Single

Dapat Tama (feat. Denise Barbacena)


Dapat Tama
Gloc-9
2012

Chorus:

Dahil sa dulo bawal ang kakamot-kamot

Sa katanungang harap-harapang iaabot

Sinong pinili pag ang tinta ay humalik

Sa daliring siyang ginamit at nagturo

Nawala ay maibalik, dapat tama

 

Verse 1:

Alam natin ang tama ba’t di natin ginagawa

Paulit-ulit nalang na ito ang bagong nagsimula

Simula nang simula bakit walang natatapos

Atras abante lagi pudpod nang swelas ng sapatos

Ilang beses nangako ilang beses napako

Bat di natin subukan na tulungan at umako

Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan

Pag tayo’y nagsama-sama lahat ay malalampasan

May mas maayos na bukas para sating mga anak

Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak

Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto

Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo

Nanggigigil mong itigil ang pagsisi sa sutil

Na nasa pwestong di ka na kilala kapag siningil

Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal

kung di tayo kombinsido wag na nating ihalal

 

Repeat chorus

 

Post-chorus 1 (2x):

Sa isip at sa salita, dapat tama

Lalong lalo na sa gawa, dapat tama

Sama-sama nating itama ang mali

Nang ang bayan nati’y makabangon muli, dapat tama

 

Post-chorus 2 (2x):

Itama natin ang gabay huwag na tayong magreklamo

Itaas ang kamay ng gusto ang pag-asenso

Balikat na magkaakbay hinding hindi tayo susuko

Malalakas na boses sabay-sabay mangako

 

Verse 2:

Kung walang magpapaloko wala nang manloloko

Ang mga botanteng Pilipino ay di mga bobo

Lumiyab pag madilim ituwid ang tiwali

Hindi ganon kasimple 'to di kailangang magmadali

Ang tiwalang inagaw sa taong maneng-mane

Kahit saan nating pilitn na tingna'y maling-mali

Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy

Kahit ano pang iharang ay tumuloy nang tumuloy

Pagdating ng eleksyon, ito ang dapat na panata

Isulat kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama

At sa araw na napakabihira lang dumaan

Dapat sa may katuturan

Huwag kang mag-aalangan na hawakan

Ang lubid na siyang nagsisilbing tulay

Gisingin natin ang tulog tuluy-tuloy na mag-ingay

Nang malaman ng lahat sumigaw sabay-sabay

Kinabukasan ng bayan ay nasa ating mga kamay

 

Repeat chorus and post-chorus 1



OTHER LYRICS

Yeah Yeah

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

War and Whispers (feat. Nat of Dante & Amigo)

Isang Libong Taon
8th Messenger & Six The Northstar
2021 Album

Heist

Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020 Album

1nthrow

Shanti Dope
Shanti Dope
2017 Album

Manilab

Ikugan
Calix
2018 Album

FEATURED ARTICLES