sa laro ng bata kasi walang makuhang trabaho

Kasi kadikit na ng panglan mo yung salitang Ex-Con at puro nakakahiya pa yung kaso

Totoo, pagkatapos ng Rap Public, nakulong ka, lumaya, wto na ngayon ang kasalukuyan

Edad mo lang nagbago, mapalumang kanta mo o bago, isa lang kinalabasan

Old school daw, wow, hirap ka lang mag-adjust kaya ka napag-iwanan

Pati FlipTop hinila mo sayong kabaliwan

Hindi original mga jokes niya, mga luma na yon kaya lingid sa inyong kaalaman

Pero kung sabagay, marapat lang naman ikaw ay pag-tawanan

Kasi di ka naman talaga lumaya Basilyo, nakakulong ka pa din sa nakaraan

Pero kung tutuusin, parte kayo ng kanyang katamaran, masaya kayo sa sinasabi niya kahit wala namang laman

Kung fan talaga kayo ni Basilyo, bago kayo mag-react sa sasabihin niya sana inyo munang tandaan

Sinusuportahan niyo ba talaga siya? O kinukunsinti niyo lang siya sa kanyang katangahan

Bata pa lang ako ikaw na'y aking hinangaan, kaso pagtagal nakulong sa panaginip di mo na nilawakan

Fan mo ako Bassilyo, para sakin ito ay karangalan

Ayaw ko man na ikaw ay makalaban, dapat mo kong pasalamatan

Kasi minsan kailangan, sampalin ang tulog para magising sa katotohanan

At sa sobrang tanda mo, ikaw lang ang nakapag-renew ng Senior Citizens I.D.

Lugi lahat ng matatanda sa'yo kasi yung discount mo forty

At daig mo pa si Mang Kanor sa pagiging Dirty Old Man, ikaw ay competent

Dahil sa edad mo na 180 years old, damn hindi ka pa din impotent

Di ka ba nalulungkot niyan Basilyo?

Yung mga kalaro mo dati patay na, naging bayani pa yung iba

Sobrang gulang mo na ah? Tumatawa ka pa

Discounted ka na nga sa pamasahe at drugstores, pati kay Lord tumatawad ka pa

Kaya gaano ka kapal yang mukha mo? Baka kasing kapal na ng edad mo

Sa totoo lang sa bibig mo na nanggaling, gago, na mas mukhang pera ka pa sa Schizo

Ikaw ang best example ng matandang walang pinagkatandaan

Diba nakulong ka na sa panggagamit? Pero bakit siya ngayon ang ginagamit na kasangkapan

Ikaw, madali ka lang naman yumaman base sa aking kaalaman

Gawin mo lang literal ang pagbebenta ng laman, malamang umani ka ng milyones

Mas yayaman ka pa kay NAPOLES

 

Round 3 (Crazymix / Basilyo):

Yo

Di na kami mag-rerebut

Pero ikaw, wag ka nang sumabat gago

Wala ka nang kwentang magsulat, wala ka pang kwentang mag-rebut

Bat di ka tumulad kay Roborat, pati rebut sinusulat

At yang pagiging ma-papel mo, pati mukha mo gaya ng mukha ko, lalapad pa yan, huwag ka lang mag-aadik

At malayo pa mararating mo, maglakad-lakad ka lang at huwag ka nang babalik

O ayan ha may plus pa kayo

Tatlong araw lang kaming nakapaghanda ni Basilyo

Pero kayo, yung paghahanda niyo sa battle na to kulang nalang yata igugol niyo buong buhay niyo

Pero wala kayong dapat ikatuwa dahil kahit hindi kami handa huwag niyo kaming itulad sa ibang nagpupumilit tumula

Dahil kahit maraming rin kaming ginagawa, hindi kami pabaya

Tama, may commercial kami ni Basilyo, may guestings sa TV at radyo,

Puro out-of-town pa mga shows ko, may US tour pa bago mag-Pasko

Kaya talaga marami kayong mai-aangulo at patunay lamang to na mas sikat kami sa inyo, mga inggitero

Pag ako nayamot sa inyo, kahit labag sa loob ko, mag-aartista nalang ako

At yang mga generic niyong suntok, tatalbog lang sa taba ko

Unti-unting maglalaho ang istilo niyong mabaho parang usok ng taba ko

Classic ba gusto niyo? Sumagot kayo putang ina niyo

Bawal magmura pala, classic ba gusto niyo?

Gusto niyo bang marinig ang lengwahe niya? Facundo yung mic akin na

Eto yung lengwahe niya, ah, ah, ah, ah, ah...

