Ako Si


G9
Gloc-9
2003

Chorus:

Ako si Gloc-9

Pano yan eto na siya

Di ko naman kayang gayahin ang ginagawa niya

Ako si Gloc-9

Pano na yan ulitan

Na naman ang mga sinulat na napag-iwanan

Ako si Gloc-9

Pano yan eto na siya

Di ko naman kayang gayahin ang ginagawa niya

Ako si Gloc 9

Pano na yan ulitan

Na naman ang mga sinulat na napag-iwanan

 

Verse 1:

Kumapit ka sa katabi mo

Mula nang marinig mo

Ang boses ng isang pinakakilalang liriko

Na si Gloc 9

Taga Binangonan, Rizal

Binatohan lang ng piso sa entablado kumapal

Na ang aking mukha

Bumabangon pag nadapa

Di tumitigil sumulat, imulat ang salita

Tawagan mo na ang amo mo

Sabihin sa kanya to'

Na di' uubra lahat ng uhugin na liriko

Narito ang batang

Gusto niya dating hawakan

Ba't lahat ay nag-atrasan

Ng aking unang subukan

Hawakan ang mikropono, making sa tulang ito

Mga bulong-bulongan sa paligid ng 'bang tao

Ano ba ang pangalan niyan at sang lupalop ng galing

Mga bumabangka nagmistulang mga sinungaling

Matapos kong bitawan ang mikropono na basa

Ng aking laway mula sa nagbabagang salita

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Pag narinig mo ang aking banat siguradong ika'y

Makakalimot na parang sampal ng iyong inay

Sayong mukha

Bumabaling kanan at kaliwa

Pilitin mang makasabay palagi kang saliwa

Habang pinagbabalibagan ng bersikolo ko

Ang matagal mong isinulat na bersikolo mo

Pagsama-samahin pa lahat ng bersikolo niyo

Ay di kayang tapatan ang mga awiting ito

Pati damit mo, kahit gaano pa kamahal

Sa tenga ng mga tao ano ang sumatotal

Wag kang sumugal

Kahit saan pa makarating

Ano ang 'yong nakikita sa harap ng salamin

Alam mo ang ibig kong sabihin

Hindi ko na kailangan pang

Ipamukha sa iyo alam mo na ba

Na may isang datihan na ngayo'y nagbabalik

Kakaibang tunog ang kanyang inaasik

Siya ay si....

 

Repeat chorus

 

Outro (4x):

Ako si Gloc-9


OTHER LYRICS