Album

Si Raul


G9
Gloc-9
2003

Verse 1:

Naransan mo na bang kumain ng walang nakahain

Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan

Di tinulungan di mo akalain na tuluyan

Kang matatabunan ng mga suliranin

Naranasan mo na bang parang nakagapos

Ang mga braso sa mga problemang

Kinakaharap ay lagi kang talo

Di na alam ang iyong gagawin

Sa putik ay sagipin

Kung meron kang pagtingin

Aking palad ay abutin

Tila hindi na tuluyan pa maubusan ng luha

Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa

Hindi na kayang tumingala

Kailan makakawala

Magkasing dami ng pagsubok

Ang aking pagkadapa

Kailan ba matatapos paghihirap ko sa buhay

Di ko to ginusto pero mahaba na aking sungay

At nang hindi na madamay pa sa aking kamalasan

Pilitin mong matakasan

Bago pa ako masiraan ang aking...

 

Chorus:

Ulo...

Bago pa ako masiraan ng aking ulo...

Ayoko mang masiraan ang aking ulo...

Bago pa ako masiraan ng aking ulo...

Bahala na masiraan ang ulo

 

Verse 2:

Naranasan mo na bang pawisan

Hindi mo pwedeng punasan

Hindi mo pwedeng iwasan

Hindi mo pwedeng labanan

Hindi mo pwedeng gamitin

Hindi mo pwedeng hipuin

Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil

Na laging hinahagupit

Ng amo kong malupit

Nadarama kong sakit

Palaging nakapikit

At pilit na tinitiis

Ang bawat hapdi sa mga araw na laging kulang ka sa salapi

At di mo na malaman kung kanino ka hihingi

Kung minsan ay hindi mo pa makuha pang ngumiti

Pagkagising ay trabaho

Kung minsan ay namamaho

Kasi butas na ang tabo

Wala pang tubig sa banyo

Sinasabutan mo nang sarili

Langaw ay hinuhuli

Pag mag-isa'y humuhuni

Nandiyan sa tabi-tabi

Gusto mo nang sumigaw

Gusto mo nang bumitaw

Sabihin mo sa akin

Bago pa ako masiraan ng aking

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Waves (feat. Erica Tolentino)

Rehearsals
Curtismith
2017 Album

Usap Tayo

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Kusina Breaktime

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

Baon (feat. Gab Chee Kee)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Ginto (Mhot)

Ginto
Mhot
2020 Single

FEATURED ARTICLES