Album

Hxndx Mx Nvrvnvzvn


Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
Producer: Dosage
2017

Verse 1:

Kuyugin ka sana ng isang daang adik sa bato

Kiskisin yung mukha mo sa putik durugdurugin mga buto

Gago manipis ang isip mo sa loob ng bungo

Akala mo mahirap na yang buhay mo

Edi tangina mo

Pitaka mo hindi nabablanko

Alkansya parating puno

Habang kinakain ko sinabawang abo

Ihip ng katotohanan sayo

Puno ng hanging mabango

Sakin alingasaw ng dugo

Ang pinagdadaan ko

Hindi malaman kung away o gulo

Masalimuot pa sa digmaang daigdig

Habang ikaw nakasilid sa malamig

Na kuwartong dekarpet ang sahig

Kasinungalingan ang lumalabas sa bibig

Malakas sumandig kaya tabingi tumindig

Bulagbulagang palyadong pandinig

Malamang wala kang naintindihan kasi

Puri lang ang pinapakinggan ng tenga mong bingi

Hindi mo naranasan ang maghirap sa dilim

Silaw ka sa yaman na iyong hiningi

Yun lang alam ng utak mong walang sindi

Nakakarindi, paulit-ulit na basura iyong binibinhi

Mga litanyang kayo lang nakakaintindi

kinausap ang sariling salamin

hinahanap ang mga salarin

para paslangin ang mga parating masama kung tumingin

subukan mo maglakad sa tsinelas ko

makatapak ka sana ng kinakalawang na pako

makagat ng aso, para matikman mo

ang pakiramdam ng kinakarne ng mga hayop

igapos sa higpit ng tinatago mong takot

takpan ang mata sa premyong nakabalot

sa dugo ng tunay na mga taong walang pagod

kayong mga kumikislap pero wala namang kayod

 

Hook (2x):

Mga walang hiya

Malakas pa kumapit sa dikya

Lason sa eksena, kanser ang likha

Putolin ang sipit ng mga talangka

 

Verse 2:

Mga nagkakandarapang gago

Nasilaw sa pinilakang premyo

Mga chekeng may linyang blanko

Hala sige!

Ibenta kaluluwa niyo

Mabusog kayo sa mga pangako

Mga gago

Dadanak na ng dugo

Puro kasinungalingan

Patalim na kinulang sa hinang

Mahinang buga dahil sa mayamang pinanggalingan

Malabnaw na paninindigan

Di kayang lumaban hanggang kamatayan

Magaan na dala dahil sa mabigat na pangalan

Wala akong uurungan

Kamatayan ang tunay na timbangan

Mulat hanggang sa himlayan

Walang chansa makipagsabayan

Patay ang diwa ng mga pera ang tangan

At ampelyidong inaalagaan

Mga utak na magagaan

Kahit magsama-sama pa kayo

Malakas pa rin ako sainyo

Sa kuko ng liwanag ako'y nakatago

Mga kalakaran niyong hindi na nagbago

Kapit sa demonyo

Mga lulong sa titulo

Papatayin ko kayo

 

Repeat hook (3x)



OTHER LYRICS

Easy Ka Lang

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Info Trip (feat. Mark de Clive-Lowe)

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

PVKRVT

PVKRVT
Deadkey
2017 Single

Batang Nueve

Batang Nueve
Karisma
2022 Single

All I Know

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

FEATURED ARTICLES