Album

Nvwvwvlv (feat. RVRD)


Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
Producer: Tatz Maven
2017

Ce$ar Montana:

Minsan na lang tayo magkita away pa

Di ko masingit ang pagibig sa mga salita

Bangayan dito bagay noon

Di na alam ang paroroonan

Wag na daw yan wala na daw yan

Malayo sa pinanggalingan

Naguusap na lang tayo

Kapag tayo'y napapagod

Inantay pang sumahol

Hindi nako makaahon

Tuwing nakikita ka

Para akong natataranta

Parang kulog ang ingay na

Dala kapag ika'y nagwawala

Nauubusan ng pag-asa

 

Hook (2x):

Naubos nang lahat

Bigla nalang nawawala

Sagad sa buto ang dilim

Hindi na makikita

 

RVRD:

May sasabihin ako sayo wag kang magagalit

Gusto kitang mahagilap, alam mo na kung bakit

Samut saring ala-ala ng kahapon tumilapon

Pinupulot ang punot dulo nitot pumupulupot

Sa pagsasama natin na sanay wag masamain

Sanay masanay ka sa hanay naking tatangkain

Sa nararamdaman ko, na sa iba'y gusto mo rin

Hindi makasarili, pero ika'y aangkinin

Di mo ba alam, di mo parin napapansin

Na sa dapithapon ang hanaphanap ikaw parin

Di malimot sa bangungot na mahulog sa bangin

Sa kaligayahang marahan, ikaw ang salarin

Salain natin ang sala sa sala

Para hindi na magbara ang bara

Salubungin ang sabong na sa bungad

Para di magalugad ang pugad

Halika na halikan moko o hawakan ang aking kamay

Ano ka ba kanina pa kaya kita hinihintay

Teka ano tong balisong na sinaksak mo sa akin aray

Niloko mo ako at gusto mo pala ako na mapatay

 

Repeat hook

 

Outro (4x):

Basang larawan

Iyong hawakan

Ubusin ang pait

Ng ala-ala



OTHER LYRICS

Kala

Kala
Kris Delano
2018 Single

Koro (feat. Gloc-9 and Francis M.)

Apoy
Greyhoundz
2005 Album

For The Love

IDEAL
Curtismith
2016 Album

Irrational Thought

INVERSE
RBTO
2012 Album

Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D

FlipTop presents: Tournament Semis
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

FEATURED ARTICLES