Rap Battle Verses

Target vs Badang


FlipTop presents: Unibersikulo
Various Emcees
2012

Round 1 (Badang):

Balita Target!

Balita ko lumaki na ulo mo at tumigas na rin ang iyong mukha

Kaya kung kayamanan ang tingin mo sa sarili mo eh bakit hindi natin ibaon sa lupa

Dahil basura ka, pero saan ba nabubuhay ang mga aso? Di ba sa basura?

Saan ba pwedeng mamatay ang mga tao? Di ba sa basura?

Lalo na sa basurang awitin mo, basurang pamumuhay mo, at sa basurang istilo mo

Kaya nga nag-segregate ako sa likod ng bahay namin Anygma dahil basura ang kalaban ko

Biruin mo inakala ng mga tao na kung gaano ka kagaling sa FlipTop ganun ka pala kabobo sa entablado

Nag-effort pa 'ko nung inakyat kita sa Baguio

Tapos isang sikat lang kinanta mo ‘Kaleidoscope World’, hindi pa sayo!

Nakakapanglumo parang si 2khelle at si Japormz mga abno

Tulad mo inaabangan ng mga tao

Excited yung mga fans mo pero nung nagrap na ang gago, nawalan na ng respeto ang mga tao

Alam mo kung ano sabi Anygma, si Target ba yan?

Bakit naman? Parang si Rey Langit kung mag-rap eh nakabatak ba yan?

Magaling pa daw yung front act ko kaysa dun sa main event kaya nagdagdag ako ng mga sexy girls para makahatak na lang

Kaso ang problema isa isang naglabasan at yung mga waitress at waiter na naiwan nagpalakpakan na lang

Kaya inisip na lang namin ng may-ari ng bar, sir lugi na tayo malamang game over na

Pero pinagpatuloy pa rin naming ang show kahit si Target sa kabaduyan ay over na, over

Kumakanta ng wala sa tono? Parang si Daddy Joe D, pekeng musikero

Peke peke, mga peke kayo

Hindi porket kumakanta kayo dito sa FlipTop, mga singer na kayo

Tandaan mo dito sa Flip battle madaling maging rapper, madaling maging tao pero mahirap magpakatao

Kaya hindi porket kalaban ko si Loonie mga tol, magkakalaban na rin tayo

Huwag kayong bobo, huwag pairalin ang kamangmangan

Dahil ang utak ko malaman malamang pero ang utak ang laman alamang

Naaalala mo pa ba nung birthday ko

Malulupit na rap artist ang guest ko maliban sayo

Smugglaz, Blaze N Kane, Mike Kosa mga free ang talent fee

Tapos babanatan mo ko mula las pinas to QC, 450 ang one-way mo sa taxi

Ang kapal ng mukha mo mabuti pa yung magagaling, understanding

Eh ikaw na tong supot kung mag-rap masyado pang demanding?

Eh pindehong asindero ka lang na tumatakaw pag nakakita ng kaldero

Ginugulangan ang mga kagrupo para maraming maimbak na tae sa inidoro

Sabagay marami ka nang maiimbak dahil lahat ng tao dito uupo sayo

Hindi mo na kailangan magtrabaho, magpaskil ka lang ng CR, lahat sila tatae sayo

At marami kang makuhang benefits tulad ng cholera, cancer, at dura ng may anemic

At kapag pabalik balik ka sa ospital ang tawag dun schedule mo, hectic

Wow! Busy’ng busy ka sa show at gamutan mo halos malibot mo ang buong Asya

Kasama mga DC Clan nagto-tour kayo gamit lamang Ambulansya

Dahil 50-50 na ang career mo kapag pinaglalamayan ka na ng mga umiidolo sayo

Kaya ang pangalang Target dito sa FlipTop duduraan ko!

Pwe! Pati yang titulo mo!

 

Round 1 (Target):

Alam mo Badang kesa labanan ka, mas gusto ko pang mag-Dota

Siningil kita ng TF kasi hindi tayo magtropa

At saka sa banat ko siguradong ika’y patay

Yung dala kong ulit na ambulansya, ikaw ang aking isasakay

Ito’y magsisilbing labanan ng isang Genin sa Hokage

Segunda manong kaalaman kontra primera klase

Lalamunin lang daw kita dami’ng saki’y nagsabi

Pero di kita lalamunin dahil di ako kumakain ng tae

Ayaw kitang labanan hindi ibig sabihin ay deadly ka kundi dahil leche ka

At mas generic ka pa sa gamot sa Generica

Kaya kahit mag mala-Bruce Lee o Jet Li ka

Pag sumaling sakin parang sumalang sa silya elektrika

Ako yung walang ka-replica sa bawat binibitaw bars

Kakaiba! Out of this world para kang naligaw sa Mars

Hindi na mage-evolve pa ang nalalaman mo sa larangang to

Darwin lang pangalan mo pero di ikaw si Charles!

