Album

Walang Babala


The Ones Who Never Made It
Loonie
Producer: The Beatmonx
2010

Verse 1:

Itong kantang ito'y hindi yung typical single

Di yung tiping pwede mong gawing political jingle

Di yung klaseng awitin na umuuso sa Pinas

Pinag isipan kong mabuti buong pusong binigkas

Kasi karamihan nakikinig lang sa Imeem

Wala raw pera pero merong pambiling ice Cream

Ok lang salamat sa suporta

Salamat din nang sobra sa lahat ng kalaban na kumontra

Para balanse na parang valium sa kape

Kulang nalang sa aking album ay platinum na plake

Pero wala akong pake kung bumili ka o hindi

Gusto kong malaman e kung bumilib ka ule

Sa mga katangang talagang nakakamangha

Obra maestrang sobrang ayos ng pagkakagawa

Malakas mambara pero merong sabaw panulak

Ako ay bulalo puro buto pero may utak

 

Verse 2:

Kaliwa't kanan balitaktakan

Matapang na nakipaglaban

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay nakipagtanan

Mahirap paliwanagan baka di pa paniwalaan

Kahit tapakan pare wala lang

Balewala yan

Kahit hinihila pababa ng mga pasimple kung bumanat

Sabi ko naman sayo libre ang mangarap

Di mo ko kilala di alam ang kayang kong gawin

Kaya niyo ba to dukha pero ganado pa rin

Lahat ng banat malupit kahit hindi sinasaulo

Kalaban ay punit na parang liham sa pangulo

Mabagal mabilis kayang kaya wala tong daya

Tagalog o Ingles walang hiya kahit Bisaya

Paminawa ang sugilanon sa usa ka daot

Para to sa mga sibuwano na maka sabot

Mura ra gud mga balak nga ginapulti ni Syke

Chorus na pud ta padung hala pakusgi ang mic

 

Chorus (2x):

Umalis bigla parang bula na biglang nawala

Pero di mo namalayan na nandiyan na pala

Parang masamang karma pero mas malala

Nagbabalik nang walang babala

 

 

Verse 3:

Bumalibag sa unang lipad sa murang edad

Putang ina kamuntikan ko nang ma-mura si God

Sapagkat bumagsak desperadong umangat

Sumabay sa pinakabeterano sa lahat

At hindi man tumatak miski pano bumakat

Sa aklat ng mga respetadong alamat

Kung uunahin ang respeto sa pera

Kukulangin ang bungahin sa Puerto Galera

Kung susukatin sa metro ang letra na parang

Perpektong kadena

Pakikisama ang sekreto ng eksperto sa gera

Pero halatang palaban sa kritiko

Talagang malaman ang liriko

Para bang sinapian nanaman ng masamang espiritu

Ako si Jose Rizal na nag pa semikal

Pasado na sana kaso lagi bagsak ang medical

Makatang psychotic mayaman sa logic

Lisensyado ang dila ko salamat kay Okik

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

OTW

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

DEXTER'S TRAP

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

Modus Vivendi (feat. Kensa)

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

Mabuti Nalang (feat. JayR)

Rebirth
Salbakuta
2014 Album

FATAL ERROR II

FATAL ERROR II
Tus Brothers x Slow Dee
2019 Single

FEATURED ARTICLES