Album

Zvlvmvy Zv Pvvlvv


Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
Producer: KMG
2017

Verse 1:

Ano ba talaga

Dapat gawin kapag biglang nadarama

Ihip ng hangin sakin dumadaan

Mga buhok saking mukha

Bigla na lang dumadapa

Panaginip ay kumakalma

Lumuluwang ang tanikala

Kapag sumasagot parating sumasaya

Kaya wag ka nang mahihiya

Iniisip ko na lang

Balang araw iyong maramdaman

Taas ng lipad tuwing ikaw ay nariyan

Ang mukha mo, aking tinitignan

Nasayong bisig ang

Aking natitirang lakas

Paraan ng pagtakas

Kaya wag mong ipagkait

Yakap at halik

Pinagsamahang saglit

Nawawala sa bawat pagpikit

 

Chorus (2x):

Inaalala ko na lang

Pakiramdam ng iyong labi

Sa bawat paghalik

Kailan ba babalik

Walang makapagsabi

 

Verse 2:

Unti-unting lumalamig

ang higpit ng pagkakakapit

sa puwang ng baitang hindi makasingit

kinapos ng hininga sa kakaihip

Masalba lamang

Masalo ng hangin

Kinakapos ng sasabihin

Kapag masabi agad na babawiin

Idadaan na lang sa panalangin

San nga ba tayo papunta

Tila nakalimutan na

Atras abante

Walang pamusta

Tulay sunog na

Di ko inabutan

Naglalaro ng

Patintero sa hangin, karera sa buwan

Pagkakalimot sa tingin at hagkan

Sa bawat dampi ako'y nasaktan

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Ganun Lang (Interlude)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

Lagabog (feat. Illest Morena)

Lagabog
Skusta Clee
2023 Single

Higher Learning

Higher Learning
Space Impakto
2016 Single

Dreamchaser

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

Fix Da World Up

Mastaplann
Mastaplann
1993 Album

FEATURED ARTICLES