Album

XXX (feat. Hi-C)


The Ones Who Never Made It
Loonie
2010

Verse 1:

Naaalala ko pa dati, high school, pare

Meron akong kaklase, hayop na babae

Ako'y suplado na smooth, nice move, swabe

Di ko kinakausap, di ko type kunwari

Itatago ko na lang sa pangalang Janelle

Usong uso pa noon yung pasahan ng papel

Pero lahat ng gusot, nahahanapan ng lusot

Kahit maraming nang-aasar: "Crush ka nung kulot!"

"Sino? yung payatot na brush-up yung buhok?

Kinse anyos pa lang ako, batang mapusok

Malakas ang loob kahit labas ay marupok

Kaya direkta kong sinabe at wala ng pautot

Tinapat ko sya, sabi ko: Ikaw ang crush ko

Tinanong ko sya ng past nya, sinagot niya ko nang Pasko

Uminit ang Disyembre, biglang ginaw ng Mayo

Recess na ba? Hindi pa pero break na tayo

 

Chorus (Hi-C) (2x):

Nasaan ka na? Ako kaya'y naaalala pa

Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

 

Verse 2:

Storya ng dati kong nobyang si Rossann

Ako yung bestfriend nya slash utusan

Magkaubusan man, walang iwanan

Kahit magkaipitan, kami nagtutulungan

Mano sa tatay, hatid-sundo sa bahay

Kabiruan ang kapatid, kasundo ang nanay

Kami ay natigilan at nagkakatitigan

Dalawang magkaibigan na nagkaibigan

Apat na taon, away bati, hila at tulak

Hanggang sa isang araw bigla kaming nag-usap:

"I need space" Noo nya'y nakakunot

"Space? Bakit di ka na lang mag-astronaut"

Tapos binanatan niya ko ng classic na palusot

"It's not you, it's me" Sino? Yung umutot?

Dinadaan ko sa biro kahit puso ko'y natibo

Halos isang taon ko rin itong hindi pinahipo

 

Repeat chorus

Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka (2x)

 

Verse 3:

Hanggang sa nakilala ko si Leslie Anne

Sa MySpace, ako'y kanyang tinestihan

Nice face! Ako'y naseksihan

May katabing chick sa pic, kala ko lesbian

Nagkita kami, Inglisan pa nung una

Pinakita nya sakin yung mga tattoo nya

Nag-usap kame, umaga, tanghali hanggang gabi

Magkatabi naghati kami sa mamahaling kape

At tatlong kaha ng Marlboro na pula

Kaya tuloy aming lamesa'y puro abo na

Walang araw na hindi ko siya kasama

Katabi ko siya sa kama kahit di ko siya asawa

Siya yung tipong, parang barkada

Sanay tumambay sa kalsada

Masaya na sana, kaso wala na

Wala nang load, last piso ko na to

Kahit papano, namimiss ko rin kayo... ang cheesy...



OTHER LYRICS

Y.G.G. (feat. HELLMERRY)

Y.G.G.
Shanti Dope
2023 Single

Fallin' (feat. Muffin)

Ex Battalion The Concert
Ex Battalion
2017 Album

Papunta Sa Pera

Pimpmobile Mixtape
Bugoy na Koykoy
2019 Album

LDR

Failing Forward
Curtismith
2016 Album

Sermon

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

FEATURED ARTICLES