Album

Pangarap (feat. Raimund Marasigan)


Matrikula
Gloc-9
2009

Verse 1:

Ito'y isang awiting aking sinulat

Nang sa gayon kayo ay aking mamulat uh

At makilala ang

Isang makata na

Mula sa Rizal ako ay isang bata na

Merong pinapangarap

Kay tagal kong hinanap

Kay tagal kong hinabol

Kay tagal kong niyakap

Ang aking pagkakataong

Marinig, nalagay

Ang boses ko sa cd

Na bili ng

Libo libong katao

Ang lahat ng tula ko

Letrang kinabisado

Pag-kakanta'y kabado

Palad na malamig

Medyo nanginginig

Hirap sa paghinga

Parang sumisikip

Ganyan palagi pag hawak ay mikropono

Isipin mo, yan ay totoo

Kahit ako'y isang makatang bihasa

Kaibigan isa lamang ang aking ginawa kaya

 

Chorus:

Mangarap ka...

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap nang mataas

Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas

(Sayo'y magtiwala ka)

Mangarap ka...

Kung ikaw ay mangangarap, mangarap nang mataas

Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas

(Bukas ay naroon ka na)

 

Verse 2:

Binabayaran nga sa tuwing ako'y aawit ng tula

Pero bakit kulang, parang lumunok ka ng dura

Malalakas mangutya, makakapal ang mukha

Dinaanan ko na parang nagmumog ka ng tuba

Ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura

Dito ko pinagpalit ang pag-aaral teka muna yan ang sabi ko

Dahil gusto kong maging sikat

Usap-usapan parang makabagong alamat

Pero akala ng iba, ito ay madali

Pakinggan mo ako pare wag kang mag madali

Naranasan mo na ba sayo'y walang kumakamay

Kasama ka sa motorcade pero walang kumakaway

Para kang gago, mikropono'y laging dispalehado

Tumatalon na cd, sira na entablado

Di ka pinapansin kasi di ka makakanta

Pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya

 

Repeat Chorus

 

Verse 3:

Labing isang taon

Ang sa akin ay lumipas

Ngayon ay masasabi kong

Matamis nga ang ubas

Hindi ako doktor, lalong hindi piloto

Pero dahil saking dula ay nasa eropalano

Salamat sa bato, bakal, kahoy sa dingding

Parangal para ang aking pangalan ay magningning

Pero sakin may isang batang lalaki at babaeng na nag-aabang

Kung meron akong maipapadede't maipapakain

Kanilang kinabukasan ay aking sisiguraduhin

Ang masagana ay aabutin, bagamat ako'y isang

Kilalang, nilalang minabuti kong ako ay mag-aral nalang

Tatapusin ko ang kurso nasaki'y maghahatid ng tagumpay

Na parang meron akong bakal sa dibdib

Hindi tinatablan, isipin mo naman

Kahit sumikat man o malaos may masasandalan

Sinasabi nila ako ang pinakamagaling, pinakamabilis, at iba'y walang dating

Ibang klase kung sumulat, para kang kinakausap

Pag merong bubuhatin ako lang ang makakabuhat

Nagbabago ng tingin sa mga makatang pinoy

Pagmadilim may sumusulat ng letrang nag-aapoy

Tatanggapin ko yan ng buong karangalan

Kung ako ang siyang umawit ng mga kababayan

(Mga kababayan)

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Youth Water

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

Liwanag

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Shabugg

Hendrix EP
Abra
2018 Album

Masarap (feat. G V N D V L X C X X X $)

The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017 Album

MANHID

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

FEATURED ARTICLES