Album

Isang Araw


G9
Gloc-9
2003

Biyernes ng umaga

Paggising ko pasok sa skwela

Nalilito, may exam ngayon

Napipikon, di ko malaman kung san ako lilingon

Para makakuha ng sagot

Kapag bumagsak, ako'y malalagot

Kay ermat, erpat, sipa, tadyak

Ilabas ang kodigo, baka makalusot

Sa teacher kong apat ang mata

Nakasalaming kasing kapal ng tabla

Palakad-lakad, lapad lapad

Buti na lamang ako nama'y nakapasa

Kung hindi mapipilitan nanaman akong ulitin ang lahat ng mga pangyayari

Katulad ng minsan ako ay nag biyahe

At nakilala tong malupit na babae

Sa may QC pangalan ay Debbie

Nag-aabang siya ng taxi

Tinitigan ko siya ng mata sa mata

Sinabi kong you look lonely

Do you wanna go somewhere, plak!

Nagka-bituin ang aking paningin

Bumakat ang kanyang kamay sa king mukha

Pagkatapos akong sampalin

Pero ngumiti siya

May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba syang matawagan

Kaya binigay nyang kanyang calling card sakin

Na animo'y parang humahalik sa hangin

Kaso lang, napagkamakalan kong calling card nya na ticket ng bus

Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice

Sinubukan kong hanapin don sa may Sta. Cruz

At baka sakali na ang landas namin ay mag krus

Kaya pumasok ako sa isang eskinita

At tinanong ang kauna-unahan na nakita

Dahil baka sakaling kanyang nakikilala

Ang babaeng animo sakin ay isang diwata

Manong, nakikilala niyo pa ba sino ba 'yon

Ano nga bang pangalan nya, teka, Girlie ba 'yon

Oo, kanina pa naghihintay sayo doon

Lapitan mo, hayon nakaupo sa may balon

Eto ba sya, bakit parang hindi yata ito

Maganda sya kaya sige, napasubo ako

Teka lang, teka muna, ako'y litung-lito

Nangyayari lang to sa mga guni-guni ko

Na para bang nagmamaneho ng isang bagung-bagong auto

Marami nang pera, nanalo pa sa lotto

Walang kumakalaban at lahat bumibilib

Hindi naghihintay, hindi naiinip

Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kwento ko

Habang naglalakad ay nakasalubong ako ng hip hop na metal

Punkistang bungal, natapilok kaya na-shoot sa kanal

Tinulungan ko, kawawa naman kasi

Di na nya makita limang pisong pambili

Ng suka na gagamitin ng kanyang inay

Para may sawsawan ang kanyang masibang itay

Salamat ha, ang bait mo pala

Pag dating sa kanila

Ako lang ang di pinakilala sa kapatid nyang si Girlie

At sa pinsang si Debbie

Gulung-gulo at ako ay hindi mapakali

Para bang ang lahat ng mata'y sakin nakatingin

At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin

Kasi ba naman parang walang malabong nangyari

Samin nitong mga kaharap kong panalong babae



OTHER LYRICS

Duelo (feat. DJ Buddah)

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Pa-Umaga

Pa-Umaga
Al James
2018 Single

Pwede Na ‘kong Mamatay

Pwede Na ‘kong Mamatay
Because, FTD, LarkMester
2018 Single

The Ave

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Good Day

Good Day
5th Wave Theory
2012 Single

FEATURED ARTICLES