Nilalaro lang namin sila, lahat ng tira nila, Blanka

Puro hanap at basa lang sila, dumedepende lang sa mga komento at sa mga kwento

Ni-hindi niyo naranasan yung hirap na pinagdaanan ng makatang mandirigmang gaya namin ni Mico

Nasa monitor lang kayo habang ako nasa kalye, kung nasaan ang tunay na digmaan

Nanonood lang kayo habang ako nasusugatan

At yung mga patawa kong sinasabi niyong walang laman, na nangyayari kadalasan nalang pinagtatawanan

At hinahanapan ng kahinaan, yan kasi ang kinamulatan niyong laban

Tama na yan bago pa tayo magkaiyakan, kaya ibalik na natin sa tunay na laban

Beteranong galawan laban sa mga jejemon na yan, parang sumo wrestler, punit ang short na boxer

Parang Casper laban sa Ghostbuster, Parang Third D laban sa first placer

At parang Tipsy laban sa matandang, matandang, matandang Drunken Master

Pero pakita natin ang mas better

Gayahin natin ang pang-gagaya ng mga manggagayang to

Pero pakita natin na mas mahusay tayo, yung mas totoo at may punto

Gusto niyo bang makakita ng mga letter D'ng na-korner

Abakadaz grupo niyo kaya mas better kung alphabetical order

At ang mga kokorner sa mga Double D ay ang mga sumusunod:

Una letter A, Anygma, siya ang may pa-liga pero binaypass niyo siya

Pangalawa letter B, Basilyo, di niyo nako ginalang, binastos niyo pa

At pangatlo letter C, si Crazymix, Kasi binaboy niyo siya

Kita niyo na, paano kayo mauuna eh pang-apat lang sa alpabeto ang mga letter D, diba?

At kung sakali man makalusot sila sa A, sa B, at C, naka-abang na sa inyo yung mga walang utang na loob na E, F

Si Elbiz at Frooz ng Crazy Family

Yan ang tunay na-corner in alphabetical order

Patatalsikin ang subject na teacher nang prinsipyo ng principal

Ang magnanakaw ng linya, diretso sa presinto pagkaling sa hospital

At ang mga huradong hangol na ipapabor sa inyo ang desisyon

ipapabitay ko sa matandang hukom, Judge Maximo Asuncion

Take note, mas panot kay Einstein yun

At sabi pa ng mga gunggong, hindi daw mabubuo ang salitang Dos Por Dos kung wala ang Double D

Ang yayabang ng mga putang ina, kaya nasabi kong binabypass niyo siya

Dahil hindi naman Double D ang dahilan, hindi ikaw, lalong hindi siya dahil hindi mabubuo ang Dos Por Dos kung wala si Anygma

Mag-ingay para kay Anygma

Round 3 (Tipsy D / Third D):

 Dave, tinuring pa naman kitang tatay tapos sabi mo kanina mag-adik ako, ayokong malulong

Sabi ko idol kita pero wala akong balak sundan yung pagkakakulong mo, ok mali ata, hehe

Sabi ko idol kita pero wala akong balak sundan ang iyong pagkakakulong

Balikan natin ang nakaraan, yung unang mga kalaban namin, double B, dalawang baboy na shit

Yung pangalawang kalaban namin, double B, yung dalawang Bisayang ahit!

Tapos ngayon DOUBLE B ulit, tol CB yan

Tarantado, papaliwang ko sige introduce mo ulit

Dos Por Dos 2 Semis

Double D, ang mala Daredevil na kampe versus Double B, ang magkumpareng si Basil, balde

Double B, Basil balde, takte

Speaking of nakalaban, sinabi niyo rin kanina

Kung nakalaban niyo yung nakalaban namin malamang natalo na kayo

Hindi uubra yung angas mo sa taga-Davao, lalo na dun sa Mac-T na gangster

Iiwanan ka sa bilis ni G-Clown mala Smugglaz, Baki the Grapller

Hindi aabot yang alaga mo sa G-Spot o kahit sa pataasan ng ihi

Malamang di ka na magpakita sa B-side kapag si Thike sayo nakipagpalakihan ng titi

Kamukha niyo si Dhalsim at E.Honda ng Street Fighrt

Kami pinaghalong Dragon Ball at Ghost Fighter

Oo siya yung Drunken Master at ikaw yung Lolo Thunder

Jeet Kune Do laban sa sumo wrestler

Patay samin ang matanda mong ghost writer

Pero hindi ka kasama kasi hindi ka kasya sa vacuum ng Ghostbuster

Alam niyo ba ang favorite sex position ni Crazymix ay Missionary, fuck

Paboritong sex position mo Missionary, bitch you were scary

Malamang yung mga nakatalik mo kinabukasan na sa obituary

Lakas ng loob mo umibabaw ehh bitch you were whale

Malamang tuwing nag-mimissionary ka kinakalabasan, mission failed

Naalala niyo yung sinabi niya dati? "Good or bad publicity, publicity pa din yun" Gago ka ba?

