Album

Gunita (feat. BLKD)


Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
Producer: Apoc
2013

Intro:

Ang pag gunita sa…

Ako nga pala si KJAH

Kasama ko dito ang aking kaibigan at

Meron lang kaming gusto ikwento

Pakinggan niyo to

 

Verse 1 (KJah):

Kamusta na meron na daw bang pagbabago

Oo pinapakinggan na tayo ng tao

Hindi na tulad dating ang panauhin ay hangin

Binibigkas sa kalawakan ang ating pasanin

Gusto nating marinig di ba

Pinangarap minsan ang ka grupo'y kumalas

Sumuko, lumisan, ikaw ang natira

Nagpakita ka ng tibay at mga nasa paligid mong

Hindi naniniwalang may taglay kang husay

Pinag aralang huminga sunod-sunod na pag buga

Tuwang-tuwa ka pag dating mo ay ang  dami nila

Nang ikaw ang sumampa para mag alay ng tula

Nagsilabasan nawala, nadismaya, at namutla

Di ka nag pa daig sa kaba itinuloy mo ang pagpapasiklab ng kanta

Sa pagbaba mo may bumati iyong napa mangha

Interesado sa iyong likha at ang pangalan niya ay Kiko

 

Chorus:

Muling nagbabalik

Muling nagbabalik

Muling nagbabalik

Muling nagbabalik

Ang pag gunita sa

Ang pag gunita sa

Ang pag gunita sa iyo

Muling nagbabalik

Muling nagbabalik

Muling nagbabalik ang pag tangkilik nila

 

Verse 2 (BLKD):

Buong buhay kang tapat na taga hanga

Taga subaybay ng mga gawa ng mga tala

Ang kanilang galing naging halimbawa

Natutong kalagan angking talinhaga

Nahasa nang naging abot hakbang ang entablado

Pagod panahon pagka’t tao ay tinaya mo

Laksang barang pandurog ng binuo mo

Hanggang sa makahanay mo na ang mga idolo mo

Bako-bako liko-liko ang landas pataas

Sa pag kaka bugbog na katas sa lakas

Kaya't paninindigan sa talino'y natanganan

Sa tanghalan tadtad nang tamad na talastasan

Ngayon may pamana ka nang dapat ipagpugay

Mga handog mong aral dapat isa buhay

Hindi pangarap na taga hanga'y magdasaan

Kundi ang gumabay sa mga bagong hahangaan

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (KJah):

Mga papuri na masarap pakinggan

Hanggang kailan may hangganan ang lahat walang magpakailanman

Wag kang manirahan sa ilusyon hindi mo masasama sa kabila

Gano man kamahal ang iyong koleksyon

May bagay na mamamalagi

Ang tangi mong pag aari ito ang pinagpaguran

Pinilit mong mangyari sabi nila’y di maari

Walang potensiyal umani sa mata nang karamihan

Nag mistula ka ‘sang hari

Ang gustong iparating ay nandirito na

Tapos na ang kompitensya ng pakiki una

Sunod na suliranin ay paano mo ba panghahawakan

Ang premyo’t hindi mawawala

Kung naisip mong hakbang ay  medyo alanganin

Ikansela ang lakad makinig na muna samin

Di hahayaang tuluyang tumamlay

Ingatan natin ang ating tagumpay

Kampay

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Usap Tayo

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Medisina

8:01 EP
Because
2017 Album

The Inkwell

Blue Scholars
Blue Scholars
2004 Album

Beyond Measure

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

Celebration

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

FEATURED ARTICLES