Album

Bakit (feat. Cooky Chua)


G9
Gloc-9
2003

Chorus (2x):

Bakit... hinahanap ka...

Bakit tinatawag ang iyong pangalan

 

Verse 1:

Nang una kitang makita sa may Ermita

Hindi ko na namalayan kung bakit

Na para bang ako'y naakit

Ng ika'y lumapit

Tinanong ko ang iyong pangalan at ang yong telepono

Pero sabi mo

Di mo kinakausap ang mga katulad kong walang pera

Walng kotse't di doble doble ang cell

Pero teka muna miss

Wag kang mabilis lumakad

Di naman ako manyakis

At walang labis, walang kulang

Ang sinukli ko sayo

Balot! Eto pa sige, dalhin mo na lang sa inyo

Kahit na wala akong kitain, walang makain

Basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin

Ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan

Ipagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Sa loob ng aking kwarto

At sa loob ng banyo

Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato

Kinunan ko sa may kanto at pinakuwadro ko pa

Nang sa gaoon ay lagi tayong magkasama

Araw man o gabi kahit sandali

Sa hirap man o ginhawa ikaw at ako magpakailanman

Na para bang mga palabas sa sine

Alam mo na para bang imposible

Pero pwede ka bang mailibre sa kanto

Ng lugaw, palamig, siomai, o siopao

Baka pwede wag kang masyadong matakaw

Sige na nga pero pwede bang dumalaw

Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo

Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko

 

Repeat chorus (1x)

 

Verse 3:

Siguro naman, ngayon ay nadarama mo na

Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig

Simula sa laman hanggang sa litid

Kailaliman ay sinisisid

Pero bakit ginamit puro luha at pasakit

Makalipas ang mahabang panahon ng aking pagmamahal

Ay napalitan ng galit

Nang nakita kita na may kasamang iba

May dala-dala pa naman akong regalo

Matagal kong pinag-ipunan

Kinuha ko sa alkansya

Naglalakad habang lumuluha tinititigan ang lupa

Sinungaling ang mga baraha na tinanong

Hindi naman natupad ang kanilang mga hula

Wala nang dahilan para mabuhay

Naging abo, wala nang kulay

Akala ko nung una, tayo ng dalawa

Ilang taon din naman kong naghintay

Paalam na aking mahal, ako ay di na magtatagal

At tangi ang iyong pagbalik

Ang siyang aking ipagdarasal, ipagdarasal...

 

Repeat chorus (3x)



OTHER LYRICS

Maghihintay

Maghihintay
Dougmino
2019 Single

Simula

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Pancit Canton

Pancit Canton
Young Kael x Jom Ouano
2018 Single

Digmaan

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Suicide Note

Critical Condition
Stick Figgas
2006 Album

FEATURED ARTICLES