Album

Lihim Ng Amo


Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
Producer: Blackleaf
2013

Verse 1:

Iniipon ng iba aking winawaldas

Papel sa palad dumudulas

Hindi mauubos parang namimitas

Palitan ng bago ang may gasgas

Naglalakihang bahay ako'y naka himlay

Sa bundok ng salapi takot lang nang sasabay

Komperatiba sa ilegal kong gawa

Mag lakas ka nang loob bukas wala ka nang hininga

Mamahaling kotse sa akin ay barya

Kaya pantasya mong babae baryang barya

Abot langit ang ginhawa ko di na kailangan pumanaw

Upang maibsan ang kahirapan mo

Humahakbang nang malaki

Bulong-bulongan sa tabi-tabi

Wag mo kong sisihin ba’t ganito ako kayabang

May pinagmulan ang bawat di sinadyang kasalanan

 

Chorus (2x):

Ssssshhh ... tahimik ako lang ang pwedeng mag ingay

Ssssshhh ... tahimik buhay mo’y nasa aking kamay

Ssssshhh ... tahimik ako lang ang pwedeng mag ingay

Ssssshhh ... tahimik buhay mo nasa aking kamay

 

Verse 2:

Ako ang siga at batas

Nag aabang ka lang sa labas

Aking alalay sakin naka salalay

Sa pag reklamo hinay-hinay

Ako ay pinuno nasusunod, nansusuway

Nilulublob ganun kasimple

Anong imposible sa kapangyarihan kong taglay

Lahat posible, nagtataka, may awa pa ba

Sa likwas na tulad kong di nag aalala

Nawawala pagka pantay-pantay

Pinalaki ng lahat ito ang hinihintay

Oh bakit ka umiiling di bat ika'y saksi sa pagbabago ng dating

Wag mo ko sisihin bat ganito ako kayabang

May pinagmulan ang bawat di sinadyang kasalanan

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Pinigilan ko pa rin naman silang mamuro

Subalit sobra na ang pang aabuso

Walang ginagawang mali may putok sa nguso

Napapag bubuntungan daliri sakin nakaturo

Naka yukong pumapasok walang naghahatid

Parehas na anak bakit may paboritong kapatid

Pinilit kong magpa ngiti nang mapa lapit

Harapan na ang latay kapit pag apat ay mahigpit

Walang lugar sa tahanan takbuhan ay kaibigan

Ngunit imbis kalingain ay pinag tatawanan

Lumalayo sama ng loob ang laruan

Paghihiganti natutunan saking nakaraan

Mula noon ipinangako kapag lumaki

Pagsisisihan tinuring akong walang silbi

Wag mo kong sabihan likas akong mayabang

Pag ibig ang dating akala sa kayamanan

 

Repeat chorus

 

Outro:

Manahimik ka sapagkat

Ako lang pwedeng mag ingay

Wala kang alam sa pinagdaan ko sa buhay



OTHER LYRICS

Thank Your Loved Ones

Thank Your Loved Ones
Soupherb
2020 Single

Indio (feat. Skad Misil, Black, & Plazma)

Illustrado
Illustrado
2017 Album

Usapang Kaibigan

The Impaler EP
Plazma
2017 Album

Just Listen

Just Listen
Peaceful Gemini
2017 Single

Alab Pilipinas

Alab Pilipinas
Droppout
2018 Single

FEATURED ARTICLES