BLKD vs Apekz


FlipTop: Unibersikulo (Dos Por Dos Finals)
BLKD and Apekz
2012

BLKD:

Ito na ang pagbabalik at ang pagpapaumanhin kong matino

Ang labang to ay alay ko sa lahat ng aking nabigo

Marami pa akong ipagkakamali kasi nga bago lang

Minsan nga Parang Tanga Lang, kasi nga Tao Lang

Pero hindi ko ipinagluksa, pinag-aralan ko ang kahapon

Wala yan sa baba ng pagkadapa, kundi sa taas ng pagbangon

Kaya naman sa labang to, alam niyong B stays high

Parang first 5 letters lang ng apelyido niya, you'll see A die

Ano Pekz kaya pa? Baka napasubo ka lang?

Chini-check ko lang baka gusto niyng sumuko na lang

Kasi tong pagbigkas kong banayad sa kanya intense na to

Kahit magbench press pa, di na lalakas tong Pekz na to

Kung ano ka nung Ahon, ganyan ka pa rin sa battle ring

Ikaw lang ang peksman na hindi promising

Kaya sa paglalayag ng lirisismo sa FlipTop, ito ang best anchor

Dahil ang Ape na to kahit may KZ sa pangalan, walang X-Factor

Palibhasa kuntento ka na sa tsismis at kakornihan, kalidad hindi tumataas

Ako kahit pilitin ko magpaka-corny, teknikal ang lumalabas

Sample

Pang-short time lang ba yung jowa mo o siya na ba yung pang-kasal?

Sa dami mo kasing babae, parang bagsak presyo ng laman

Pilyo ka lang talaga, kalibuga’y inaksyon mo

Tuloy hindi mo mabanlawan ang matsa sa relasyon niyo

Ano daw? Ang sabi ko

Pang-short time lang ba yung jowa mo ocean na ba yung pang-kasal?

Sa dami mo kasing babae, parang sail ng laman

Naughty ka lang (nautical) talaga, kalibuga’y inaksyon mo

Tuloy hindi mo ma-rinse (marines), ang mantsa sa relasyon niyo

Tamo hanggang freestyle ka lang, lalim ko karagatan to

Kaya kahit seaman ka pa, lulubog ka sa barko

Kaya kung anong lamang ko sayo, huwag mo nang itanong

Pagka't walang nagbago sa istilo mong de kahon

Kaya papano tatama yang torpedo mo? Eh ang slow mo

Pag bars ko nag-overdrive, iwan yang jokes mo

Kaya sige kayo na ang humusga, Bars over Jokes o Jokes over Bars?

Sa totoo lang hindi dapat yan ang pagbanggain natin

May maganda’t pangit sa pareho, ang husgahan pagkamalikhain

Hindi ako kontra sa komedyante, kontra ako sa komedyanteng pabaya

Hindi na nga seryoso ang banat, seryosohin mo naman ang pagkatha

Dahil oo, ako’y natatawa sa istilo mong nakakatawa

Pero di ako natutuwa, kasi nakakatanga

Napag-iwanan ka na sadyang mabagal ang pag-usad

Napag-iwanan ka na, sa pag-angat napakakupad

Napag-iwanan ka na, di ka gumagapang pa-ahon

Ito yata yung nabili ni Abrang kakuwentuhang pagong

And speaking of Abra, nagdevelop na ang relasyon niyong dalawa

Dati contemporaries kayo ngayon groupie ka na lang nya

Kung makadikit ka kasi kay Abra, parang Stan lang

Tuloy kahit hindi siya sharpshooter, natsi-tsismis na Mark’s man 

Pero ito atin-atin lang, bukod sa sustento nya sayong pang-halaman mo

Ilang punchlines ang binigay nya sayo para sa labang to?

Kung sabagay quits lang naman, sa gigs kasi ni Abra ito ang dakilang hypeman

Ito sya oh, "Itaas ang inyong gamit, sakin nyo na ilapit, gagawin kong topic"

Itaas ang inyong gamit, Sakin…", pweh

Natuto ka lang magfreestyle akala mo kasing-galing mo na si SuperNatural?