Nung nag-guest kayo sa tv, bakit kumita ka ba?

Di ko maalala yung title ng kinanta pero kasama pa nila sila Sisa at Crispin

Backup ka lang nun Crazymix pero bakit ikaw lang yung nakita sa screen?

Ikaw naman, naalala mo nung nagpalibre ka ng pagkain sakin sa Bataan kasi naubusan ka ng handa?

Basilyo, dun ko lang na-realize na minsan tama din pala yung pag-sagot sa matanda, gets mo ba?

Bat ka ba kumampi dito sa apo, eh diba ayaw mo sa hiking?

Mag-isa ka na nga lang umorder ng Bucket Meal, tinanong ka pa kung dine in

Alam niyo ba yung baboy na to ay hirap na hirap sa pag-login?

Kasi apat na letra yung katumbas ng isang pindot niya sa touchscreen

Basilyo bakit di mo tanggapin na laos ka na kasi ito'y aming panahon?

At bakit mo kami sinubukan, alam mo namang Rap ang aming pasyon?

Di mo kami puwedeng sigawan dahil hinding-hindi ka maiintindihan

Subukan mong pigilan, di ka aatrasan ng Awit ng Kabataan

At Lord salamat, tinapat niyo kami sa mataba at matanda, talagang easy to

Madaling tapatan ang patawa at ang bilis nito

Kahit mag-bleach di na puputi si Ichiho

Pagkatabi kita nagmumukhang lubog ang pisngi ko

Hirap tumakbo kung pulitiko, di puwedeng candidate to

Habulin mo sinabi ko, mag-papalpitate to

Malamang naiihi ka na sa tindi ng caliber ko

Umuwi ka na Mico, puno na diaper mo

Double time at jokes na nga lang meron kayo, pinagtutulungan niyo pang dalawa samantalang kaya ko yun gawin nang ako lamang mag-isa

At ang lakas ng loob mong punahin si Zaito sa kanyang mga maling ginagawa

Bakit di mo muna tignan ang sarili mo at huwag kang manloloko ng kapwa?

Naalala mo nung mga panahong magkakasama kayo nila Krazykyle, nung gumagawa kayo ng kanta?

Diba binigyan mo sila ng permission para i-rebisa, yung Awit Kay Ina?

Ano tatang nagulat ka? bakit may bayag ka?

Wala kang karapatang mag-reklamo tatang, kasi bayad ka na

Crazy Family, mga baliw, di kayo uubra sa mental ko kahit sino pang Kapamilya ang madagdag

Walang palag ang mga baliw, naka-straight jacket ko kayong ilalagay sa bodybag

Kukuha ako sa backpack ng thumbtacks sabay saksak sa mata ng idol niyo

Gamit ang black glock, ikakasa nang tsak-tsak sabay bang bang sa magkabilang eye ball mo

Saksak, black glock, bang bang sa eye ball mo, handa ka na ba sa punchline na malupit?

Binulag kita gamit ang mga tugma, literal na naging Blind Rhyme ka ulit

Sabi nila para lumakas, dagdagan daw ng yabang at angas, yan ang hindi namin kaya, totoo

Pero hindi naman namin kailangan maging mukhang matigas at ito ang totoo

Kasi manalo, matalo kaya naming lumakad na taas ang noo

Ang baboy di kayang tumingala kaya manalo, matalo lalabas kang nakayuko

At hindi porket hindi nagmamano sa matanda ay bastos na

Hindi niyo man aminin minsan gusto niyong sumagot pero nananalangin ka

Na sana yung nanakit sa inyong kalooban eh sana kuhain na

Wala tayong pinagkaiba, ayoko ring bumastos ng matanda pero putangina mo BASILYO, sana mamatay ka na

Yo Third, konting hakbang nalang finals na, ayoko sanang masira yung nasimulan natin, kapatid

Kaso gusto yata nila ng victory eh, gusto niyo ng victory?

Papasagasaan kita, handusay sa sahig

Tatapak-tapakan pa, buto mo'y mayanig

Hanggang sa buong kalsada na ang dugo ay madilig

Gugulungan ng pison hanggang hininga ay mapatid

Yung pinupunto ko Basilyo, iyo bang nakuha? nabatid?

Konting hakbang nalang finals na, lolo di ka namin tutulungang tumawid



OTHER LYRICS

Girl Of My Dreams

Girl Of My Dreams
Zikk
2012 Single

Sistema Ng Kalawang (feat. Fossils)

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

Day One

Party Worker
Bambu
2014 Album

Di Sunog

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Baw-Waw-Waw

FreeMan
Francis M.
1995 Album

FEATURED ARTICLES