Album

Jologs


G9
Gloc-9
2003

Chorus:

Jologs kami na kung tawagin ay mga

Jologs taong hindi katulad ng iba

Jologs sila na kung tawagin ay mga

Jologs kaya mo bang maging tulad nila

Jologs kami na kung tawagin ay mga

Jologs taong hindi katulad ng iba

Jologs sila na kung tawagin ay mga

Jologs sana'y wag mong husgahan sa mata

 

Verse 1:

Jologs kami na kung tawagin

Ng mga taong di kayang harapin ang salamin

At mabuhay nang makulay kahit kape't tinapay

Lang ang pagkain mo at ang hapunan mo'y kalamay

Ang ibig kong sabihin ay halika nga dito makinig ka sa akin

At nang sa ganon ika'y maniwala sa mga sinasabi ko nang malaman mo ang

Dahilan kung bakit ang pantalon ko ay maluwang

Kasi wala naman akong pambili ng mga 'to

Hindi ko naman kailangan ang makintab na relo

Wala nang pamasahe sumasabit na lang sa jeep

Kayang matulog sa papag mainit at masikip

Man ang pinapasukan na eskinita sa trabaho

Hindi sumisimangot may maamoy man na mabaho

Ganyan kaming mga taong hindi marunong magtago

Kung ayaw namin ay ayaw namin

Kami na kung tawagin ay mga...

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Bakit ka umiirap sa amin pero mas pangit

Pa ang kasama mo makapal lang ang wallet

Bili mo ko non bili mo ko niyan ang sinasapit

Para sa paglakad lagi nang nakakapit

Hindi kami mga sumasamba sa piso

Kuntento na sa galunggong na pinirito

Pag bumili di na humihingi ng resibo

Laging nakatawa kahit na walang pustiso

Ganyan ang mga nakakasama ko sa 'min

Kumapit ka ng mabuti kapag humangin

Pag may inuman ay di mo pwedeng awatin

Kasi di uso sa amin ang mahiyain

Kaya bago pa matapos ang aking awit

Isipin mo ng malalim mga ginamit

Na salita para sa amin ay lumapit

Kami na kung tawagin ay mga...

 

Repeat chorus

 

Outro:

Mga taga Malate kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Quiapo kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Paranaque kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Pasay kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga QC kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Valenzuela kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Pasig na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Mga taga Binangonan kami na kung tawagin ay mga Jologs (mga jologs)

Ha!



OTHER LYRICS

Akin Lang Naman (feat. G-Dawg)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

King I Be

Act 1
Ez Mil
2020 Album

Opening Salvo

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

I KNOW (feat. Mcee Zabala)

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Bagsak

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

FEATURED ARTICLES