Eh freestyle mo aral, sa kanya super natural

Tapos haharap ka sa tulad ko na ang pagiging super, natural

Pagkatanggal ko ng kaluluwa mo yun ang supernatural

Simpleng pang-contest ka lang naman dati, na ngayon sa EOW nag-kampyon

Ang ibig lang sabihin nun, simpleng pang-contest ka pa rin ngayon

Kaya pasensya tol, aking tagong galing ngayong gabi sayo naikahon

Mga panira mo’y waring katol na inabo nyaring dragon

Purong gulo ang dulot ng pagsugod ng lunod sa ethanol

Parang nagpang-abot ang hip-hopper at rakista noon sa Megamall

Ganito ang tagpo pag nagpalaliman yung balde’t balon

Parang nakilaban ng patigasan ang espasol kay Megatron

Makapangyarihan at makatwiran ang aming tahol sa megaphone

Kayang baligtarin ang tatsulok at ibagsak ang pentagon

Alam kong titirahin nya ang aktibismo ko, syempre, as if ito’y kapintasan

Pagtatawanan ang pagrarally, sabik naman sa pakinabang

Pwes pasensya ka na ha kung di ako tulad mo na ang buhay eh umiikot lang sa laughter at pikunan

Ang pangunahin ko kasing kabattle ay ang kanser ng lipunan

Kaya sa loob at labas ng FlipTop, alam nyo kung sino ang tunay at palaban

Baon ang utak na mataba, sa utak na malaman

Kaya nga yung Panaginip ng Alikabok ay propesiya ni Aklas

Sa gabing tong inuunos kita, kaya saktong dream match mo to at pinupulbos kita

Nung laban nyo, buong Batch 1, batong-bato sa mga linya mong sinuka

Daig pa naming ang naiputan ng Adarna habang katitigan si Medusa

Ako mas madalas pa akong i-quote sa tinitipid na canvas

Di ko na kailangang maging 'sing tulin ni Smugglaz

Pagka't sadyang mabigat mga bara ng pantas

Tuwing ako’y nagrarap nangangalay si Atlas

Bumaba lang ako sa hanay nyo galing Olympus

Nag-introduce ng apoy parang si Prometheus

Tapang at lakas Hercules ang pakikipagbuno

Siniksik kong enerhiya ng uniberso sa aking berso kaya mala Big Bang ang kulo

Markado na ang kalendaryo, handa na ang kapilya

Ngayon ang burol ng ulo mong puno ng marka pinya

At ang mga labi niya markang dugo lang sa ground

I made every diss count to bring Mark down

Hands down, ako’y guro na ika’y mag-aaral pa

Binigyan kita ng palakol kaya bagsak na Mark ka

 

Apekz:

Alam nyo na ba talaga ang pangalan neto?

Siya si BLKD, B-L-K-D, binalasubas ni Loonie, kinaladkad ni Dello

Walong buwan kang walang laban, ngayon bumalik ka na

Dati tsinelas lang suot mo, ngyon grumadweyt ka lang nagkasapatos ka na

College ka na lahat lahat wala ka pa ring natitikmang kepyas, tangina para sakin ang lala nun

Sinabihan mo pang virgin si Krack, tangina mo ikaw nga yun

Kaya ang hobby mo mag-dyakol tignan mo yang palad mo, kapal na ng kalyo mo dyan lintik

Pag naliligo to sa banyo may bitbit pa na dyaryo na tiktik

42 times a day ka pa mag-dyakol, ,uta masama yan sa health

Habang nagdyadyakol ang soundtrip nya, All by Myself

Pero pagtungtong daw ng 2012, hindi na daw sya virgin

Naks pare congrats, tuwang tuwa na yan

Kinuwento niya pa sa tatay nya, eh di tatay niya naluluha naman

Sabi nung tatay nya: anak proud ako sayo ang lupit mo

Sabi naman niya: Tay talaga proud ka saken? Penge naman ng pulbo kasi ang sakit ng pwet ko

Ano sa tingin mo magpapatawa lang ako rito? Tangina ipaparanas ko sayo ang ibig sabihin ng cruelty

Rap skills mo hindi pa nakakalagpas ng puberty

Ikaw CD ako USB, ikaw boxing ako UFC

Tandaan mo pang-acapella ka lang, amateur ka, wala kang sinabi sa True Emcee

Bibilib lang ako sayo pag sumali ka ng emcee challenge at magchampion ka

So malabo na biglaan ka dun na sasabak

Tangina sa grab bag pa lang laglag ka na kaagad

Di mo kasi kayang mag on-the-spot parehas lang kayo ni Kamandag na ang layo ng mga sinasabi

Para wala ka na masabi ang gusto ko lang masabi ay matulad ka kay Deadpool

Hanggang mawalan ka na ng labi

Kung freestyle battle to na may beat knockout ka na pare

Madalas ka naming ayain ni Abra sa cypher pero nagba-backout ka palage

Wala kang kwenta tulad ng pinaglalaban mo sa welga puro ka lamang ingay

Ang gusto mo malalim pero di ka naman sanay mag-freestyle

Kaya pano naging matibay ang salot na yan? Papano ba yan? Madali ka lang lusutan

Hindi ka Great Wall BLKD, bakod ka lang

Ang lakas ng loob mo labanan si Loonie talo naman

Nung nag-choke yung tao na yan, nangulangot na lang

At bakit ba dismayado yang itsura mo nung laban na yun pagkatapos?

