Album

Martilyo (feat. Letter Day Story)


Matrikula
Gloc-9
2009

Dex:

Dito sa amin kung san nanggaling

Mga makatang ulam at kanin

Lamang ang bayad pero pumapayag

Upang masubukan at mapatunayan

Lagi mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

Huwag mong palalampasin ang pagkakataon

Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

 

Gloc-9:

Narito nang muli ang isang taong

Di nag atubili na aking mabago ang

Yong pag tingin sa mga taong humahawak ng

Mikropono kahit maputik ay humahakbang

Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak

Bawat tunog ng palakpak saki'y tumatatak

Pero di tumataas aking mga paa

Nakatungtong sa lupa dahil alam ko na

Ako'y nasa Pinas may pila sa bigas

Ilan lang ang sikat na bulsa'y di butas

Para di mautas dapat ay matigas

Ang yong mukha kahit pano'y matikman ang

Katas ng ubas ang problema'y lutas

May maayos na tela maong hindi kupas

Ang sabi mo sakin ay hindi ko na makakaya

Pang habulin mga pangarap

Ay ipunin at pagkatapos ay higupin

Higupin nang higupin

Parang baso na may yelo

Ilan pa bang salita ang dapat kong banggitin

Na laging bumobwelo

Bueno

Yaman din lamang na kayo'y narito na

Sige pakinggan ang bagong nasulat kong

Kanta, hoy!

 

Dex:

Lagi mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

Huwag mong palalampasin ang pagkakataon

Kailangang pukpukin ang pako para bumaon

Hindi mo kayang pigilan

Hindi mo kayang galusan

Ang puso kong balot ng bakal

Na patuloy (patuloy)

Sa pag tibok

 

Gloc-9:

Humihinga kahit amoy bulok

Walang tigil sa pag subok

Kahit parang gabuhok

Lang ang posibilidad

Mula sa murang edad

Sa pawis laging babad

Kumakayod sa siyudad

Akinse o atrenta

Kilo o delata

Kanin na mas mura pa

Ang CD na pirata

Ng bata na si Pollisco

Si Gloc ba kamo mismo

Bawat plema ng pangungutya ay tiniis ko

Listo pa rin kahit na inaantok

Baka may mapanaginipan akong kanta na patok

Sa masa na para bang ito'y nag sisilbing pang lunas

Di maalis parang sibuyas kahit na ika'y mag

Hugas ng kamay

Gamit ang baretang sabon ni inay

Bawat salitang ginagamit ang isip mo'y tinatangay

Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago

Kapag pinalo ng martilyo lulubog ang pako (ang pako)

 

Dex:

Dito sa amin kung san nanggaling

Mga makatang ulam at kanin

Lamang ang bayad pero pumapayag

Upang masubukan at mapatunayan

Lagi mong tatandaan

Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo

Huwag mong palalampasin ang

Pagkakataon

Kailangang pukpokin ang pako para bumaon



OTHER LYRICS

Alab Pilipinas

Alab Pilipinas
Droppout
2018 Single

LoveSick (feat. Esseca)

LoveSick
E-Kove
2019 Single

Pinakakupal

Kupal Mixtape
Exclusive
2018 Album

The Lost Art of Throwback

Expansion Pack
Shadow Moses
2016 Album

Momay

Momay
Juan Thugs N’ Harmony
2009 Single

FEATURED ARTICLES