Album

Bahala Na (feat. Moymoy Palaboy, Sisa of Crazy As Pinoy, and Biboy of Queso)


Matrikula
Gloc-9
2009

Chorus:

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

 

Verse 1:

Akalain mo nga naman

Dahil ako nanaman ang

Babanat sa mic na to

Sige sumakay ka sa bike na to ang tulang ito'y

Hinahandog sa mga ka-chokaran kong

Palaging talo

Sa mga laro ng buhay

Gusto mo ng chicken pagtingn mo gulay

Malunggay na hinaluan ng tuyong tira

Pagkatapos mong kumain ay walang tinga

Paghinatulan ay di ka pwedeng umapila

Birthday mo pala bakit di ka kinumbida?

Ang panget mo! Yan ang sinasabi sayo ng nanay mo!

Mga kapatid na palagi kang ginugulpi

Bumbilya mo na laging pundi

Niligawan ang klasmeyt mo

Pag nilalapitan ang sinasabi niya sayo "pwe!"

Ngayon ang enrollment niyo

Humingi ka ng pera sabi ng itay mo "che!"

Pagnamamasyal laging luneta

Aparador mo na lumang maleta

Mga damit na walang etiketa

Buhay na parang isang roleta

Ng kapalaran palaging bokya

Kamote na hindi maka kopya

Sa teacher na paraing si Miss Tapia

Ang grade mo ay parang lumang hopya

Di bale na ganayan lang talaga ang buhay

Parang damit sa tindahan na ukay ukay

Ano man ang ating gawin

Kapalaran nati'y haharapin tara!

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Tumaya ka sa lotto nanalo ka

Di mo pa dinidigahan sinagot ka na

Lahat ng mga bagong kotse meron ka na

Pati alahas na masakit sa mata

At mabigat sa braso di pwet ng baso

Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo

Damit na bagong bili ginawang retaso

Madalas ka pa sa banko kaysa sa banyo

Sa dami ng pera mo gamit na wallet ay bag hoy

Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy

Malakas ang dating kasi naman ang mukha mo'y

Parang isang piraso ng inukit na kahoy

Tinawagan mo pa lang tanggap ka na

Pasado ka sa test sa isang kisap mata

Ano unang araw ng trabaho boss ka na

Laging nakaupo may taga utos ka pa

Kinunan ka ng picture akala mo'y

Hindi ka naka video pero karakas mo'y

Nagkalat na sa youtube kaya ngayo'y

Sikat na para ding Moymoy Palaboy

Paborito ka ng teacher mo

Laging orig ang mga t-shirt mo

Kahit saang lupalop ka pumunta

Ay lagi kang naka hatid sundo

Tingnan mo sundan mo ang lahat

Ng mga inuutos ko

Yan ang palagi mong sinasabi pare

Daig mo pa nga ang pangulo

Ng barangay hall kaso lang narinig

Mong biglang tumilaok ang manok

Panaginip lang pala pano yan tanghali ka na

Nagmamadali kang bumangon kaso lamang nabagok

Napakanta na lang

 

Bridge:

Di lamang ikaw ang may dinadala

Tumingin ka sa paligid nariyan lang, nariyan lang

 

Chorus:

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya bahala na



OTHER LYRICS

Wvlvng Bvgx (feat. Calix)

Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
2017 Album

Umaga

Umaga
Rambling Man
2015 Single

Loonie vs Zaito

FlipTop presents: Ahon
Various Emcees
2010 Rap Battle Verses

Atik Laham (feat. Wency Cornejo)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Torpedo (feat. JP Cuison)

Diploma
Gloc-9
2007 Album

FEATURED ARTICLES