Dahil ba hindi ka naturuan ni Nothingelse ng maayos?

Teacher mo si Nothingelse na tropa ni Anygma, nagkataon na malupit silang dalawa

At kaya mo lang naman nalabanan sila Loonie at Dello ay dahil todo request ka sa kanya

Tangina ka, mulat na ko sa ganitong bagay habang minumuta ka pa nun

Kupas ka na BLKD, parang lumang pantalon

Madali lang ako mag-alburoto parang nagulat na dragon

Sunod-sunuran ka kay Nothingelse at daling maalon, ang napala mo ngayon?

Bagay nga sayo magpaka-underdog kasi tuta ka ng AMPON

Magaling ka daw sa klase, sabi ng mga bobo mong kaklase

Ang paboritong subject Math, tangina kaya ang sabi kada taon inuulit mo yun palage

Pag gumagawa kang assignment napakabilis nang sa ganun makagala ka kaagad ng maaga sa Libis

Tuwang tuwa sa mga kaganapan kaso nainis bigla kasing nagtext yung nanay nya: anak umuwi ka nang alas-diyes

Teka may curfew ka pa pala, bulbulin ka na

Pag may laban ka sa Fliptop, hatid sundo ka pa

At sa lahat ng aktibista ikaw lang ang kakaiba

Puta nagra-rally oh sya lang mag-isa

Pumunta sa may Ayala tapos sa tapat ng Jollibee um-entry

May dala-dalang placards, dagdagan daw ng sauce yung spaghetti

Tumal, pati pagkain nirereklamo

Pag-uwi ng bahay nagsubmit pa ng complaint letter sa senado

Sabi nya Libreng softdrinks para sa masa parang awa niyo na

Ibaba ang presyo ng 39ers, ang kapal ng mukha

Poser na raliyista, peke ang puta

Paborito nya daw na bayani, General Luna

Akala niya katipunan yung sentinel pag naglalaro siya ng DOTA

Si Shehyee may Maria Clara, ikaw may Tandang Sora

At kahit hindi na ako magpatawa BLKD, panis ka pa rin sa palalimang pagalingan ng letra

Puki ng ina ka puro ka lang wento wala rin naman wenta

Puro ka acapella subukan mo nama’g may beat at may mga bagay na topic sa lamesa

Natuto ka lang mag-rap sa iskwela, sa kalye pa lang marami na akong napagdaanang giyera

Ang mga salita ko nagsilbing patalim na lanseta

Nananagasa na parang bus na ginawang pang-karera

Hindi bababa ang takbo sa tersera

Pag tinodo mo mas mabilis pa kay Sonic sa Sega

Tangina mas marami pang namatay kay Apekz  kaysa dun sa tawiran sa EDSA.

Nung unang Ahon, isa ka lang Fanboy, kaya pano mo masasabing ikaw ay ubod ng lupit?

Ayaw mo sa mga komedyante, pero nakikitawa ka rin kapag may laban na makulit

Oo tumatak sa tao yang salamin mo at mataas mo na gupit

Yun nga lang nag-trending ka lang saglit, pero ngayon laos ka na ulit

Kaya huwag mo ko yayabangan na meron ka na narating, wala kang dating

Huwag ka nang bumattle mag-judge ka na lang, dun ka lang magaling

At maalala ko nga pala dahil kay Smugglaz nalaman ko na palpak ka

Diba taga Naic ka eh di matapang ka, mahilig sa away yun pala lampa

Ikaw si BLKD pero ngayon baka ikahiya niya na ang sariling pangalan niya

Kitang kita sa video na hindi man lang naharangan ng balakid si Smugglaz nung nalaglag sya

Gawa ka lang sa kahoy at tagpi tagping yero, walang tibay ang balakid kasi bobo ang nag-karpintero

Sabihin na natin na seryoso ka sakin pero paglalaruan ko lamang ang Balakid na to, patintero

Idol ka ng iba, naglalalim-laliman ka pa gago para kang tanga

Isip batang hinahangaan niyong balakid, magaling lang sa harangang daga

Nililinlang mo lang ang mga tao para kang long hair na bayot

Wala kang killer instinct, wala ba diyan kahit konting panakot

Si Apekz ako at si BLKD ka lang, kaya hindi mo ako maaabot kahit magdoble sa kayod

Isa kang mababang uri ng nilalang, BLKD madali ka lang lampasan, Ober da bakod

SEE ALSO

Latest Article

8 Best Style Clashes During The Pandemic Era

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Ballin N Tha Hood
Single
Paul N Ballin
2021
Second Chapter
Bayani
Blue Scholars
2007
In My City
Single
aero.
2010
Saucin’
Failing Forward
Curtismith (feat. Frank SVG)
2016
SWAY
DETOUR
Delinquent Society
2018