Walang nakakuha diba?

At sa marahan kong tabig, ay taob tong walang katig, pati ang yong kapanalig ay kakabig sa pagpanig

Sayo bakas ko ang ligalig, bungkal sa aking kahig, ako'y malabong matigatig,

At ang layong ipahiwatig na pinatas kong malawig

Ang asamin na akoy gapiin, ay parang pagtakas sa iwahig

Kaya kung lalaliman ko Badang ay lahat nang yong kaalamang nakakapit ay mawalang bisa

Magmimistula kang mangmang sa paggamit ng pambansang wika

Sa aking pambanatang rima sa tigas para ng biga angas mo malamang tila

Sa mga barang na talagang siga at paglabas ng yong dila ay hahalik sa pagitan ng aking dalawang hita

Ngayon ka makakakita ng mga tugmang mas matalas pa sa bolo ang pagkapanday

Husay mo sa husay ko ay parang paa na may polio, hindi magpapantay

Mapa-freestyle, mapa-writtens mga bara mo kulang pa sa essence

Paano mo gugulangan ang mas magulang pa sa parents?

Mararanasan mo ngayon ay parang pelikula ni Nicholas Cage noon, Gone in 60 Seconds

 

Round 2 (Badang):

Kung makapagsalita ka akala mo wala kang baho

Eh nung nag-show ako nung August 25 sa Las Piñas sabi ng mga hip hop doon galit sayo

Lalo na yung babae na ang pangalan si Ms. Moy na ang sabi mo gagawa kayo ng raket

Ang sabi nya bakit? At ang sagot mo, basta maligo ka ako ang bahala sayo.

Ayos, ano yun? Gagawa kayo ng raket o raratratin mo sya?

Gagawa kayo ng pera o gagawa ka ng bata sa kanya?

Tapos sasabihin mo pogi ka, matalino ka? Malalim ako!

Putang ina! Chicks nga na maganda hindi ka makakuha

Target hindi papogian to

Hindi sana Fliptop ang sinalihan mo dapat Starstruck

Eh yung itsura mo naman parang Star Wars para kang gwardiya sa Starbucks

Masyado mong tinitignan yung kapangitan ng iba

Yung pagiging magnanakaw mo ba sa totoong buhay nakikita mo ba?

Lumabas ka lang sa yotube akala mo di ka galing sa Tugid?

Mamahalin nga yung sapatos pero ang laman ng loob eh may tubig

Babalik lahat ng mga tira mo sakin dahil para kang na-dublete

Hindi ka na makakapalag dahil para kang asong na-suplete

Pupulutanin lang kita dahil buti pa yung ginawa kong sisig merong utak

Samantalang yang bungo mo parang ilog pasig na ang laman ay puro burak

Kaya hindi basehan ang kapangitan sa katalinuhan kung bobo naman ang kalaban ko

Kaya kahit pangalan ko eh di ko ipagpapalit sa pangalan mo dahil magiging bobo lang ako

Pag lumipat ang pangalan mo sa pangalan ko

Mananatiling matigas malakas sa pinas ang pangalan kong badang, kukupas lang to kapag naging abo na ‘ko

Kaya kahit walang like at puro dislike ang mga laban ko sa FlipTop, wala akong pakialam sa mga saloobin ninyo

Ikaw halatang kita sa mukha mo na tarantado ka, di ba dati kang dancer?

Bumagsak ang career kaya ang bagsak mo naman ay jeepney driver

Na kapag puno na yung sasakyan, dinadala mo sa dilim dahil kakuntsaba mo yung holdaper

Di ba ganyan ang ginawa mo kay Zaito? Wala na ngang magandang trabaho yung tao tapos yung TF nya inyo pang nilamangan

Iyan ba pinapakain mo sa pamilya mo galing sa nakaw para ang tyan mo magkalaman?

Mahiya ka naman, gusto mo ibili kit ang budget meal

Dahil sa sobrang gutom mo nilagay mo sa special skills J Skeel

Skills ba yun? Eh Pangalan ng tao yun!

