Kuya


Dear Critics
Ghetto Doggs
Producer: Pooch
1999

Verse 1:

4th year college bumagsak sa grade 1

Aha... dala dalang weights 50 tons

Sang abc alam d to z hindi

Binalik ko ng pre school kasi ayaw kumime

Ano ka toddlers at lagi kang may tantrums

Higa muna sa kin at seat baby eh

Isuot ang tsinelas ko hoy galising aso

At sa may pintuan kunin mo nga ang dyaryo

Ako'y magbabasa habang paa'y minamasahe

Full service ng mga rappers na hindi pwede

Sa game ng rap kailangan meron gameplan

At kung meron test dapat mag review sa exam

Kaso nga lang naturingan old school ay nag repeater

I will be the tutor and I will be the teacher

Pero bago maturuan kailangan mag-silbe

Homeboy nasan ang juice saka kalamansi

 

Verse 2:

19 percent discount saking bigtime learning center

Exclusively lang para sa mga bobong rapper

Ako ang lecturer rap game ang ating subject

Pag bumagsak well walang special project

Dadahan dahanin explain word by word

Lend me your ears hindi ako gagamit ng blackboard

Hindi kayo nakinig kaya hindi kayo nag shine

Kala niyo sisikat kayo sa nursery rhyme

Sa first day of class tratuhin mo 'kong manager

Walang dapat bitbiten kundi pencil and paper

Sa second day of class tuturo ko ang formula

Magtatagal to kaya lunchbox dapat dala

Maghihirap kayo habang ako'y naka dekuwatro

Ang di sumunod magkaka klase don sa banyo

Kaya ikuha mo 'ko ng yoshi at paninde

Bago ko kayo turuan timpla nyoko ng kape

 

Chorus:

Kuya (kawawa kami)

Kuya (tulungan kami)

Kuya (turuan kami)

Kuya (eto na kami)

 

Verse 3:

Are you still remember dati you call me kuya

Pero ngayon inalipusta't minura mura

Walang nakuha miski singko o ni barya

Mismo sa trabaho mo ngayon hindi kumita

Hindi bumenta ang hinasik mong galing

Galing ka na sa gubat hindi pa sumakay sa bageng

Bat di ka sumabay sa amin sa last trip

Kasama namin ang kuya mong kina babadtrip

Insulto ba sayo at hidi mo maatim

Na ang feeling celebrity na hindi nakatikim

Oh ang sarap tsong namnamin mo

Ang lamig ang lamig parang nasa Baguio

O siya ang little children na insulto

Basta ang feeling ko ako ang iyong amo

Bago ang lahat bago kita isantabi

Itimpla mo muna ako ng cafe baby

 

Verse 4:

Bad morning bobong student ako ang bagong teacher

Kayo ang college level na bumabalik ng kinder

Na ayaw sumurender at may future daw sa rap

Yan ang hirap pag pre mature pinanganak

Kulang pa ng bitamina A ang yong kokorte

Punong puno ng hangin walang vitamin asoge

Pinipilit lumipad pero inabot ng La Nina

Tinamaan ng kidlat nadaanan ng kometa

Tama na muna babalik muna sa lesson

Tuturo ko ngayon ang inyong unang rap session

May konting a b c 1 2 3 walang recess

Ang mga lyrics ko ang inyong ida-digest

Aking isasuggest mag suot kayo ng life vest

Upang di malunod sa lalim ng aking test

You can call me kuya, sensei, master, o supreme

Pero timpla mo muna ako ng coffee konti lang ang creme

 

Verse 5:

Kamusta na ba kayo mga dati naming kapatid

Ako'y may ibang mensahe sa inyo'y ihahatid

Saan zone o destrito ka ba natutong mag rap

At sa pangarap sinong unang tao ang hinanap

Ah alam ko na kung sino siya

Kilala ng everybody Andrew E. diba

Lahat ng nalalaman sa hiphop inyo na bang alam

Kay kuya nagpaturo ngayon kinakalaban

Bat di nyo nalang subukan maglaro ng brick game

Bagay ang laos na game sa mga talunan sa rap game

Kami ang game na di niyo pwedeng sabayan

Kahit lipunin pa isang libong isang angkan

Si kuya ang namuhunan si kuya ang humubog

Si kuya ang magpaplano para lahat kayo'y mailubog

And by the way wag mo nang kalilimutan ha

You’re under me respect me and call me kuya

 

Repeat chorus (4x)

SEE ALSO

Latest Article

Pre-event Review ng Gubat 10

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

HUNGHANG
Single
Palos feat. JMara
2022
Crazymix/Bassilyo vs Loonie/Abra
FlipTop: Dos Por Dos Zoning
Crazymix/Bassilyo and Loonie/Abra
2012
Pison
MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9 (feat. Chito Miranda)
2012
Magbalik
Apokalipsis
Apokalipsis
2000
Arangkada
Ala Una
Apekz (feat. Aya)
2017