Kapag sinabi na bang sex sa biodata, kantutan yun?

Saan ka ba galing Target bakit napakatalino mo?

Alam mo na nga mabaho ang tae eh bakit pilit inaamoy mo?

Kapag sinabi ko palang bawal tumawid may namatay na, tatawid ka?

Pag sinabi ko palang wag mo dilaan yang pwet ni Anygma may tae yan katatae lang, didila ka?

Wow ha malandi kang hayop ka

Kumbaga sa babaeng wala pang regla may tulo ka na

Katorse anyos ka pa lang bruha ka may sugar daddy ka na

Aba Target mabangis ka hindi ka lang matinik, malansa pa

 

Round 2 (Target):

Yun na yun? Todo na? Wala na? Wala na Badang?

Pangalan mo, B-A-D-A-N-G; Bagong Aliping Dugyot Ang Nalalamang Galing

Pangalan mo bakit di mo na lang ginawang bagang o bading?

O Balong? O badong? At dahil D, Darwin pwedeng Diegong Bayong

Tapos PDEA-PDEA ka pang nalalaman, well that’s insanity

Walang PDEA samin dahil sa hip hop community, DC Clan at Shots Fired ang Corleone Family

I’m gonna say this with clarity at ito mas malakas pa sa punchline

Nakuha nya pang ipagmalaki na tinira sya ni Loonie at ni Gloc 9

“Tinira ako ni Loonie, Tinira ako ni Gloc 9” Ano yun? Ano yun?

Bobo ka, yung kaalaman mo dapat iridicule

At ang pinagmulan ng iyong galit, one thing I’m pretty sure

Kung si Aklas may dayalekto ng insekto,

Si Badang may gamot sa insekto, sa English Insect Cure!

Sa mga dunong na hindi pure walang pwedeng sumalba

Magdamag ka man’g umalma, kahit umatungal ka sa akin supal ka

Lagi ka’ng nakapalibot sa titing supot kasi kupal ka

At naaalala mo pa ba nung ika’y nakitira kala 3rd Floor Man? O yung tinatawag niyong pilay?

Tatlong buwan ka daw dun mahigit tumira sa kanilang bahay pero wala ka ni singkong binigay

Parang sa pang-aabuso ng kabutihan ng tao ay nasanay ka

Tapos ayaw mo pa daw umalis kung di ka pinalayas ng nanay nya

Ikaw yung literal na mababa ang pagkatao, low life

At nagtatanghal na mukhang pitbull na aso, show type

Gago bawat digma ko lumalabas ang wanna be

At ang tanging rason bakit di kita binabaon, dahil kapatid ka sa labas ni Andy G

Mabigat pamilya mo, hindi kayang i-LBC?

At madami daw siyang koneksyon, ano ka PLDT?

Mukha kang unano na E.T. at ang lakas mo pa manlait

Ewan ko ba dito bakit napakahambog, yung hulma ng ilong mo parang palapa ng niyog

Ako yung naging bantog sa paglapat ng datos

At bago mo to matapos Badang walang kamandag ang Marikina, ang meron dun sapatos!

 

Round 3 (Badang):

Sigaw raw sya

Dito wag kang magpapabango

Alam mo kung bakit nakulong to? Nagnakaw ng pabango!

Pero totoo yan sa Uniwide Mall, mamaya ilalahad natin yan!

Balewala ang mga ratsada at patutsada mo kung kutsara lang ang sandata mo

At hindi na uubra ang ang amo ng muchacha kung cha-cha o charter change lang pinaglalaban mo

Ano ba sinusulong mo dito? Titi mo?

At ano ba ang misyon mo dito sa FlipTop bakit lumalaban ka?

Aaah baka medical mission to kaya samin nagpapakilala ka?

Ano to? Tatakbo kang Tong-ressman at Kapitang Betlog?

O gusto mong patakbuhin kitang nakatalikod saka kita babarilin sa likod?

Tatadtarin kita ng tamod ko hanggang sa tumungo ka palabas

Huwag kang pangahas ungas, maangas ka lang pag ang titi mo nakataas

Kaya bago pa umuatake ang kamanyakan mo

Dito pa lang sa FlipTop papalagari ko na yang titi mo

Para hindi ka na makapanggahasa ng tao dahil hindi mo na kailangan magpasuso

Dahil sinususo mo ang sarili mo

Dahil ang susuhin ang babae ay hindi mo pa naranas

Pero ang magpakantot sap wet madalas noon kaya lagi kang may almoranas

Sinabi yan ni Mandy Mac kaya yung tumbong mo ipapakain ko sayo dahil yung kayabangan mo nakatali sayo

Yung naligo ka ba sa dagat, kuryente ba ng dikya ang nakadali sayo?

Kaya natuyo ang utak mo, hangin na lang ang laman at wala ng mga pyesa

Kitang kita na lang sa mukha mo yung mga kupal na eksena

Kaya kahit walang media o press hindi ko na kailangan magpa-impress

Dahil pagkatapos ng lahat ng laban na to mamamatay kang depress

Pero kung ayaw mong ma-stress kumain ka ng matris

Ng isang matandang mistress na nagnanana yung breast  

Agree ka ba sa tigre mo kung tigre naman ang kalaban mo?

Inosente ka lang, estudyante ka lang, pahinante ka lang ng amo mo

Huwag mong ipilit ang mga pilit na mga banat mo baka napipilitan ka

Huwag mong subukan ang subok na baka maprovoke ka, sa titi ko mapasubo ka

Kaso sa iba ka napasubo

Di ba kawatan ka? Nagnakaw ka ng pabango sa Uniwide Mall

Ikinalat ang picture nya sa buong Las Piñas hanggang nakarating sa city hall

Totoo yan, totoo yan

Kaso nagbayad ka, ang problema walang umasikaso ng kaso ng ba kaya binasura nila

Kaya tandaan nyo pagmumukha na to, magaling lang ‘to mag-FlipTop pero sa totoong buhay magnanakaw ka

Magnanakaw ka! Magnanakaw ka! Target magnanakaw ka! Putang ina ka!

Anygma mag-ingat ka baka mabiktima ka

Hoy katotohanan to, hindi ko to sinulat para ikaw ay mababoy

Nanggaling to sa mga tropa ko sa Las Piñas na ang pangalan ay si Makoy

Hindi ko mahanap eh!

 

Round 3 (Target):

Sige magbitaw ka ng mga chismis

Yung mga kupal na rapper sa Las Piñas na aking pinagpapatay sa pangdi-diss

Nanggaling sa kanilang lahat yun alam ko

Pwede, pwede niyong paniwalaan o hindi

Aaah bahala na kayo

Alam mo badang ang labanan ka parang walang silbi, wala akong mapapala

Pero nilabanan pa rin kita because people want this

At upang ipakita sa kanila na isa ka na nasa ‘wack list’

Kaya kung feeling mo magka-level na tayo, faggot mark this!

Ginamit lang kita para mag-ensayo, target practice

Mga bara mo magagaspang na parang galapong

Ngayon ibubulgar ko sa kanila na tanga ka Badong

Saan daw nanggagaling yung talino ko? Minsan siya’y nagtanong

Sabi ko it’s in my genes, si gago hinanap sa maong!

Gunggong, anak ka ng atup, sa balatkayo ako ang tatalop

Kailanman sa mga impostor ako’y hindi magpapasakop

Tinawag siyang beterano, nagalit si gago

Sabi nya, “Tang ina niyo! Hindi ako doctor ng mga hayop!”

Totoo tong sinasabe ko, hindi tulad ng sinasabi mo, animation

Hindi kita bina-battle, this is fucking termination na may fuck you and exclamation

Sa ‘yong husay walang tunay parang kwento ni Jason

Sunog ang bara mong walang buhay, ang tawag dito... cremation

At ubusin ang hangal sa Fliptop ang aking duty

Huwag ka nang magpa-beauty Badang sakin hindi ka juicy

Upang wala ng emcee na pussy at newbie na parang niraratrat ko lang ng uzi

Anygma pakiusap, ilabas mo si Loonie!

Pagkatay ko sayo ngayon bukas iyon ang trending

Para kang nakipaglaban kay Kenshin ng fencing

Tugma ko’y dikit dikit na parang naka-welding

Ang tinayaan ko ay 6-1 dahil alam ko na ang ending!



OTHER LYRICS

Bring Dat Booty

Mastaplann
Mastaplann
1993 Album

Diwata (feat. Chito Miranda)

Abra
Abra
2014 Album

Back Home

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Bago Ang Lahat (feat. Ron Henley & Kat Alano)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

DEXTER'S TRAP

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

FEATURED ARTICLES